John Lapus on his MMFF movie roles: "Okay lang kahit parati akong pinapatay, basta may movie ako sa Pasko!"

IMAGE 0


"Sa unang Shake, Rattle & Roll, nilapa ako ng isang halimaw na Christmas tree. Sa pangalawang SSR, piñata ako ng asuwang na si Mylene Dizon. Dito naman sa bagong SSR, isang wedding gown ang papatay sa akin. Napapansin ko nga na parang tuwang-tuwa si Mother Lily [Monteverde] na ipapatay ako sa SSR. Entertainment yata para sa kanya na makita ang bading na natitigok!&


Doble-panalo, kumbaga, ang Christmas ni John "Sweet" Lapus, dahil dalawa ang pelikula niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.

Kasama si Sweet sa Shake, Rattle & Roll XI, ang horror franchise ng Regal Entertainment, sa episode na "Ukay-Ukay," with Ruffa Gutierrez and Zoren Legaspi. Gaganap siya bilang fashion designer na papatayin ng isang wedding gown.

Kasama rin si Sweet sa pelikulang Ang Panday ni Ramon "Bong" Revilla Jr. na joint production ng GMA Films at Imus Productions. Dito naman ay gaganap siya bilang isang baklang manananggal.

For the past three years nga ay may pelikula si Sweet sa MMFF kaya muli na namang matutuwa ang kanyang mga pamangkin na mahilig manood ng mga festival films tuwing Pasko.

"Parati nga silang nagtatanong sa akin kung may movie ba ako sa Christmas kasi gusto nilang manood. Sabi ko naman ay meron. At dalawa pa. Dapat nga tatlo 'yan kasi kasama ako sa cast noong Nieves ni Marian Rivera. Hindi na nagawa kasi walang available na director, 'tapos nagpatung-patong pa ang schedules ni Marian. Kaya naging dalawa lang.

"Pero go pa rin ang mga pamangkin ko at panoorin nila ako lalo na sa Shake, Rattle & Roll. Natutuwa sila kasi parati raw akong patay sa SSR!" malakas na tawa ni Sweet.

PERENNIAL FATALITY. "Kasi nga naman, sa unang SSR ko na 'Christmas Tree,' nilapa ako ng isang halimaw na Christmas tree. Sa pangalawang SSR ko naman na 'Emergency,' piƱata naman ako ng asuwang na si Mylene Dizon. Ngayon dito naman sa bagong SSR, isang wedding gown naman ang papatay sa akin. Nakakalokah, di ba?

"Napapansin ko nga na parang tuwang-tuwa si Mother Lily [Monteverde] na ipapatay ako sa Shake, Rattle & Roll. Entertainment yata para sa kanya na makita ang bading na natitigok!" patuloy na pagtawa ni Sweet.

"Pero love ko 'yang si Mother Lily, lalo na si Roselle [Monteverde]. Kasi nga hindi nila ako nakakalimutan tuwing may MMFF entry sila. Kaya okey lang kahit parati akong pinapatay, basta may movie ako sa Pasko na ikakatuwa ng mga pamangkin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUSY, BLESSED YEAR. Maging sa TV ay sunud-sunod ang blessings ni Sweet. Sa simula pa lang ng taong 2009 ay nakasama na siya sa mga drama series ng GMA-7 na Luna Mystika, Adik sa 'Yo at ngayon ay sa Full House. Kasama rin siya sa sitcom na Show Me Da Manny at may ginawa siyang SRO Cinemaserye: Reunion. At ilang beses siyang naging guest judge sa Talentadong Pinoy ng TV5.

"Sobrang naging busy ang 2009 sa akin. Bukod nga sa Showbiz Central, nagkasunud-sunod ang mga drama series na ginawa ko sa primetime ng GMA-7. Kaya blessed na blessed ako. Kapag blessed ako, pati mga mahal ko sa buhay ay nabibiyayaan din, di ba?" ngiti pa niya.

This Christmas ay simpleng celebrasyon lang ang gagawin ni Sweet kasama ang kanyang pamilya.

"It will be a very Sweet Christmas para sa aming lahat. Ang importante ay magkakasama kaming buong pamilya sa Christmas Eve. Pagkatapos siguro ng MMFF parade on Decemebr 24, uuwi ako kaagad para makapaghanda.

"Iniisip ko na nga ang matinding trapik sa araw na iyon pero okey lang, basta makauwi ako nang safe at nandoon ang mother ko, kapatid ko at mga pamangkin, magpapasalamat ako kay Lord dahil buo kami this Christmas," pagtatapos ni John "Sweet" Lapus.


Click here to read more about this year's MMFF entries


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN