Ex-PBB housemate Dionne Monsanto is still going out with her ex-boyfriend

IMAGE 0


"He's focused with his work. Ako, I'm focused with my family and my career. Parang mas gusto naming mag-spend ng more time sa mga bagay na dapat naming pagtuunan ng pansin kesa sa lovelife. So now, he's not ready and I'm also not ready to get into another relationship," says Dionne Monsanto about her ex-boyfriend, former PBB Teen housemate Alex Anselmuccio.


Isa ang Pinoy Big Brother Season 2 ex-housemate na si Dionne Monsanto sa mga artistang binigyan ng presscon ng Star Magic noong Miyerkules, Disyembre 9, para sa mga talent nilang nagse-celebrate ng birthday ngayong December.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dionne kung ano ang birthday wish niya?

"Honestly po, more projects kasi marami rin akong binabayaran ngayon. At saka para mas marami rin po akong matulungan," sabi niya.

Ang tinutukoy ni Dionne ay ang ginagawa niyang outreach program para sa mga kababayan nating kapus-palad. Isinasagawa ito ni Dionne tuwing kaarawan niya, December 5.

Ika-sampung taon na niya ngayong 2009 sa kanyang nakaugaliang outreach program. First time niyang gagawin dito sa Manila ang kanyang charity work dahil sa nagdaang siyam na taon ay ang kanyang mga kababayan sa Cebu ang tinutulungan niya.

Ngayong araw na ito, December 11, niya isasagawa ang kanyang outreach program at ang napili niyang tulungan ay ang mga kababayan nating nakatira malapit sa creek sa may E. Rodriguez Avenue sa Quezon City, na isa rin sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ondoy.

"This is my tenth year. Nag-start ako noong 14 years old ako. And ngayong 24th birthday ko, ang napili kong tulungan yung mga Ondoy victims sa may E. Rodriguez na nasa creek. Meron doong about 150 families. This year, parang may little gift-giving lang for the children. Mamimigay kami ng slippers, socks, food. For the senior citizens naman, mamimigay kami ng reading glasses, towels, pagkain din. Ganun lang po," sabi niya.

Meron ba siyang katulong na organization sa gagawin niyang outreach program?

"Ka-tie up ko po yung isang sector sa Quezon City Hall, yung livelihood program headed by Ms. Lorraine Sarmiento. May grupo sila doon na mahilig talagang mag-outreach. Pero most of the time, for livelihood awareness. Tinuturuan nila yung mga tao through seminars about little businesses."

STILL GOING OUT WITH HER EX. During her birthday mismo ay lumabas lang daw siya kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Alex Anselmuccio. Si Alex ay ex-housemate din ng PBB, pero sa PBB Teen Plus ito nakasali, kung saan ang nanalo ay si Ejay Falcon. Siya yung galing sa Milan, Italy na nagpa-circumcise sa loob ng Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Alex, actually, for my birthday, nagkita kami. Nag-dinner kami. Tapos nag-donate siya para doon sa outreach. Nagbigay siya ng food, meryenda for the volunteers at saka juices and cupcakes," banggit ni Dionne.

Nine months lang daw tumagal ang relationship nila ni Alex, pero mabuting magkaibigan naman daw sila ngayon. Nitong July this year lang daw sila naghiwalay.

Mas matanda ng limang taon si Dionne kay Alex. May kinalaman ba ang age gap nila sa kanilang breakup?

"No, for his age, he's very mature," sabi niya. "Kaso lang nung time kasi na hindi kami masyadong nagkikita... dahil wala kaming panahon na magkita, like kung siya available, ako naman yung hindi available and vice versa."

So, ano ang totoong dahilan ng hiwalayan nila?

"Gaya ng sabi ko, hindi nga po kami nagkikita masyado," sagot ni Dionne.

Hindi ba mababaw na dahilan yun?

"Hindi naman po. Ang hirap kasi pag kulang yung oras niyo for each other, parang mahirap i-workout. Nag-usap po kami. Pero ngayon, we're very good friends. Actually, last December 8, nagkita kami kasi birthday ng girlfriend ng brother niya. He invited me to go with him. We're very okay as friends."

Mas preferred niya ba talaga for a boyfriend yung mas bata sa kanya?

"Nagkataon lang ho. First boyfriend ko siya na mas bata sa akin. Yung mga past ko, puro mas matanda naman sa akin," aniya.

Pareho raw silang single ngayon ni Alex. Ibig bang sabihin nito ay open pa rin siya na someday ay magkabalikan din sila?

"Yes, definitely. He's a very wonderful person," pag-amin ni Dionne.

Kung ganun naman pala ang pananaw niya, bakit pa sila naghiwalay?

"Ano kasi, iba yung focus namin ngayon. He's focused with his work. Ako, I'm focused with my family and my career. Parang mas gusto naming mag-spend ng more time sa mga bagay na dapat naming pagtuunan ng pansin kesa sa lovelife. So now, he's not ready and I'm also not ready to get into another relationship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw bumalik si Alex sa Italy.

"He is now working for an Italian call center."

Hindi na ba itinuloy ni Alex ang pag-aartista nito?

"Hindi na po. Although he's going through VTRs for commercials, every now and then."

CAREER. In terms of career, happy naman si Dionne dahil napasama siya sa cast ng ABS-CBN sitcom na George & Cecil na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ginagampanan niya ang role ni Grace Palacios na asawa ni Archie Alemania at kaibigan nina Juday at Ryan.

"I'm still in George & Cecil. I'm very proud to say na supposedly two months lang kami, nag-extend kami ng one more season," pagmamalaki ni Dionne.

Other than George & Cecil, mostly guestings lang sa mga ABS-CBN shows ang ginagawa niya. Hindi ba siya naiinip na magkaroon ng big break sa TV or movies?

"Hindi naman po. Actually, I'm taking things slow kasi we're starting up a little business in Cebu with my sisters. Ano siya, parang delicacies, 'tapos pastries, ganun."

Open ba siya na magpa-sexy?

"Okay naman po, pero may limitation lang. Nakapag-sexy cover na rin po ako sa isang men's magazine dati. Pero hanggang ganun lang po siguro ang kaya kong gawin. Siguro po pag may offer, I'll think about it. But I can only do what I did before, two-piece lang, hindi yung all out. Gusto ko pa rin yung classy na sexy."

Paano kung magkaroon ng offer na indie film na may temang lesbianism, willing ba siyang gawin ito?

"Ako naman, I always believe na indie films are experimental and most of the time, may substance talaga, e, di ba? It's not some shallow story. So, okay lang sa akin na gawin yun."

Open ba siya na magkaroon ng kissing scene with the same sex?

"Yeah, okay lang. Role lang naman po yun, so okay lang. Ako naman, I'm very assured of my sexuality."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung bibigyan siya ng choice na makapili ng actress na gusto niyang makahalikan, sino kaya yun?

"Sino ba? Siguro si Cristine Reyes kasi nakatrabaho ko na siya sa isang series [Your Song Presents Babalik Kang Muli]. And she's actually very game. Masarap siyang katrabaho. Or si Cass Ponti. Si Cass kasi she's a very good friend of mine. She's one of my closest in showbiz. And I'm very happy dahil minsan ka lang makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz."

Si Mocha Uson kasi ng Mocha Girls ay open sa same-sex kissing. Kung aalukin ba siya ni Mocha na mag-kiss sila, papayag ba siya?

"I don't kiss kasi people I don't know, e," sagot ni Dionne. "Na-meet ko lang siya twice. Hindi rin naman ako nakikipaghalikan sa isang taong wala akong nararamdaman or attachment. Unless siguro kung part ng job, siyempre binabayaran ka na to do the role, di ba?"

Ano naman ang plano niya ngayong Pasko?

"I'm going back to Cebu. I'll be spending Christmas with my family, kasi every year naman po nasa Cebu talaga ako for the holidays. I'm gonna stay there until New Year. Tapos balik Manila na ulit kasi may schedule na ng taping for George & Cecil."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN