Mark Anthony Fernandez says one reason he's leaving Darna is for a surgical procedure

IMAGE 0


It's a cyst, not drugs, that's getting him down, he says. "Hindi naman siya life threatening. Dinadala ko 'to, matagal-tagal na rin. Ang hirap kumilos kapag may dinadala ka. So, gusto ko sanang matanggal na ang burden na ito para wala nang depression. Hindi ka na nalulungkot pag minsang tinitingnan mo ang sarili mo... ganun."


Nabalitaan na mawawala na ang character ni Mark Anthony Fernandez sa Darna bilang si Eduardo. Marami ang nagulat dahil lumalabas na hanggang sa finale ng Darna ay nandun sana siya bilang leading man talaga ni Marian Rivera, pero kumpirmado na na mawawala nga si Mark sa fantaserye.

Nakausap ng Startalk ang actor at nilinaw nito ang ilang isyu tungkol sa pag-aalis niya.

Ayon kay Mark, "Hindi naman bukas, mamamatay na si Eduardo. Hindi naman ganun. Ang gagawin namin, i-a-advance namin ang mga taping namin. Pero eventually, hindi pa naman ngayon or somewhere along the way, dun siya mamamatay."

DRUGS AGAIN? Mabilis kumalat ang balita na bumalik daw uli si Mark sa paggagamit ng droga kaya siya mawawala. Ito'y itinanggi ng aktor.

"Wala pong katotohanan yun. Wala po akong rason para mag-drugs. Hindi ko po kailangan yun. Kumbaga, walang rason para saktan ko ang sarili ko. Kahit ang mga kasamahan ko po rito sa set, alam po yun, malinis ang kunsensiya ko kung kaya't hindi naman po ako naapektuhan."

Confident naman daw si Mark na hindi pinaniniwalaan ng ina niyang si Alma Moreno ang isyu sa kanya regarding drugs.

"Alam naman ng mama ko from day one kung ano talaga ang mga kuwento kumbaga... so, hindi ko na kailangang mag-explain pa sa kanya."

In fairness kay Mark, sinegundahan naman ng GMA-7 ang mga pahayag niyang walang koneksiyon sa isyung balik-droga ang pag-aalis niya sa Darna, sa pamamagitan ng isang official statement mula sa network.

SURGICAL PROCEDURE. Kung ganoon, ano ang totoong dahilan sa pamamaalam niya sa Darna?

"Kailangan kong magpahinga... maghanda rin sa mga susunod naming proyekto. Isa na yung with Regine [Velasquez]. Isa rin dun yung movie with GMA with Claudine Barretto. At saka, meron din nga akong kailangang paoperahan. Meron akong cyst sa dibdib.

"Pangkaraniwang cyst lang na kailangan ko lang ipatanggal. Hindi naman siya life threatening. Dinadala ko 'to, matagal-tagal na rin. Ang hirap kumilos kapag may dinadala ka. So, gusto ko sanang matanggal na ang burden na ito para wala nang depression. Hindi ka na nalulungkot pag minsang tinitingnan mo ang sarili mo... ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, wala pa siyang schedule para sa operation, "pero hinihintay ko lang yung after ma-canned namin lahat ng mga eksena ko rito. At saka ako magpapaopera."

Aminado si Mark na mabigat ang kalooban niya sa pag-alis sa Darna.

Pero ayon na rin sa kanya, "Naging light ang mga bagay-bagay dahil yung mga katrabaho ko rito, yung mga humahawak ng proyekto ko, sila rin ang magiging bossing ko sa susunod na proyekto. So, naging madali para sa akin para maintindihan nila ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN