Krista Ranillo says intrigues about her are just part of being an artista

IMAGE 0


Controversial sexy star Krista Ranillo faced the media for the first time when she signed a contract for a beauty clinic she endorses. But Krista's camp asked the media not to ask questions about her alleged involvement with Manny Pacquiao.


Sa unang pagkakataon ay humarap sa media ang controversial actress na si Krista Ranillo nang pumirma siya ng panibagong kontrata para sa beauty clinic na ini-endorse niya.

Ayon sa report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, pumayag ang kampo ni Krista na ma-interview siya ng media sa kundisyong hindi siya tatanungin tungkol sa pagkaka-link niya sa Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao.

Sa kabila raw ng mga intrigang kinakaharap niya ay wala raw pagsisisi si Krista.

"I'm happy, I'm busy... No regrets in life," nakangiti niyang sabi.

Naniniwala rin si Krista na bahagi lamang ng pagiging artista niya ang mga pinagdadaanan niyang intriga.

"I guess I just have to accept na yung mga issues, parte 'yan ng buhay-artista talaga. Kahit sino naman dumadaan diyan. I guess it's just how you handle it," saad niya.

Pero aminado naman ang sexy star na naapektuhan din siya sa mga lumabas na balita tungkol sa kanya.

"Siyempre, natural lang na iiyak ka pag may pinagdadaanan ka. But you know, every day, you have to tell yourself, it's a new day and you pray."

Ngayong Kapaskuhan ay babalik daw si Krista at ang kanyang pamilya sa U.S. para doon mag-celebrate.

"I'm going back to the States to spend Christmas with my family as I always do every year. So I'm very excited for that kasi we're all gonna be together," aniya.

Sa palagay ba ni Krista ay natapos na ang mga intriga sa kanya?

"Sana. Magdadasal lang tayo na sana," maikli niyang tugon.

Nang tanungin naman kung ano ang isasagot niya kung saka-sakaling may magtanong sa kanyang lovelife, ito ang natatawa niyang sagot: "Meron ba? Sabihin ko, 'Merry Christmas.' Puwede yun?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN