Daiana Menezes prefers to be known as a sexy comedienne rather than sexy star

IMAGE 0


"Kung puwede, gusto ko na maging katulad din sa kanya ang career ko. Actually, gusto kong gawin yung anything talaga, yung kahit ano na ibibigay sa aking role. Pero I think I'm more suited for comedy talaga," says Daiana Menezes.


Bilang pagpapakita ng loyalty at pagtanaw ng utang na loob, nasabi ng sexy Brazilian TV personality na si Daiana Menezes na hindi niya kayang iwan ang Eat Bulaga!, kahit doblehin pa raw ang kanyang suweldo.

"Sobrang thankful ako sa Eat Bulaga!, lagi kong priority ang Eat Bulaga! at hindi ko ma-imagine na iiwan ko ang show na ito. Kahit po doblehin pa suweldo, hindi ko ipagpapalit ang Eat Bulaga! sa iba. Pero kung sa ibang projects, open din ako basta huwag lang 'yong kasabay ng Eat Bulaga!.

"Sobrang happy ako sa Eat Bulaga!, it's my family. Alam mo, I'm not even going back to Brazil this year. Dapat ay magbabakasyon ako, pero hindi natuloy dahil gusto ko mag-focus sa trabaho, e. So, para sa akin, sila talaga ang family ko. Imagine, kasama mo araw-araw. So ako na magsasabi ito, I just wanna stay here, ito talaga ang gusto ko, sa showbiz, sure na ako talaga ngayon," saad ni Daiana sa kanyang pabaluktot na pagta-Tagalog.

BRAZILIAN COMEDIENNE. Sa taglay na kaseksihan ni Daiana, aminado rin siyang may tendency na malinya siya sa pagpapa-sexy, subalit mas gusto raw niya ang maging komedyana.

"Mas gusto ko ang comedy, kasi parang that fits my personality, e. Puwede rin siguro sa drama, kaya lang kailangan talaga ako ng mag-workshop, e.

"Unfortunately, I have a tendency to go to the sexy side, maybe because they appreciate how I look. But I would like to consider myself as a sexy comedienne, that's my goal, e. Because I really want to act and I really want to learn how to speak Tagalog.

Pahabol pa niya, "Kung malinya ako sa sexy comedienne, okay sa akin yun. That's really fine for me."

Ayon kay Daiana, isa si Rufa Mae Quinto sa hinahangaan niya at kung bibigyan ng chance ay gusto sana niyang sundan ang mga yapak ng kuwelang aktres na napapanood sa Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad ni Rufa Mae, yes, idol ko rin 'yan. Kung puwede, gusto ko na maging katulad din sa kanya ang career ko. Actually, gusto kong gawin yung anything talaga, yung kahit ano na ibibigay sa aking role. Pero I think I'm more suited for comedy talaga."

DREAM LEADING MAN. Sakaling bigyan din ng break sa movie, sino ang gusto niyang maging leading man?

"That's a hard question, sino nga ba?" nag-pause muna siya habang nag-iisip. "Si Bossing [Vic Sotto]! Puwede, hindi ba?" nakatawang saad ni Daiana.

Hindi kaya magalit si Pia Guanio, ang girlfriend ni Vic?

"Hindi naman, best friend ko si Pia, e, at iyon naman ay trabaho lang talaga."

Kung may love scene ba sila ni Bossing Vic, hindi siya maiilang?

"Naku, ha, ano ba? Si Pia is a friend of mine nga, e, pero kahit sino naman... how can I choose, di ba? E, nag-i-start pa lang ako, e.

"Pero okay din na maging kapareha ko si Aljur [Abrenica], gusto ko rin siyang makapareha. At hindi naman ako natatakot sa fans nila ni Kris [Bernal], okay lang naman 'yon. Pero hindi ako mang-aaway sa kanila, kasi I'm just waiting for whatever opportunity that will come my way."

BOYS, BOYS, BOYS... Aware ba siya na matitink ang mga boys sa Eat Bulaga! at may napansin ba siyang gustong magpalipad-hangin sa kanya?

"Ay, hindi naman po, wala talaga. Actually, in fairness... wala talaga," maagap na sagot pa niya habang ngingiti-ngiti.

Pero okay lang ba sa kanya na kay Wally Bayola siya nali-link?

"Ay, naku, hindi po!" nakatawang protesta agad ni Daiana. "That's a joke lang from Tito Joey [de Leon]. Pero wala po 'yon talaga, wala po 'yon!'

Itinanggi rin ni Daiana na siya ang nagkumbinse sa model turned actor na si Carlo Guevara na iwan ang ABS CBN at lumipat sa GMA-7. Rumored boyfriend ni Daiana ang Be Bench winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I never convinced him, I'm just always advising him to do his best. Kasi, what he has to do with his life, it's really up to him, e. So, I cannot tell you that I'm the reason why he came to GMA, or I'm the reason why he is under PPL [Entertainment, Inc.] right now," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN