Matt Evans gives Melissa Ricks advice regarding her parents

Jan 12, 2010
"Si Melissa naman, hindi naman din mahirap magustuhan. Sa akin lang, I'm holding it for greater trust at yung respeto namin sa isa't isa, hindi nawala," says Matt Evans about leading lady Melissa Ricks.

Sa nakaraang grand presscon ng Tanging Yaman, marami ang nagulat nang umamin si Matt Evans na lumapit sa kanya si Melissa Ricks at humingi ng payo noong panahong mabalita ang paglalayas diumano ng young actress sa condo unit nila ng kanyang mga magulang dahil daw sa rumored boyfriend nitong si Jake Cuenca.

"Siyempre, hindi naman maiiwasang lumapit siya sa akin. Pero hindi naman siya totoong lumayas, parang nag-unwind lang nang kaunti, bumalik din naman agad siya sa bahay nila but not necessarily lumayas talaga siya.

"Sabi ko, 'Ganun talaga. Minsan dumarating talaga sa buhay na magkakaroon kayo ng gap ng mommy mo. Unang-una, hindi ka na rin bata unlike before na puwede mong gawin ang lahat ng gusto mo. Hindi gaya ngayon na malaki na ang responsibility mo kasi matanda ka na nga.' Huwag lang siyang susuway sa magulang niya kasi hindi ka naman ipapahamak ng magulang mo. Nakikinig lang siya, after that, okay na sila uli ng mommy niya," kuwento ni Matt.

Continue reading below ↓

BECAUSE OF JAKE? Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Matt kung aware ba siya sa balitang si Jake daw ang rason ng pag-aaway ni Melissa at ng ina nito? Hindi raw kasi boto ang mommy ng aktres kay Jake.

"Sa akin naman, anuman ang maging desisyon niya, nandun ako para suportahan siya. Wala naman akong narinig na ganung balita," saad ng dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate.

Inamin ni Matt na nakaramdam siya ng kaunting kurot nang mabalita ang tungkol kina Melissa at Jake.

"Siyempre si Melissa, nagsimula kami sa trabaho. Sa Pedro Penduko pa lang, halos every day kaming magkasama. Uuwi lang kami, matutulog. Right after nun, paggising, trabaho, kami uli ang magkasama. Ngayon, nakakapanibago lang. Medyo hindi na kami nagkakasama, minsan once a week."

Tinanong na ba ni Matt si Melissa tungkol sa relasyon nito kay Jake?

"I don't ask her regarding that kasi ayokong manghimasok sa personal niyang buhay. Kung hihingin niya ang payo ko, that's it. Pero yung mag-a-ask ako ng personal issues, hindi ko gawain yun."

Continue reading below ↓

Trabaho at professionalism ang ibinigay na rason ni Matt kung kaya't kahit may espesyal na siyang nararamdaman para sa kapareha ay hindi niya ito niligawan.

"Wala naman, gusto ko lang maging professional. Kumbaga, para sa akin, trabaho, trabaho lang talaga, walang personalan. Si Melissa naman, hindi naman din mahirap magustuhan. Sa akin lang, I'm holding it for greater trust at yung respeto namin sa isa't isa, hindi nawala."

TANGING YAMAN. Naging maganda rin ang itinakbo ng 2009 para kay Matt. At ngayong pagpasok ng 2010 ay may proyekto siya agad, ang Tanging Yaman, kung saan si Melissa ulit ang love interest niya.

"Sobrang saya dahil yung role na ibinigay sa akin ay napaka-challenging talaga. Isa akong undercover agent dito, PSG ng first daughter, si Melissa Ricks. Ang pinakatanong sa karakter ko, ano ba ang mas mahalaga sa akin, yung trabaho ko na pinaglaanan mo ng buong buhay mo o yung pagmamahal mo sa isang tao?

Continue reading below ↓

"Sobrang thankful at saya ako sa trust na ibinibigay sa akin ng ABS-CBN. Ako naman, sobrang pinapalitan ko yun ng trabaho, ng sipag. I want to prove na karapat-dapat naman ako sa tiwalang pinagkakaloob nila at hindi ko yun sisirain," pahayag ni Matt.

Read Next
Read More Stories About
Matt Evans, Melissa Ricks
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Melissa naman, hindi naman din mahirap magustuhan. Sa akin lang, I'm holding it for greater trust at yung respeto namin sa isa't isa, hindi nawala," says Matt Evans about leading lady Melissa Ricks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results