Bianca King tries to put "tent issue" with Krista Ranillo behind her

IMAGE 0


Despite the disrespect she says was shown to her by a Krista relative, Bianca says, "May respect pa rin ako sa kanila dahil alam ko, hirap na hirap din ang family nila sa pag-handle ng situation kaya siguro naging paranoid lang sila nang konti."


Live guest dapat si Bianca King sa Startalk kahapon, pero naipit siya sa traffic nang tatlong oras kaya humingi siya ng paumanhin at nainterbyu na lamang via phone patch.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Joey de Leon. Tinanong niya si Bianca kung hanggang ngayon daw ba, meron pa rin siyang sama ng loob sa kampo ni Krista Ranillo?

"Hindi po naman siguro maiiwasan yun kasi wala pa namang one week, e. At saka, parang may mga pahabol pa ngang text sa handler ko at kung kani-kanino pa. Sana hindi na lang dinagdagan din para mas mabilis makalimutan.

"Pero yung ganun, siguro I need more time to get over especially now, ang daming nagtatanong sa akin, parang naging big deal na siya masyado. Mas lalong hindi ko rin naman siya maiiwasan, di ba?"

THE INCIDENT. Ayon sa balita, bigla raw nawalan ng lugar si Bianca sa tent na ginagamit nila ni Krista sa set ng pelikulang Wapakman. Ang nangyari'y habang saglit siyang lumabas ay walang pasintabing nilabas ang kanyang mga gamit para masolo na ng grupo ni Krista ang tent. At ang naglabas nga daw ng mga gamit niya ay ang tiya ni Krista na si Suzette Ranillo.

Ang tanong naman ni Lolit Solis ay kung nag-sorry na raw sa kanya si Suzette?

"Hindi pa po..."

Si Suzette nga daw ang naglabas ng gamit niya sa tent?

"Yun po ang sabi ng nakasaksi. Pero siyempre, we have to give them the benefit of the doubt also. Meron nga rin pong konting proof dun sa mga pahabol na text kung sino talaga yung may idea nun."

Marami raw ang naintriga sa isang Twitter post ni Bianca kung saan may tinawag siyang "gold digging home wrecker." Si Krista raw ba ang pinatatamaan niya roon?

"Alam niyo po... napaka-insignificant nga po ng post na yun. I deleted na po. Ni hindi nga po siya dapat pag-usapan. Walang kuwentang post nga po yun. Actually in a day, I tweet around less than 20 po. So, sorry kung merong mga nakapag-connect-connect ng mga bagay-bagay run, but that's beyond my control.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung mga post minsan, napaka-ambiguous na hindi mo malalaman kung ano talaga ang meaning. Sa sobrang walang kuwenta niya, it's not worth talking about."

UP CLOSE WITH KRISTA. Noong unang magkasama raw sila ni Krista, wala pang tsismis noon, ganun na rin daw ba ang ugali nito o nag-iba na?

"Hindi po kasi kami nagkaeksena sa movie. Hindi ko po siya nakita sa set, noong araw lang po na nangyari yun," sabi ni Bianca.

First time nilang magkasama, itinapon na agad ang gamit niya sa tent?

Natatawang sagot naman ni Bianca, "Basta yun lang po ang first time naming magkasama sa set, pero nagkasama na po kaming dalawa sa guesting. In fact, nag-share pa po kami ng kuwarto noong may raket kami out of town.

"So, parang nakakuha po ako ng impression na welcome po ako dun kasi nilagay po ako roon ni Sir Wilson [Tieng, Wapakman producer] at ni Arnold [Vegafria], yung manager ko [na manager din ni Krista]. So, akala ko, okey ako dun kahit na may rule na bawal magpapasok kahit na sinong tao. Kasi nga po, parang I think may friendship naman kami kahit paano ni Krista."

TEAM JINKEE. Tanong naman daw ng bayan, ano ang naging reaction ni Manny nang sabihin niyang "solid Team Jinkee" siya?

"Ano... parang ngumiti lang siya na tumatango. Parang nag-a-agree lang siya. Kasi po, na-mention ko sa kanya noong nanonood ako ng Startalk, I think mga two weeks ago po yata yun, tapos nagbigay kayo ng... opinion niyo sa full controversy. Parang nag-agree ako na wala kayong sinabi directly, wala kayong ina-attack, parang based lahat sa facts, at pumanig lang kayo sa mga comments na diplomatic ang salita. I really agree na parang ang ganda ng mga sinabi.

"Sinabi ko lang kay Manny na parang ang daming humahanga kay Jinkee by the way she's addressing the issue, the way she's handling herself in the press. Parang ang tibay naman niya. Parang nakikita mo ang breeding niya sa ganda ng pagka-handle niya ng situation. Natatawa siya [si Manny], wala naman siyang sinabi," saad ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman si Bianca sa tanong ni Lolit kung ayaw raw ba nito na maging Team Pacquiao.

"Team Pacquiao ako katulad ng taong bayan, kasi parang idol na natin si Manny. Nabigyan niya ng honor ang country natin. Pero ako, wala naman akong pinapanigan talaga. Nasabi ko lang na gusto ko yung kay Jinkee kung paano niya i-handle ang situation."

ONE MANAGER, TWO TALENTS IN CONFLICT. Iisa lang ang manager nila ni Krista. So, paano hina-handle ng manager nila ang sitwasyon?

"Siyempre nai-stress siya kasi alam din naman natin na grabe yung damage control na ginagawa niya about the situation. Bilang manager ni Krista, tinutulungan din niyang mabuhay nang tahimik si Krista. I understand that.

"Lalo namang nahirapan si Arnold nang magkaroon ng isyu. Parang ayaw na rin niyang pag-usapan. Pero dumating sa point na parang kumampi na rin siya sa akin. Parang naiintindihan na niya 'ko. Ini-encourage na niya 'ko na, 'You know what, wala kang fault. Mali yung ginawa. You should keep the truth.' Wala naman akong dapat ikatakot.

"In fairness to Arnold, unfair din to judge him because mahirap ang maipit sa ganung klaseng sitwasyon. Baligtad nga, ako pa ang nagde-defend sa manager ko. But let's give him some credit also."

Pina-spell naman ni Joey kay Bianca ang Pacman.

P-A-C-M-AN, spell ni Bianca. So bakit kaya "K" ang nasa title ng Wapakman?

"Sa tingin ko po kasi, sapak... yung ganun po," sagot ni Bianca.

Hirit naman ni Lolit, gusto raw ba niyang sapakin si Krista?

"'Nay Lolit naman!" natatawang sabi ni Bianca. "May respeto pa naman po ako sa kanila kahit hindi nila ako nirespetong masyado. Siyempre, ano naman, kahit respect begets respect. Kahit hindi nila naibigay sa akin, may respect pa rin ako sa kanila dahil alam ko, hirap na hirap din ang family nila sa pag-handle ng situation kaya siguro naging paranoid lang sila nang konti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN