LJ Reyes says FHM cover won't be the start of a sexy trend for her: "Hindi ako 'gifted'!"

IMAGE 0


The StarStruck host says she'll never have breast enhancement: "Magpapalagay ako? Takot nga ako, e. Wala nga akong ipinabago sa sarili ko. Ayoko, baka pagtanda ko yung ano ko, hindi na pantay!"


Marami ang nagulat sa biglang pagpayag ni LJ Reyes na maging cover girl ng FHM magazine. Madalas niya kasing sabihin noon na hindi niya kayang mag-pose sa isang men's magazine. Pero ngayong December, siya pa nga ang cover.

Paano siya napapayag?

"Noong nagtanong sila sa akin, October yun.... Mabilisan lang. Kasi, matagal na nga nila akong kinukulit. Sabi ko, hindi ko pa kaya dati. Tapos, parang pinipilit talaga akong mag-FHM. Sabi nila, hindi naman bastusin yung peg.... Class daw ang peg ng December.

"Sabi nila, mala-Victoria Secret na fashion show nila na Angel. So, sabi ko, sige, pag-iisipan ko, ha. Hanggang sa ninarag-ngarag na nila 'ko sa desisyon ko, kumausap ako ng ibang mga tao at pumayag na rin naman ang mommy ko."

MATURE ENOUGH. Feeling ni LJ, since magtu-twenty na siya ngayong Pasko, mismong sa December 25, okey na naman daw siguro na mag-sexycover siya.

Anong naging reaksiyon ng mga nakakita na?

"Natatakot nga ako," natatawang kuwento ni LJ. "Kasi noong nag-mall show kami, may mga nagpapapirma, humahabol, pinapapirma yung magazine. Kaya sabi ko, wow, parang naku, isipin niyo ang mga lalaki... ewan ko!"

Dugtong niya, "Marami naman ang nagagandahan at nagsasabing hindi siya bastusin. Masaya naman ako sa naging result at walang regret."

Pero hindi raw ito simula na nang pagpapaseksi niya. "Hello! Hindi ako puwedeng magpaseksi! Hindi ako 'gifted'!" natatawa niyang sabi.

NO TO SURGERY. Hindi rin daw para sa kanya ang breast enhancement.

"Magpapalagay ako? Takot nga ako, e. Wala nga akong ipinabago sa sarili ko. Pero ayoko... Baka pagtanda ko yung ano ko, hindi na pantay! Baka mam'ya magka-cancer ako dahil diyan. Kasi hindi mo naman masabi kahit sinong safest doctor pa. Lahat ng operation, lahat ng medicine, lahat ng kung anong gagawin sa 'yo, iba ang reaction sa katawan, e... Iba-iba ang reaction sa iba't ibang tao... ayoko namang i-risk."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Di man siya magpapaseksi, ang maaasahan na raw sa kanya ay mga mas mature na roles. "Hindi na puwedeng pa-tweetums. Nakausap ko na naman ang GMA Artist Center about that... so yun."

Matagal nang pinaghihinalaan na may pagkakaunawan na sina LJ at ang kapwa segment host niya sa StarStruck na si Paulo Avelino, pero matipid lang ang sagot ni LJ tungkol sa status nila. "Huwag na nating sagutin yan," nakatawa naman niyang sinabi.

PROUD PAULO. Tinanong pa rin namin kung isa ba si Paulo sa mga pinagsabihan at pinagpaalaman niya tungkol sa cover.

"E, promoter ko nga yun! Like sa SOP, sinasabi niya, bili kayo ng FHM niya! Ako nga ang nahihiya," natatawang sabi niya.

Very proud si Paulo?

"Oo... na walang halong kaplastikan. Proud talaga."

Ano pa man ang status nila, "basta happy naman kami," ang masasabi ng dalaga. "Mabait naman yung tao. Matiyaga. Masipag magtrabaho."

Kahit na sinabihan niya si Paulo bago niya ginawa yung cover, pinag-diinan pa rin ni LJ ang pagiging independent niya.

"Hindi naman siya magiging factor ng desisyon kasi, siyempre, kaninong katawan ba yun? Sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN