Claudine Barretto let husband Raymart Santiago take over the kitchen last Christmas

IMAGE 0


"This year, nagluto naman siya ng callos. Ako, nagpahinga ako. Siya naman ang pinagluto ko. Nakikain na lang ako. Itong year na 'to, sabi ko, siya na lang muna," says Claudine Barretto about letting husband Raymart Santiago take over their kitchen last Christmas.


Ikinuwento ng bagong Kapuso star na si Claudine Barretto sa phone interview sa kanya ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central last Sunday, Dec. 27, ang naging celebration nilang mag-anak ng Pasko at kung ano ang plano nila sa Bagong Taon.

"Noong noche buena," simula niya, "usually talaga, dito sa bahay namin ni Raymart [Santiago, Claudine's husband] and usually Barrettos yun. Kasi, sina Mama at Kuya Rowell, kila kuya Randy sila nagno-noche buena. Pero on the 25th, usually talaga dito ang Santiago ng 25, lahat-lahat na.

"At saka, siyempre, yung mga kaibigan din namin na adopted na ng Santiago and Barretto, parang pamilya na rin namin, dito rin talaga nagno-noche buena at 25, talagang open din."

Totoo bang si Raymart ang nagluto ng noche buena nila?

"Mahilig talagang magluto yun!" natatawang sabi ni Claudine. "This year, nagluto naman siya ng callos. Ako, nagpahinga ako. Siya naman ang pinagluto ko. Nakikain na lang ako. Itong year na 'to, sabi ko, siya na lang muna."

Ano naman ang naging Christmas gifts nila sa isa't isa?

"Itong Pasko na ito, wala talaga akong hiningi talaga sa asawa ko," sabi ni Claudine. "At siya rin, medyo nahihirapan kami na kumbaga, medyo maliliit na bagay lang, pero napaka-generous talaga ng asawa ko. Talagang niregaluhan pa rin ako nang bonggang-bongga."

Ano naman ang "bonggang-bonggang" regalo na yun?

"Relo," sagot ng aktres.

Noong birthday naman daw ni Raymart ay relo rin ang naging regalo niya rito.

"Yun... huwag na muna. Kasi aalis din kami sa New Year," aniya.

Naka-attend ba ng reunion ang kapatid ni Claudine na sina Gretchen at Marjorie Barretto?

"Si Gretch, hindi kami nagkasama. Usually, hindi kami nagkakasama kapag Christmas. Kasi palaging nasa States si Gretchen, si Tony, at Dominique [Cojuangco, Gretchen's partner and daughter, respectively]. Pero last month, magkasama kami. Before she left, magkasama kami. Early December pa lang umalis na siya. Pagbalik na lang siguro after New Year, magkikita kami," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan naman nila planong salabungin ni Raymart ang Bagong Taon?

"Last year, nag-Eskaya kami sa Bohol. This year, kami, kasama ang family niya, we'll gonna be spending New Year sa El Nido, Palawan. Yun ang gusto ni Sabina [their adopted daughter]. Kaming dalawa ni Sabina, mahilig sa beach. Si Raymart, gusto niya malamig."

Ano naman ang aabangan na una niyang programa sa GMA-7 sa 2010?

"Alam mo, sobra-sobrang excited na 'ko," sambit ng bagong Kapuso star. "Although up to this day, hindi pa namin alam kung ano ang unang project. Kasi, marami na ang nagsasabi na itong Jewel in the Palace, may mga nagsasabi na ito ang makakasama ako.

"Pero up to now, wala pa talagang masasabing magiging ka-partner or show na gagawin for 2010. Pero maraming plano, hindi lang teleserye. So, nakakatuwa. Ang hindi ko lang masasagot ngayon, dapat yata... Hindi ko lang alam kung mauuna ang pelikula ng GMA at Viva Films or mauuna yung teleserye."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN