German Moreno will include Francis M in Walk of Fame even without family's approval

IMAGE 0


Master Rapper and TV host Francis Magalona (inset) will be among the artists who will get a star in German Moreno's Walk of Fame this December. "Ginagawa ko 'yan ngayon dahil walang ibang gumagawa. Kahit ang gobyerno nating ito ay walang ginagawa sa mga artista para man lang malaman o maalala yung mga nagdagdag ng kaban sa bansa," said the Master Showman.


Plano ng tinanguriang Master Showman ng Philippine showbiz na si German Moreno na ilagay ang pangalan ng namayapang Master Rapper na si Francis Magalona sa Walk of Fame, na matatagpuan sa Eastwood Libis, kahit na tutol ang pamilya ni Francis, lalo na ang biyuda nitong si Pia Arroyo-Magalona.

Katuwiran ni Pia, noong buhay pa raw si Francis M ay nag-request itong maisama ang pangalan sa Walk of Fame, pero hindi raw ito pinagbigyan ni Kuya Germs.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Germs kahapon, December 6, sa Broadway Centrum, Quezon City, bago siya sumalang sa taping ng variety show niyang Walang Tulugan with The Master Showman.

Ayon kay Kuya Germs nagulat siya nang makarating sa kanya ang pagtanggi ng pamilya ni Francis na mailagay ang pangalan nito sa Walk of Fame.

"Nagulat ako. Nagtataka ako... bakit? Siyempre, ino-honor mo ang isang tao," sabi ni Kuya Germs.

"Kung ipinagpipilitan nila na noong araw daw ay nire-request ni Francis, hindi naman by request 'yan, e. Nung pumunta ako sa mga magulang ni Francis para mailagay ang pangalan nila sa Walk of Fame, sabi niya sa akin kelan naman daw siya. Sabi ko time will come.

"Nung magkita kami sa Eat Bulaga! [kung saan nag-host din si Francis], ipinaalala sa akin ni Francis, kelan. Pero hindi ko nalaman na may karamdaman si Francis. And during that time hindi rin siguro alam ni Francis na may karamdaman siya.

"Ang lagayan ng aking Walk of Fame is December. At kasama na talaga ang pangalan ni Francis sa ilalagay ko doon. Nagkataon naman na namatay siya noong March," paliwanag pa niya.

HIS OWN INITIATIVE. "Sana ay maintindihan nila. At saka hindi nilalagay ang name by request. Pinag-iisipan at pinag-aaralan muna natin kung ano yung mga achievements ng mga artista sa industriya.

"Ginagawa ko 'yan ngayon dahil walang ibang gumagawa. Kahit ang gobyerno nating ito ay walang ginagawa sa mga artista para man lang malaman o maalala yung mga nagdagdag ng kaban sa bansa. E, ako na lang ang nag-isip kaya ako ang nag-aabono. Pero hindi ko pinag-iisipan. Itong proyektong ito ay bukal sa aking kalooban. Nakita ko sa Hollywood kaya ginawa ko na magkaroon din dito sa atin. So ayan, inumpisahan ko sa dalawampu't dalawang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, bakit yung iba diyan, hindi nga nagrereklamo, hindi nag-aano. Maaring mayroon ding magsasabi katulad nga nila, bakit nauna si ganoon. E, ito pa ang mahirap, kung kakayanin lang ng bulsa ko lahat-lahat na sabay-sabay ilagay, gagawin ko. Kaso ako lang naman ang nagsu-shoulder. So sana maintindihan nila."

Itutuloy pa rin ni Kuya Germs ang paglagay ng pangalan ni Francis sa Walk of Fame kahit pa nga ayaw ng pamilya ni Francis.

"Hindi naman sila ang pinangakuan ko. Si Francis ang pinangakuan ko. At si Francis ang nagsalita sa akin na, 'Kuya Germs, kelan mo ako ilalagay?' So uulitan ko, hindi ko alam na mamamatay si Francis. At baka nakakalimutan nila na Francis is anak-anakan ko. Original na member ng That's Entertainment si Francis, yung dati kong show."

THE RETURN OF THAT'S ENTERTAINMENT. Speaking of That's Entertainment, nabanggit ni Kuya Germs last month noong kanyang thanksgiving party and at the same time advance Christmas party para sa mga taga-press na nakatulong sa career niya na ibabalik niya ang naturang show.

Ang That's Entertainment ay isang youth-oriented talent and variety show ng GMA-7, mula 1986 hanggang 1996, kung saan unang nakilala at hinasa ang kanilang galing sa pag-entertain ang ilan sa mga sikat na sikat na artista ngayon, tulad nina Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Leah Salonga at marami pang iba.

Tuloy na tuloy na nga ba ang pagbabalik sa ere ng That's Entertainment?

"Ah... Abangan ang susunod na kabanata," ang gusto lang munang sabihin ng Master Showman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN