Boy Abunda: "The Buzz will not apologize to Gina Alajar."

The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg">

The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg">

IMAGE 0


"Pag nasasaktan ang isang tao, ke agree ka o hindi sa dahilan kung bakit siya nasaktan, of course, you know, masakit. You honor that pain. And I say I apologize. But the show, on behalf of the show, I was told by the producers, The Buzz will not apologize. Yun, e, dahil naniniwala ang The Buzz na wala ngang karapatang pantao ni Gina ang nalabag," says Boy Abunda.


Naging very vocal ang aktres na si Gina Alajar sa presscon ng Sana Ngayong Pasko ng GMA-7 last December 1 tungkol sa stand niyang nais niya ng public apology ang The Buzz sa kanya. Ito ay dahil walang pahintulot mula sa kanya upang gamitin ng talk show ang isinulat nitong shout out sa kanyang Facebook account.

Ito'y may kinalaman sa kanyang personal na opinion sa Manny Pacquiao-Krista Ranillo-Jinkee Pacquiao controversy. Ayon sa aktres, hindi yun for public consumption kundi para lamang sa kanyang circle of friends sa nasabing social networking site. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, December 6, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Boy Abunda, isa sa hosts ng The Buzz. Kinuha namin ang kanyang panig tungkol sa isyu.

"Sinabi ko na yun. Bilang tao, bilang kaibigan... For whatever reasons Gina has, whether I agree or not to her reasons, nag-a-apologize ako sa kanya—bilang kaibigan, bilang kasamahan sa industriya. Pero base sa aming mga bosses [sa ABS-CBN], The Buzz is not going to apologize dahil wala ngang karapatang pantao ni Gina na nilabag ng palabas. That's according to the lawyers, according to the management. As a person, I apologize. As a person... But the show will not."

Sabi naman ni Gina, hindi naman daw ito galit sa kahit sino man sa hosts ng The Buzz—kabilang siya, si Kris Aquino, o si Ruffa Gutierrez—kundi sa researcher or segment producer or writer ng naturang balita, kaya walang dahilan upang si Boy ang mismong mag-sorry sa aktres.

Sabi pa rin ni Boy Abunda, "Ako naman, kaibigan ko kasi 'yon, e. Ako naman, for whatever reasons, 'pag may nasaktan ka, siyempre nag-a-apologize ka. And she's a friend, e. Kung ano man ang nangyari, alam naman ni Gina that it's a production concern. You know, nagbabasa lang kami, nagko-comment lang kami. Pero ako, bilang kaibigan, matagal na kasi kaming magkaibigan ni Gina, kasamahan sa industriya... Isa sa pinakamahuhusay na artista, that's why I say I apologize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, pag nasasaktan ang isang tao, ke agree ka o hindi sa dahilan kung bakit siya nasaktan, of course, you know, masakit. You honor that pain. And I say I apologize. But ang show, on behalf of the show, I was told by the producers, The Buzz will not apologize. Yun, e, dahil naniniwala ang The Buzz na wala ngang karapatang pantao ni Gina ang nalabag," pahayag ni Boy.

May statement din umano si Gina na pinag-iisipan na nito ang isang legal action laban sa kanilang showbiz-oriented talk show. Ano ang reaction niya rito?

"If it's going to be a legal issue, then so be it. I think that's what The Buzz is trying to say," sabi ni Boy.

Nakonsulta na ba nila ito sa lawyers ng show?

"I think so, that's what Louie [Andrada, ABS-CBN business head for talk] told me.... I think he represents the management, so pinag-usapan nila yun."

Pero kung si Boy ang tatanungin, hangad nito na hindi na umabot pa ito sa korte.

"Sana naman hindi na umabot diyan. Sana naman hindi na umabot sa gano'n. Yun lang ang aking dasal. Kasi, lahat naman nadadaan sa mabuting pag-uusap."

Hindi niya ba iniisip o masasabi na pagkakamali 'yon on the part of their show?

"I will not speak in behalf of the show, e," sagot niya. "Ang second weakness ko, hindi ako marunong mag-Facebook. I'm not familiar... Hindi ako pamilyar sa mundong ito. Hindi ako pamilyar. Ang computer sa akin, ang gamit lang ay email. Ni hindi ako marunong mag-email. Marunong akong magbasa ng email, kasi nasa Blackberry [phone]. Pero outside of that, hindi ko talaga mundo. Pero ngayon, sinasadya ko na dahil parang gusto ko ang mundong labas ng computers. Ewan ko... Everybody's into it, pero..."

NOT WITH TEAM KRISTA. Nilinaw rin ni Boy na hindi naman daw niya pinapanigan si Krista Ranillo sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman... Alam mo, I wanna make clear on that. Sa ating lipunan kasi, ang dali-daling maghusga, ang dali-daling kutyain ang third party. Di ba, pag sinabing kabit, mistress... Saan ba ako nanggagaling? Siguro dahil anak sa labas ang tatay ko... I don't know. Parang gano'n. Hindi ko sinasabi na tama ang mag-kabit, hindi ko sinasabing dapat manira ka ng pamilya.

"Ang sinasabi ko lamang, pagbigyan si Krista ng pagkakataon, halimbawa, upang ipagtanggol ang kanyang sarili o di kaya hayaan na lang muna siyang manahimik. I mean, I don't know... I don't know what it is. Hindi ko siya kinakampihan. I know very little of Krista. But she's a nice girl... She's supposed to be Cheska Litton in SNN [Showbiz News Ngayon]... One of the girls was supposed to be her.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang pinanggagalingan ni Krista," patuloy niya, "pero certain ako sa sarili ko na gusto kong mapakinggan ang boses niya. Gusto kong marinig ang side niya. Kasi, bugbog-sarado, e. Bugbog-sarado na, e. I'm not saying na wala siyang ano, ha... I'm not saying na ... I don't know the story lang...

"Yung parang, bago natin siya ipako sa krus, gusto ko munang mapakinggan kung ano ang kuwento niya. Ang dali kasing maghusga, e. Kung dumating na siya, hindi ko alam, pero ang gut feel ko, parang 'andito."

Nais daw niya niyang makapanayam si Krista, given the chance.

"Yeah, I'm willing to interview Krista," sabi ni Boy. "I'm willing to interview Manny. I'm willing to interview Jinkee. Pero nandun din ako sa paniniwala na may karapatan... Kasi public figures silang lahat, e, lalo na si Manny. And by virtue of the fact na Jinkee is married to Manny, nagiging public figure na rin siya. Si Krista naman ay public figure.

"Pero naniniwala ako na choices ito ng mga tao [kung mag-deny man sa sinasabing relasyong Manny-Krista]. Choice ni Manny kung ano man ang gusto niya sa buhay niya. Wala siyang legal accountability to the public. He's not a public official na nilulustay ang pera ng bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He has so much money that he spends for himself. May mga taong nagsasabing responsibilidad niyang magpaliwanag... His only responsibility is because he is a national hero in a sense. As a national hero, tinitingala ng kabataan, he's a role model—whether he likes it or not—kaya andun siya. And he has no choice but to be talked about dahil he's public [figure]. Pero kung ano ang nais niyang i-share, e, choice niya 'yon."

BEST TV HOST. Nagpasalamat din ang beteranong host-talent manager sa kanyang nakamit na tropeyo bilang Best Male Showbiz-Oriented Talk Show Host for The Buzz sa 23rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

"Sa PMPC, maraming salamat... Nakakatuwa! The award this year is my fourteenth consecutive award. Galing, 'no? Salamat, PMPC," masayang wika ni Boy.

Upang ma-elevate to Hall of Fame sa PMPC Star Awards, dapat ay maka-15 trophies ang isang nominado para sa iisang kategorya.

"One more, oo!" bulalas niya.

The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg">


The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg"> The Buzz will not apologize to Gina Alajar."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/20860/boy-abunda-the-buzz-will-not-apologize-to-gina-alajar" data-desc="The veteran TV host says Krista Ranilla should be given the opportunity to defend herself or keep mum about the issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/335b2ae8d.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN