Jinkee Pacquiao about husband Manny and Krista Ranillo: "Kaibigan? Pero naging ka-ibigan... ganun, e."

IMAGE 0


Jinkee Pacquiao squarely faces the issue of Manny and Krista on Startalk.


Exclusive na nakausap ng Startalk kahapon, December 12, ang misis ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao.

Ang unang tanong na ibinato ng host na si Butch Francisco kay Jinkee ay kung kumusta na ang pamilya nila. Siyempre, ang pinanggagalingan ng tanong ay ang kontrobersiyang nakakabit sa pamilya Pacquiao ngayon.

"Okay naman. Kapag may problema nang konti, napag-uusapan. Kapag may tampo nang konti... yun, sinasabi na. Hindi na yung parang kinikimkim. Mas open kami sa isa't isa."

Paano nila na-resolve yung isyu?

"Kapag natutulog kami, nag-uusap naman kami sa mga problema. Parang sinasabi namin na hindi nga kami kailangan maapektuhan. Kailangan pag-usapan para maging maayos."

MORE THAN FRIENDS. Nitong mga nakaraang araw, naging vocal si Jinkee sa pagsagot sa mga isyu hinggil sa pagkaka-link ni Manny kay Krista Ranillo. Napag-uusapan ba nilang mag-asawa si Krista?

"Minsan... yung sinabi niyang parang malapit silang magkaibigan, iniisip ko lang, kaibigan? Pero naging ka-ibigan... ganun, e. Kapag naging close ka sa isang tao, minsan, parang dumating sa point na parang hindi na kaibigan yung turing niyo."

Ipinaalala ni Butch kay Jinkee ang naging message niya noon for Krista na ipinalabas sa 24 Oras. Bakit daw niya nasabi yung message na yun? (CLICK HERE here for related story.)

"Kasi, bata pa siya, so, yun na lang ang ano ko... Kasi mas maganda yung parang bata pa siya, makapag-asawa pa siya. Mas maganda yung haharap ka sa mga tao rin na makikita mo sila na hindi ka nila iniisnab.

"Yung makatingin ka nang harapan at hindi ka nakayuko kasi nahihiya ka sa ginawa mo. At saka tayong mga Filipino, conservative tayo. Pangit sa atin yung parang makikiapid ka, di ba?"

Natawa si Jinkee sa hirit ni Butch na, "Bakit, may ginawa ba siya?"

"E, kasi yun ang ano... basta yun lang ang masasabi ko. Baka may thinking siya na ganun, so, pangit sa isang babae yun. E, ang ganda-ganda pa naman niya, marami pa siyang makukuhang lalaking single."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISINTERPRETED. Sa kutob daw ni Jinkee, tanong ni Butch, meron or wala?

"Wala... wala... si Manny kasi minsan, nami-misinterpret yung pagiging kaibigan niya. Pakikitungo niya sa kaibigan, so..."

In other words, puwede kayong magkasama ni Krista sa isang kuwarto na kumportable kayo sa isa't isa?

"Puwede... pero sa ngayon, parang ayokong makipagplastikan."

Ayon kay Butch, may nakakatawang balita raw na binigyan niya ng P5 million si Krista para layuan si Manny.

"Hay, Diyos ko, hindi ako ganun!" natatawang sabi ni Jinkee. "I'm not begging for love na para hiwalayan mo ang asawa ko, no... Para ano? Ano siya, sinusuwerte, bibigyan ko pa siya ng pera?" natatawang sabi pa niya.

Aminado naman si Jinkee na labis na naapektuhan ang kanilang mga anak at pamilya sa issue. Katunayan, kinailangan pa raw magharap-harap ang kanyang pamilya at pamilya ni Manny upang hindi na lumala ang hindi nila pagkikibuan.

"Bati-bati na lahat... sabi ko, kung problema namin ni Manny, pinag-uusapan na namin yun. Sana yung both family, okay..."

THANK YOU, GINA ALAJAR. Paano nila na-survive yung mga trials sa marriage?

"Siguro yung pagiging matatag ko. Kailangang isipin ko ang mga anak ko kung paano namin nai-build yung aming family. Parang sayang naman, hindi basta ganun-ganun lang."

Malaki naman ang pasasalamat ni Jinkee kay Gina Alajar dahil sa kanyang controversial Facebook status.

"Doon ako nagpapasalamat. Yung concern niya sa akin kahit hindi naman kami magkakilala talaga. Thank you kay Tita Gina sa message mo at sa concern mo sa akin, nagpapasalamat talaga 'ko sa 'yo."

Ano ang advice mo sa mga legal wives?

"Ipaglaban mo kung ano ang meron ka. Kailangan walang aagaw. Kailangan nag-iisa ka lang sa buhay ng asawa mo."

Bato-bato sa langit... sa mga kerida naman?

"Ano... makunsensiya kayo."

Final message kay Krista?

"Kay Krista... good luck na lang sa 'yo at saka sana maging lesson sa 'yo 'to. Sana maging happy ka at Merry Christmas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Manny?

"My one and only husband... sana manalo siya ulit kay Mayweather. Sana nandiyan pa rin ang pagiging humble niya. Yun... basta nandito lang ako para sa 'yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN