John Lloyd Cruz on rumored affair with Ruffa Gutierrez: "Huwag na nating i-push ang isang bagay na wala naman talaga."

IMAGE 0


John Lloyd Cruz just signed a two-year contract with Star Cinema. He is currently doing a movie with Bea Alonzo. He is also set to do a movie with Sarah Geronimo. A TV show is also in the works, which will star him with Angel Locsin.


Isa sa mainit na isyu kay John Lloyd Cruz ngayong taong ito ay ang pagkakaugnay niya kay Ruffa Gutierrez. Sa kabila ng mga pagde-deny nina Ruffa at Lloydie, pinagpiyestahan pa rin ang pag-uugnay sa kanila ng ilang buwan.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd, sinabi niyang masaya siya dahil dahan-dahan nang humuhupa ang usap-usapan sa kanila ni Ruffa. Inaasahan na lang niyang tuluyan na ngang mamatay ang isyung ito sa kanila ng actress-TV host.

"Dapat naman talaga mamatay na, kasi iba na yung binibigay nilang kulay. Natutuwa ako na parang tapos na, kasi parang pinipilit namang masyado. So, tama na. Yun lang ang masasabi ko. Huwag na nating i-push ang isang bagay na wala naman talaga," pakiusap ng binata.

Bukod kina Aga Muhlach at Piolo Pascual, nabanggit din ni Ruffa sa isang interview sa kanya na gusto niya ring makapareha si John Lloyd sa isang proyekto. Ayon naman kay John Lloyd, bukas daw siya na makatrabahong muli ang aktres.

"Bakit naman hindi? Nagkaroon kami ng chance na magkatrabaho before sa [I Love] Betty La Fea, maganda ang pinagsamahan namin. Kung magkakaroon naman ng script o ng istorya na sinasabi ko nga na babagay naman sa kanya o sa amin, bakit naman hindi? I love to do another project with Ruffa, dahil masarap siyang katrabaho, masaya siyang katrabaho, napaka-professional niya. Lahat ng tao, nag-e-enjoy na katrabaho siya."

JOHN LLOYD'S LINEUP. Kamakailan din ay pumirma uli ng two-year contract si John Lloyd sa Star Cinema. Sa ngayon ay ginagawa na niya ang pelikulang pagtatambalan nilang muli ni Bea Alonzo. Kumpirmado na ring isang pelikula bago matapos ang 2010 ang gagawin nila ni Sarah Geronimo. Pero sa kabila nito ay bukas din naman ang Box-Office King sa mga pagbabago na puwede pang mangyari.

"For the next two years, you'll be seeing more of me sa mga projects ng Star Cinema because I just signed with them. It's a three-picture contract. Yung isa, nasimulan ko na. I'm doing this movie with Bea, the next two would be open. Sabi ni Roxy [Liquigan] of Star Cinema, gagawa kami ng movie ni Sarah. But, of course, hindi pa yun final. Puwede pang magkaroon ng pagbabago. But as of now, ang sabi sa amin, it will materialize last quarter of 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, in anything naman, in any project, buhay na buhay lagi yung uncertainty. Ano ba, hihintayin ko na lang mag-grind yung camera? Minsan nga kahit nag-grind na, hindi pa rin pala matutuloy. Ewan ko, ako bilang parte ng mga projects na sinasabing matutuloy sa ganitong buwan, sa ganitong petsa, umaasa tayo dahil siyempre may may mga umaasa sa atin and I would love na sana nga matuloy. Kaya lang, wala sa aming mga kamay ang desisyon kung itutuloy ba o hindi," paliwanag ni John Lloyd.

CLOSENESS LOST. Kinumusta rin ng PEP kay John Lloyd kung naibalik na ba ang closeness nila ni Sarah. Aminado naman silang pareho na nabawasan talaga ang pagiging close nila dahil na rin sa mga intrigang napagdaanan nila.

"Ang klase ng friendship na mayroon kami ni Sarah ay base dun sa pinagdaanan namin at kung paano kami nagkakilala sa paggawa ng pelikula. Medyo hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Sarah ay laging may trabaho at talagang naka-focus siya sa trabaho. Wala siyang time para makihalubilo sa mga kaibigan niya. Bilang kaibigan, hinahayaan ko muna yun. At least, alam niya ang mga priorities niya. Ako naman naghihintay lang, naghihintay lang tayo, alam naman niya, any time puwede niya akong tawagan. Puwede siyang mag-text."

Since abala ngayon si John Lloyd sa pelikulang muling pagtatambalan nila ni Bea, tinanong ng PEP ang aktor kung ano ba ang nakita niyang pagbabago ngayon sa kapareha at kumusta na ba ang shooting nila sa nasabing pelikula.

"Nakailang shooting days na kami and I can say na marami na kaming na-achieve sa loob ng ilang araw na yun. Just like any movie na nag-i-start, medyo malayu-layo pa kami sa gusto naming ma-achieve in terms of our characters, our scenes. And so far sa mga na-shoot na namin, medyo open sequences pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung dedication naman ni Bea, hindi nababawasan, hindi naman nawawala. But tingin ko, ngayon she's more driven. Alam mo na ang dami niyang gustong i-contribute. Ngayon, sobra siyang well-equipped to perform, to shine this time, to be able to portray her character. So ang ganda ng nakikita ko. Malaki ang pagbabago niya in terms opf maturity."

FALLING FOR AN ANGEL. Kumpirmado na rin ang teleseryeng pagtatambalan nila ni Angel Locsin next year. Sa ilang interviews ay natanong ang aktor na si Luis Manzano kung hindi ba siya mahe-hurt kung saka-sakaling mahulog ang loob nina John Lloyd at Angel sa isa't isa habang magkasama sa taping. Inamin naman ni Luis na masasaktan nga siya at mawi-weirduhan pag nangyari nga ito.

"Alam ninyo, mahirap kasi 'yan. Ano ang paraan ng isang tao na diktahan ang mangyayari sa hinaharap? Imposible yun, hindi ako magsasalita ng tapos. Napakapalad ko bilang isang lalake dahil sa dami ng mga nakatrabaho kong mga babae, lahat sila napakagaganda, matatalino, very talented. And si Angel, nasa kanya lahat yun. Lahat ng mga puwede kong gamiting salita para i-describe ang isang Angel Locsin and more, there's so much about Angel na mamahalin mo.

"Ako, bilang isang lalake, hindi sigurado na hindi ako magkakagusto sa kanya. Hindi ko hawak yun, especially pag kasama mo na. Pero kung paano ninyo ia-approach in the future, if ever na mangyari yun, yun ang kontrolado mo.

"Mayroon namang salita na tinatawag na respeto at pagpapahalaga at si Luis kaibigan ko 'yan, nirerespeto ko yung taong yun. Kung dumating man ang pagkakataon na yun [pagkakagusto kay Angel], hindi ko makakalimutan ang mga salitang yun," saad ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN