Jean Garcia approves decision of daughter Jennica not to reconcile with ex-boyfriend Mart Escudero

IMAGE 0


"Proud ako sa desisyon ng anak ko and I pray na parati siyang firm sa decisions niya sa buhay. Pero siyempre, nandito pa rin ang mama niya para tulungan siya kapag kailangan niya," says Jean Garcia (in photo) about the decision of her daughter Jennica not to reconcile with ex-boyfriend Mart Escudero.


Labis ang pasasalamat ng aktres na si Jean Garcia dahil nakalipat na sila ng kanyang pamilya sa bago nilang bahay. Araw-araw raw nagdarasal si Jean na sana bago mag-Christmas at mag-Bagong Taon ay makalipat na sila sa bagong tahanan at hindi sila nagsisiksikan sa isang condo unit.

Natupad ang dasal ni Jean at may lugar na raw sila kung saan nila ise-celebrate ang 20th birthday ng anak niyang si Jennica Garcia sa December 26.

"Ang bait talaga ni Lord, di ba? Lahat ng idinasal ko sa Kanya ay natupad. Ang dasal ko talaga na before Christmas ay nakalipat na kami sa new house. Pagkatapos kasi ng nangyari sa amin noong bagyong Ondoy, sobrang na-trauma kaming lahat kaya ayaw na naming balikan ang dating bahay.

"Kahit na ilang taon kong pinagdusahang bayaran ang bahay na 'yon, huwag lang maulit ang nangyari sa amin doon. It's better na maging safe kaming lahat. Sa kakadasal naming lahat, heto at nakalipat na rin kami. Thank you, Lord, kasi bago ang lahat para sa amin," masayang kuwento ni Jean sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nataon pang parehong may pelikula sina Jean at Jennica sa Metro Manila Film Festival this year. Si Jean ay kasama sa cast ng Ang Darling Kong Aswang samantalang si Jennica ay nasa Shake, Rattle & Roll XI.

"Mabait talaga si Lord kasi pareho pa kaming may trabaho ngayong Pasko," sabi ni Jean. "Pareho kaming may movie at pareho pang katatakutan ang mga pelikula namin. Kaso sa akin, comedy with Vic Sotto. Kay Jen naman, medyo seryosong horror movie.

"Sana nga next year magkaroon kami ng movie ni Jen na magkasama. Maganda kung pang-Metro Manila Film Festival din, di ba? Who knows, baka may producer na magkainteres!" tawa pa niya.

JENNICA & MART. Samantala, aware daw si Jean na hindi pinagbigyan ni Jennica ang muling panliligaw ng ex-boyfriend nitong si Mart Escudero. Hindi binigyan ng second chance ni Jennica si Mart na maging sila ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Honestly, natuwa ako sa desisyon ni Jen," sabi ni Jean. "Hindi kasi ako nakialam diyan, e. I let Jen decide. I have nothing against Mart, okey sa akin si Mart. Yun nga lang, gusto kong mag-concentrate sila sa careers nila.

"Sayang kung puro puso ang paiiralin nila. Sayang ang opportunities na dumarating. I should know kasi bata rin ako noong umibig. I had Jen noong mag-19 years old. Mahirap kasi marami kang pagsisisihan na mga pagkakataon. Ayokong maransan 'yon ng anak ko. She has a promising career kaya doon muna siya, di ba?

"Proud ako sa desisyon ng anak ko and I pray na parati siyang firm sa decisions niya sa buhay. Pero siyempre, nandito pa rin ang mama niya para tulungan siya kapag kailangan niya."

Sa 2010 ay magsasama sina Jean at Jennica sa afternoon soap ng GMA-7 na Ina... Kasusuklaman Ba Kita?.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN