Cristalle Henares has forgiven Hayden Kho but still doesn't want him for mom Dra. Vicki Belo

IMAGE 0


"Hindi... Pagdating na lang siguro ng panahon," says Cristalle Henares when asked if she's okay with Hayden Kho and her mom Dra. Vicki Belo getting together again. However, the beauty surgeon's daughter says she's open to whatever will make her mom happy.


Masayang nakipag-bonding with her friends na entertainment writers ang magandang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Henares sa Music 21 kamakailan. Nakipagkuwentuhan si Cristalle at nabanggit niya kung bakit wala siyang boyfriend hanggang ngayon.

"Nag-umpisa yun nung nagpunta kami nina Willie [Revillame] sa Las Vegas nung 2007, September. 'Tapos, yung mga kabarkada niya, ni Kuya Willie, talagang inaano ako, sinasabi nila, 'Huwag ka nang mag-boyfriend.' Alam mo naman, mga B.I. [bad influence] 'yan, e. 'Ang bata-bata mo pa. Dapat hindi ka dikit sa isang lalaki. Kailangan mag-date ka pa ng ibang boys.'

"E, pagbalik ko, four years na rin kami nung guy, matagal na rin. So, pagbalik ko nag-break kami ng boyfriend ko. So, kanina nagpunta ako sa Wowowee. Tinanong ako ni Willie, 'O, sino'ng boyfriend mo?'

"Sabi ko sa kanya, 'Alam mo, Kuya Willie, wala pa akong boyfriend dahil sa inyo. Kasi nung 2007 sinabihan ninyo ako. Ako naman, nakipag-break ako. Kaya since 2007 wala pa akong boyfriend.'

"Last boyfriend ko matagal din kami. Pero hanggang ngayon close pa rin kamin ng ex-boyfriend ko. May communication pa rin kami. So, puwedeng magkabalikan. Nagtayo rin siya ng company. So, naging stress sa kanya yun. Sabi niya, 'Mas okey na rin na hindi tayo together. Kasi hindi ko mabibigay sa 'yo yung full attention.' Nagwe-website siya, gumagawa siya."

IN PAPI SHE TRUSTS. Impluwensya rin ba ni Willie na makipag-break ang kanyang ina na si Dra. Vicki sa dati nitong boyfriend na si Hayden Kho?

"Oo, kilala mo naman si Papi, lahat ng mga babae, gusto niya walang boyfriend, ganyan-ganyan. Kapag may dinadala kang boyfriend, kunyari, bibisita ka sa Wowowee, nagseselos yun."

Nadala rin ba noon ni Dra. Vicki si Hayden kay Willie?

"Hindi, never. Kaya hindi siya dinadala doon ni Mommy," sagot ng dalaga.

Sa takbo ng pananalita niya tungkol kay Willie, mukhang naniniwala talaga siya sa Wowowee host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, nakikinig ako. Good girl ako. Ang tagal ko nang walang boyfriend, 'no? Okey lang yun. In God's time dadalhin Niya yun sa akin."

THE YOUNG ONE WITH MOM. Hindi ba sila nung escort ni Dra. Vicki sa Star Awards for TV?

"Hindi. Friends talaga kami ni John David Young," mabilis na sagot ni Cristalle at pagpapakilala na rin sa lalaking kasama nga ng mommy niyang beauty surgeon. "Kasi yung mommy niya, 'Young', yung daddy niya 'Cruz'. Ginagamit nya yung 'Young' para may American citizenship. Model siya, 'no, kapatid siya ni Ira Cruz [gitarista ng bandang Bamboo]. Friends lang kami at meron siyang girlfriend. Ano lang talaga, nasa Bukidnon ako nung Star Awards. Hindi ko kasama si Mommy.

"Kumakain kasi kami nung time na yun. Sabi ko kay Mommy, hindi ako makakapunta sa Star Awards. Nagpaalam ako na pupunta ako sa Bukidnon. 'Tapos, ayun, 'andiyan si John, 'Samahan mo naman si Mommy, o.' Para walang malisya."

Hindi sila mag-boyfriend?

"Hindi. Ano lang...at hindi rin kami."

Anong naging reaksyon niya noong lumabas ang balita na si John ang ipinalit ni Dra. Vicki kay Hayden?

"Tumatawa lang kami at pinapanood namin yung mga SNN [Showbiz News Ngayon], ganun," ngiti ni Cristalle.

What if magkatuluyan din sina Dra. Vicki at John? Hindi nga ba't sa kanya unang nanligaw si Hayden bago kay Dra. Vicki?

"Hindi naman nanligaw sa akin si Hayden. Nireto lang," natatawang pagtutuwid ni Cristalle.

So, paano nga kung magbiro ang tadhana at biglang ang mommy niya at si John na pala?

"Nakakalokah 'to. May girlfriend yung tao," sabay tawa ni Cristalle.

Kumusta na ba si Dra. Vicki?

"Okey naman. Nagpagupit siya ng maigsi."

Sa nalalapit na Pasko, ano naman ang balak nila? Paano ba nila ise-celebrate ang Pasko nila?

"Masaya, kasi magkakasama kami ng daddy ko, kuya ko." Her dad is Atom Henares, NU 107 owner and her elder brother is indie and TV ads director Quark Henares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HATE NO MORE FOR HAYDEN. "Yung lolo ko kasi, pinasabi ko kanina na naniniwala ako na puwedeng ulcer yung nangyari kay Hayden. Kasi yung time na nangyari kay Hayden yung ulcer, nangyari rin yun sa lolo ko. Na-ospital siya. Yung buong dugo, sa buong katawan niya. May butas siya sa stomach dahil sa stress. 'Tapos nandun siya sa ospital the whole week. Parang naiintindihan ko yung naging stress-related yung nangyari kay Hayden. Mukhang hindi talaga suicide yun.

"Kasi papunta siya ng Tagaytay to be with his friends. 'Tapos ano, sumakit ang tiyan mo, wala ka nang magagawa noon. Ang sakit noon. Siya rin [lolo niya], yung nagda-drive... So, nag-U-turn talaga siya. Kaya naniniwala ako na talagang hindi siya [Hayden] nag-suicide.

"Hindi ako naniniwala na for the second time, nag-suicide siya. Alam ko kasi medyo happy na siya ngayon, e. The last time na narinig ko sa kanya is nag-e-MBA [Master in Business Administration] siya. 'Tapos meron siyang bagong lounge. 'Tapos meron siyang bagong project na cologne.

"So, parang sobra niyang...okey na yung sitwasyon niya ngayon. So, feeling ko bakit pa siya magsu-suicide? Dapat maging thankful siya sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya. Okey na okey na siya ngayon," sabi pa ni Cristalle.

Ano naman ang masasabi niya sa pagkaka-revoke ng lisensya sa pagiging doktor ni Hayden?

"Ah, feeling ko, sobra-sobra naman yung ano, yung parusang 'yan. Kasi puwede naman, nakita ninyo naman in one year na nangyari, nakabangon naman siya. Talagang nag-effort siya na magbagong-buhay," opinyon ng anak ni Dra. Belo.

Pero para kay Katrina Halili hindi pa raw sapat yun at gusto niyang makulong talaga si Hayden.

"Wow...okey," nasabi na lang ni Cristalle.

Tototo ba ang balitang tinatakasan siya ni Dra. Vicki para lang makipagkita kay Hayden?

"Meron ba? Saan nanggaling yun?" pagtataka ni Cristalle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mismong ang malapit sa kanyang ina na si Manay Lolit Solis ang source diumano ng tsika.

"Alam mo naman si Manay Lolit. Si Manay, minsan may napapakawalan siyang salita na joke lang yun, na ginagawang totoo ng ibang tao."

Pero tinatakasan nga ba siya ni Dra. Vicki para makipagkita kay Hayden?

"Never, never," sagot agad ng dalaga.

Nagpapaalam ba sa kanya ang mommy niya?

"Oo, close kami ni Mommy. Nagsasabi siya sa akin."

Noong una, alam sa showbiz na hindi niya gusto si Hayden para sa kanyang ina. Bakit ngayon ay tila naaawa na siya kay Hayden?

"Wala... Ano naman kasi, e, kapag nakikita mo naman na may effort yung tao... So, ayun. It's not naman for us to judge a person and as long as, parang remorseful siya sa nangyayari. At soring-sorry siya sa nangyari."

Pero bakit kaya tila hindi nakikita ni Katrina na nagsisisi si Hayden sa mga ginawa nito?

"Mukha naman," kontra ni Cristalle. "Mukha naman na gusto niya talagang magbagong-buhay. So, bigyan mo naman ng chance yung tao.

"Hindi ko alam kung bakit hindi niya nakikita na nagsisisi yung tao," tukoy ni Cristalle sa pagdududa ni Katrina kay Hayden. " Baka naman hindi lang bukas ang mata niya sa ano...hindi siya open-minded. Hindi siya open to hear and see. Kasi kung hindi ka naman ready to listen sa ibang tao or ayaw mong mag-observe sa iba, parang nandun ka lang sa mundo mo. Close talaga 'yun. Kaya hindi makikita ng mata mo."

Paano kung ipilit pa rin ni Hayden ang love nito for her mom, okey ba sila doon ng kuya niyang si Quark?

"Hindi... Pagdating na lang siguro ng panahon. Ha-ha-ha!" tawang sagot ni Cristalle. "I want kasi ano...as long as happy ang mom ko, irerespeto ko."

Paano niya napatawad si Hayden?

"Kinausap niya kami. Nag-usap-usap kaming lahat. Harap-harapan. Kasama rin si Kuya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaiyakan ba?

"Oo, umiyak ako. E, kasi siyempre ang hirap din na, parang na-guilty rin ako na naging masama rin ako sa kanya," pagtatapat niya.

SCHOLARS AS GIFTS. Ano ang regalo niya sa mommy niya ngayong Pasko?

"Binigyan ko siya ng isang scholar. Yung World Vision na scholar? Yung kay Sam [Milby]? Hinanapan ko siya ng scholar na ka-birthday niya. Mura lang, P7, 200 for one year. Ka-birthday niya. Babae rin."

How about her Christmas gift sa daddy naman niya?

"Same, mommy, daddy. Kasi ang hirap nilang bilhan ng regalo. Para pare-pareho. Yung kay daddy, ka-birthday rin niya [yung World Vision scholar].

"Meron din ako, ka-birthday ko. Kumuha rin ako ng scholar for myself," sabi pa ni Cristalle.

Ano naman ang regalo sa kanya ng mommy niya?

"Ano, bracelet. Binili niya ako ng Pepito Albert, yung malaking bracelet. Hindi ko alam kung bakit yun ang binili niya sa akin. Binigay niya sa akin last week. Natuwa ako. Siyempe, isang Pepito Albert yun, Mahirap kumuha noon. Di ba, siya rin ang nag-design ng gown ni Korina [Sanchez]?"

Bukod sa bracelet, binilhan na rin daw noon si Cristalle ni Dra. Vicki ng bahay sa Gawad Kalinga. Pero kung reregaluhan ni Cristalle si Hayden ano ang ibibigay niya?

"Hindi ko alam... scholar din?" natatawang pagtatapos ni Cristalle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN