Jake Cuenca on Melissa Ricks being linked to other guys: "May kurot, pero wala naman talaga akong karapatan na magselos."

IMAGE 0


"Iyong sa amin ni Melissa, aaminin ko na she's very special to me. You know, I tried to support her in every way that I can... But for now, hanggang doon pa lang," says birthday boy Jake Cuenca about Melissa Ricks.


Aminado si Jake Cuenca na nakakaramdam siya ng selos kina Jolo Revilla at Melissa Ricks. Pero pinangatawan din niya na wala siyang karapatan para magselos talaga.

"Yeah, may kurot sa puso, may konting kurot siyempre. Pero hindi naman ako vocal, siguro makikita naman niya 'yon. Ang sa akin naman kasi, wala nga akong karapatan, di ba? May kurot, pero wala naman talaga akong karapatan na magselos kasi magkaibigan lang kami," sabi ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa birthday presscon niya kahapon, December 29, sa Baliwag Grill and Restaurant, E. Rodriguez Ave., Quezon City.

Ngayong araw, Dec. 30, ang birthday ni Jake, now 22 years old.

Anong happiness ba ang naibibigay sa kanya ni Melissa?

"Iba kasi talaga si Melissa," sabi ni Jake. "Kumbaga, siya yung tipo ng kaibigan na talagang laging nandiyan, yung hindi siya nang-iiwan sa ere. Pagdating kay Mel, isang bagay na magaling siya, magaling siyang magpangiti ng isang tao. Ang dami niyang bagay na nagagawa na talaga namang kusang lumalabas ang ngiti."

Nagseselos ba si Melissa kapag nali-link siya sa ibang girls?

"Magkaibigan lang naman kami, e. Siya rin naman ay nali-link din sa ibang boys. Like, nali-link din naman siya kay Jolo [Revilla]. Ang sa akin, she's very special friend to me."

May karapatan ba si Melissa na magselos?

"Magselos? Kasi, sa akin naman, basta magkaibigan kami, e. Kapag nali-link ako with Cristine [Reyes], pag nali-link ako kay Roxanne [Guinoo], for me, that's work. Sa akin, naa-appreciate ko rin naman ang company nina Cristine at Roxanne. At saka ano naman, e, wala naman akong ginagawang masama," paliwanag ng young actor.

Ano kaya ang reaction ni Jake sa balitang sinabi raw ni Melissa kay Jolo na taken na siya?

"Ay, hindi naman ako aware of anything regarding that, hindi naman ako aware," umiiling na saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"SHE'S VERY SPECIAL TO ME." Bakit may balita na kaya hindi nila maamin ni Melissa na may relasyon na sila ay dahil kailangan nila itong itago sa mommy ng young actress?

"Iyong sa amin ni Melissa, aaminin ko na she's very special to me," sabi ni Jake. "You know, I tried to support her in every way that I can. Kung kaya ko siyang suportahan sa mga bagay na ginagawa niya, like sa projects, like kung meron man siyang nagiging problema, kung mayroon man siyang mga nagagawang maganda, I try to supoort her in every way. But for now, hanggang doon pa lang, e, wala pa namang ano...."

Dagdag niya, "Okay naman kami ng mommy Melissa, okay naman. Nakikita ko naman siya tuwing Sundays, minsan sumasama siya kay Melissa. So, I make it a point naman to say 'hi' to her."

Okay lang ba sa Mommy ni Melissa kung manliligaw siya?

"Siyempre, wala pa naman doon," ani Jake. "Pero kung manliligaw man ako talaga, yung talagang manliligaw na ako kay Melissa, magpapaalam muna ako sa nanay niya."

Pero bakit magkaibigan lang sila ni Melissa hanggang ngayon? Baka naman mag-MU na sila?

"Katulad nga ng sinabi ko, noong 2009, I was very focused with work. Ang daming blessings na pumasok. So, nandoon yung attention ko talaga. And that's what I tell her as well."

Nang usisain si Jake na may nakakita sa kanila ni Melissa na nagde-date sa Rockwell, ito naman ang tugon niya: "Oo, inaamin naman namin na we go out, kasi nga we have the same group of friends. Kumbaga, sina Kim [Chiu], sina Gerald [Anderson]. Pero we haven't gone out na kaming dalawa pa lang, we've gone out na barkada."

Sinabi ni Jake na busy siya ngayong 2009, kaya wala siyang time sa love life. Pero ngayong 2010 kaya ay magkaroon na siya ng sapat na time para kay Melissa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang naman para kay Melissa. Siyempre, ang sa akin lang, mas inuna ko lang talaga ng mga responsibilidad ko ngayong 2009."

Ayon pa kay Jake, sa pagpasok ng taong 2010 ay posibleng magkakaroon din siya ng panahon para naman sa kanyang lovelife.

"Tingnan natin," sabi niya. "Ang sa akin naman, kapag dumating 'yan, kapag nag-fall into place ang ganyang bagay ay hindi ko naman pinipigilan ang sarili ko. Ang last New Year's resolution ko last year, sabi ko, I want to be more mature, gusto ko ay panindigan ang pagiging 21 years old ko. And feeling ko nagawa ko naman itong 2009. Pero kung dumating ang pag-ibig, kapag nandiyan na talaga, siyempre, hindi ko naman pipigilan ang sarili ko."

JAKE IN 2010. Sinabi rin ni Jake na malaki ang pasasalamat niya sa TV series na Tayong Dalawa. Umaasa ba siyang sa pagpasok ng 2010 ay magkaroon ulit siya ng TV series na kasing laki at kasing tindi ng Tayong Dalawa?

"Oo naman, I love to have something like Tayong Dalawa," nakangiting saad niya. "Pero siyempre, ang mga shows na ganoon, hindi naman kada season ay may dumarating na ganyan. Pero kahit naman hindi ganoong katinding proyekto, bawat project naman ay ibinibigay ko talaga ang sarili ko sa proyekto. Ibinibigay ko ng buong puso ang sarili ko sa trabaho."

Ngayong 2010 ay mapapanood si Jake sa mga programang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Elias Paniki at Rubi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN