Erich Gonzales recalls past issue with leading man Ejay Falcon

IMAGE 0


"Na-hurt po talaga ako dahil sinabi niya na parang, 'Kailangan mo ako para sumikat ka dito sa Katorse.' For him to say that, napakaano naman... hindi ko ine-expect na manggagaling sa isang lalake na ganun. Wala akong mini-mean na masama sa kanya. Kung mali yung dating sa kanya, kung anuman yung feelings niya, hayaan natin siya sa feelings niya. Basta ako wala akong mini-mean na masama," says Erich Gonzales (in photo) about Ejay Falcon.


Napaluha at naging emosyonal ang Katorse star na si Erich Gonzales nang muling maungkat ng entertainment press ang tungkol sa naging tampuhan nila noon ng co-star niyang si Ejay Falcon, sa solo presscon na ibinigay ng ABS-CBN kay Erich kahapon, December 30, sa Taste of L.A. restaurant. Ang presscon ay para sa bago niyang pagbibidahang teleserye na Tanging Yaman, na mapapanood na simula sa Enero 11 sa Primetime Bida.

Isang kasamahang press kasi ang nagtanong kay Erich kung totoo bang sinabi ni Ejay na hindi raw sisikat ang aktres kung hindi dahil sa aktor? Nauna kasi rito ay nasabihan daw ni Erich si Ejay na dapat ay lagi itong handa at maging professional kapag nagte-taping sila.

"Na-hurt po talaga ako kasi hindi ko ine-expect na ganun dahil una naman po, okay naman talaga kami ni Ejay, e. Sa four years ko sa showbiz, never akong nanggamit o nangailangan ng ibang tao para sumikat. So, yun, nakaka-hurt talaga," bulalas ni Erich habang lumuluha.

EJAY FALCON. After the presscon ay na-interview si Erich ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press para hingan ng dagdag na paliwanag tungkol sa isyu sa kanila ni Ejay. Ayon kay Erich, totoo raw na pinagsabihan niya si Ejay tungkol sa pagiging umano'y unprofessional nito.

"Kasi bilang katrabaho niya, concerned din naman ako sa kanya," sabi ng young actress. "It's for him naman, di ba? I told him na, 'It's not forever na may aalalay sa iyo, may magpi-feed ng lines mo, na itututro sa iyo ang bawat gagawin mo.' Trabaho mo yun bilang artista at hindi na trabaho ng ibang tao yun. Meron din po siyang problem sa time talaga."

Yung masakit na pananalitang binitiwan ni Ejay, narinig niya lang ba ito sa iba o sinabi mismo sa harapan niya ni Ejay ito?

"Sinabi niya po talaga sa akin... After ko po siyang makausap, yun po ang sagot niya sa akin. Na-hurt po talaga ako dahil sinabi niya na parang, 'Kailangan mo ako para sumikat ka dito sa Katorse.' For him to say that, napakaano naman... hindi ko ine-expect na manggagaling sa isang lalake na ganun. Wala akong mini-mean na masama sa kanya. Kung mali yung dating sa kanya, kung anuman yung feelings niya, hayaan natin siya sa feelings niya. Basta ako wala akong mini-mean na masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ba dinadamdam niya ang pangyayaring ito?

"Matagal ko na pong kinalimutan yun," sagot ni Erich. "Wala, let's all move forward. Kung anuman po yung nasabi niya sa akin before, okay lang po yun. Basta ako, pagdating sa trabaho, ang gusto ko yung katrabaho ko yung professional din para walang problema sa set, mabilis, ganyan. Ayoko naman na nahihirapan yung buong cast at direktor. So, kung anuman po yung nangyari in the past, I just want to leave it sa 2009. Magbabagong taon na naman po, so bagong buhay na."

At dahil muli ngang makakatambal ni Erich si Ejay sa Tanging Yaman, hindi raw hinahayaan ni Erich na maapektuhan ang kanilang trabaho.

"Basta sa akin kapag trabaho, trabaho, walang personalan. Alam naman ng direktor namin 'yan, pati ng buong cast."

Nag-uusap ba sila ni Ejay sa set?

"Since katrabaho ko naman siya, wala po, civil lang," sabi ni Erich. "Kapag nasa trabaho kami, hindi kami nag-uusap. Kasi wala rin naman kaming pag-uusapan, e. Basta po pagdating sa trabaho, kung ano po ang hinihingi ng direktor namin, ginagawa ko po yun nang buong puso. Pagdating sa trabaho, kinakalimutan ko kung ano ang meron [sa amin ni Ejay]."

Naayos na ba nila ang gusot na ito?

"He never said sorry, so wala," sagot ng Star Circle Quest Season 2 winner tungkol sa Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2 winner.

Kahit ba noong Pasko ay hindi siya binati ni Ejay ng Merry Christmas?

"Wala, hindi naman niya ako binabati, e."

Pero napatawad na ba niya si Ejay?

"Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Kahit nga ang Diyos pinapatawad tayo sa mga kasalanan natin. So, kung nakikita ko naman pong sincere, bakit naman hindi? Masama pong magtanim ng galit," sagot ni Erich.

TANGING YAMAN. Hindi naman maikakailang marami ang tumatangkilik sa Katorse na pinagbibidahan nga ni Erich bilang si Nene. Patunay na lang nito ang magandang ratings na nakukuha ng show sa National at Mega Manila. At ngayon nga, sasabak na naman si Erich sa panibagong project na muling hahamon sa kanyang galing sa pag-arte, ang Tanging Yaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako po dito si Fina, isang simpleng tao lang. Yun nga po, wala sa kanya yung mga yaman-yaman. Basta magkasama yung buong pamilya. Tapos, siga na medyo palaban na medyo kikay," paglalarawan ni Erich sa kanyang role.

Ano ang kaibahan ng roles niya sa Katorse na si Nene at si Fina sa Tanging Yaman?

"Very different, kasi si Fina dito parang brusko at palaban siya, parang one of the boys. And si Nene naman, napaka-naive niya in the sense talaga. So, yun po. Pero si Nene po at si Fina, pareho pong nakaka-relate ako."

Ano ang pakiramdam na muli siyang pinagkatiwalaan na magbida sa isang teleserye at magkasunod pa?

"Siyempre po, happy dahil ito pong Tanging Yaman, talaga pong pinaghirapan namin. Talaga pong pinag-isipan po para makapagbigay po ng bago sa mga manonood. Yung Tanging Yaman po, kakaiba talaga yung story niya, very interesting po. So, sana talaga panoorin ng mga manonood.

"Lahat po ng nangyayari sa akin, sobrang nagpapasalamat ako kay God. If not for Him naman, wala ang lahat ng ito. In His time talaga nangyari lahat ng ito kung kailan ready na rin ako. Yun po, yung Katorse, yung Tanging Yaman, lahat nangyayari sa buhay ko ngayon. Sobrang blessed lang talaga ako. And very thankful ako sa lahat ng taong tumulong sa akin para maabot ko kung nasaan man ako ngayon," pahayag ng young actress.

Nag-workshop ba ulit siya in preparation sa Tanging Yaman?

"Wala na po kasi akong time mag-workshop kasi po nagte-taping pa rin po ako ng Katorse. So, every day po talaga may trabaho. M-W-F po yung Katorse, T-Th naman po yung Tanging Yaman, tapos Sunday may iba pa pong schedule. So, work-work. Pero okay naman, happy naman ako."

ENCHONG DEE . Kumusta ang celebration niya ng Christmas?

"Yung Christmas ko po, hindi po ako nakauwi ng Davao. Pumunta na lang po dito sa Manila yung mama at kuya ko. Tapos ayun, dito na lang kami nag-Christmas. Kasi may work din po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ini-invite nga ako nina Enchong [Dee, co-star ni Erich sa Katorse at Tanging Yaman] na sumama sa Bangkok with his family and manager. E, since may work nga po ako, hindi na ako sumama. Naiintindihan naman po niya kasi nga work nga po. Siguro next time."

Nagpabili ba siya ng pasalubong kay Enchong?

"Naku, nasa kanya yun kung bibilhan niya ako ng pasalubong!" biglang tawa ni Erich.

Nami-miss niya ba si Enchong ngayong magkalayo sila?

"Siyempre naman. Well, kasi halos every day talagang kami yung magkasama. Kaya kapag wala siya, nakakapanibago."

Masasabi niya ba na si Enchong na ang pinakamalapit na lalake sa kanya ngayon?

"Yes po," sagot ni Erich. "Inaamin ko naman na siya po talaga yung pinaka-close sa akin ngayon. And si Enchong kasi napaka-gentleman niya, napakamaalaga talaga sa akin. Sweet po si Enchong."

Pero wala pa ba sa level ng love yung closeness nila?

"Siguro yung love namin sa isa't isa, hindi yung love na may romance. Pero yun po, happy kami ngayon kung ano ang meron kami... yung friendship namin and talagang bina-value namin yun."

Sabi ni Erich lumalabas na rin daw sila ni Enchong. Masasabi niya bang dating na ito?

"Puwede na rin pong sabihing dating. Pero kasama rin naman po yung ibang friends namin," sabi niya.

Open ba siya sa possibility na ma-develop sila sa isa't isa?

"Kagaya po ng sinabi ni Enchong, parang hindi naman po maiiiwasan yun, di ba? Pero right now po, hindi naman po kami nagmamadali, e. Tingnan po natin. Basta po ngayon, masaya kami na magkatrabaho kami."

XIAN LIM. Matatandaang among her three male co-stars niya sa Katorse—Enchong, Ejay at Xian Lim—si Xian ang naging vocal noon sa pagsasabing nanligaw ito kay Erich. Ano na ang nangyari sa kanila ni Xian?

"We're friends pa rin naman," tugon ni Erich. "Yun nga po, we go out naman, sometimes kasama yung mga friends namin. And I guess mas maganda na lang na magkaibigan kami kesa naman if ever na naging boyfriend ko siya, mahirap na yung marami pang kung anu-ano, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito na ang pananaw niya kay Xian, dahil ba nariyan na si Enchong?

"Hindi naman po," nakangiting sagot ng dalaga. "Bago pa kami maging close ni Enchong talaga, nag-usap na kami ni Xian na friends na lang muna kami. Matagal na naming napag-usapan yung tungkol sa ligaw-ligaw. And sabi niya, he's willing to wait. Focus muna kami sa career namin pareho."

So, nabasted pala si Xian?

"I can't say basted kasi we both have an agreement na parang maging friends na lang tayo. Kasi I believe naman na yung love-love na 'yan, dadating kung kailan talaga para sa iyo. Napakaganda lang talaga ng nangyayari sa career ko ngayon at ayoko pong ma-distract. Focus talaga ako sa work."

NEW YEAR PLANS. Saan siya magnu-New Year?

"Kasi nga may work nga po, siguro dito na lang po sa Manila. Pag may time, puwede rin akong umuwi ng Davao para makita ko ulit yung mga kapitbahay ko doon."

Ano ang New Year's resolution niya?

"New year's resolution ko po... siguro kumain sa tamang oras talaga. Kasi po minsan, nakakalimutan ko nang kumain sa oras dahil sa pagbabasa ng script, sa pagme-memorize, ganyan. Masama po talagang malipasan ng gutom and bawal magkasakit."

Looking back sa 2009, ano o sino ang maituturing niyang tanging yaman niya?

"Ang tanging yaman ko po talaga yung pamilya ko at lahat ng mga taong nagmamahal sa akin, na talagang totoong nandiyan kahit sa hirap man o sa ginhawa magsti-stick sa akin, kahit ano pa ang mangyari," sagot ni Erich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN