Rayver Cruz says Sarah Geronimo is worth waiting for

Jan 9, 2010
Rayver doesn't seemed fazed that he may need to wait four more years to court Sarah. "E, ngayon nga lang nagugulat tayo, mam'ya, biglang Christmas na ulit. Hindi naman siguro ganun katagal 'yan," says the optimistic lad.

Maganda ang pagsalubong ni Rayver Cruz sa bagong taon dahil may bago siyang afternoon series, Magkano ang Iyong Dangal? para sa ABS-CBN. He will be paired with Bangs Garcia at ka-triangle nila si Sid Lucero.

Matatandaang naging malungkot para kay Rayver at sa pamilya niya ang pagtatapos ng 2009 dahil sa pagkamatay ng ama nito. Pero ayon kay Rayver, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magkano sa Riverbanks, Marikina, naging maayos naman daw ang ang kanilang Kapaskuhan at New Year.

"Sinubukan pa rin naming i-enjoy kahit kulang na kami. Ganun pa rin, noche buena. Tapos ngayon, nag-invite na lang kami ng mga cousins namin para mas marami kami, at least hindi masyadong malungkot. Masaya pa rin ngayong Christmas dahil mas marami kami...

"Pero siyempre, lahat nakaka-miss sa papa ko. Kung kakain kayo, kumpleto kayo. Tapos, magbabatian kayo, di ba? Magbubukasan kayo ng mga regalo. E, ngayon, kulang na, e. Pero, ganun naman talaga, di ba? Nandiyan pa rin naman siya. Nanonood lang siya."

Continue reading below ↓

MISSING DAD. Noong mismong December 25, binisita nila ang ama sa sementeryo.

Every year, nakakakuha daw siya ng gift sa daddy niya. "Kahit naman hindi Christmas or hindi ko birthday, binibigyan ako niyan. Ganun kasi siya, e. Very thoughtful, so, nakaka-miss."

Kapag nami-miss daw niya ang daddy niya ay nagdadasal siya or binibisita ito sa sementeryo.

"Pero minsan, hindi mo rin talaga mapigilan. Siyempre, tatay mo yun. Kaya minsan, hindi na lang ako nagpapakita sa mga utol ko. Ewan ko sila... kapag umiiyak sila. Siguro, hindi na lang kami nagpapakita. Hindi damayan, e. Siguro nga, dahil na rin kay Mama, ganun na lang.

"Kaya kay Mama, since tatlo kaming magkakapatid, hindi namin hinahayaang naiiwan siyang mag-isa sa bahay. Siyempre, kailangang alagaan namin si Mama. Yun din ang mga huling bilin ni Papa. 'Magpakabait kayo at alagaan niyo nanay niyo.'"

FIRST MATURE ROLE. Pero sa isang banda, masaya rin naman daw siya dahil sa pagpasok ng 2010 may bago siyang show.

Continue reading below ↓

"Itong bagong show na ginagawa namin, enjoy ako kasi nga, first time kong gumawa ng ganitong role na kahit paano, more mature.

"Ako si Troy. Magkababata talaga kaming tatlo nina Bangs at saka ni Sid. Tapos, medyo lampa kasi ako noong bata ako. Parang nerdy type. Si Sid, astig talaga siya. Sila talaga. So, noong nagpunta 'ko ng States, pagbalik ko, medyo iba na... Kaya ko nang alagaan ang sarili ko ngayon.

"At simula noong bata kami, in love pa rin ako kay Bangs."

May mga adjustments daw siyang ginawa para magampanan ang first mature role niya.

"Sa porma, mas ibahin na. Iba naman yung pang-ASAP at saka dito. At siyempre, habang nagpo-progress ang palabas, since ang New Year's resolution ko, usapan namin ni Matt [Evans], 'Tara, magpaganda na tayo ng katawan.'"

Natutuwa rin si Rayver na naging daan ang Magkano ang Iyong Dangal? para magkasama uli sila ni Direk Chito Roño.

Continue reading below ↓

"First time kong nakatrabaho si Direk sa Spirits noon. Kaya noong malaman ko na si Direk, sobrang na-excite ako na makatrabaho siya ulit. At saka, yun ang pinakauna kong show sa ABS, yung Spirits, so ang dami talagang naituro sa akin ni Direk Chito. Ang dami kong nakuha sa kanya na nagamit ko talaga sa aking pagtratrabaho."

WAITING FOR SARAH. Dimaiwasang kumustahin namin si Rayver tungkol kay Sarah Geronimo dahil lantad na may gusto ang binata sa Pop Princess.

"Okey naman po, friends naman po... Hindi pa naman po ako officially nanliligaw kasi nga, alam naman nating bawal pa siya, di ba?... Pero kung darating ang araw na talagang okey na okey na lahat, oo naman, basta puwede na siya, di ba?"

Nalaman ng PEP kay Sarah na niregaluhan niya ito ng paboritong pabango noong Pasko.

"Nag-thank you naman siya... Sabi nga niya, 'Hindi mo naman kailangang magbigay. Ang importante, nakabati ka naman.' Ang bait nga ni Sarah, sobra," giliw sa pagkuwento ang binata.

Continue reading below ↓

Willing nga ba siyang maghintay nang napakatagal para maligawan si Sarah?

"Si Sarah kasi, siya ang tipo ng babaeng puwedeng hintayin, very worth it."

Parang nagulat si Rayver nang sabihin naming four years pa raw bago magpapaligaw si Sarah.

Pero optimistic ang binata. "E, ngayon nga lang nagugulat tayo, mam'ya, biglang Christmas na ulit. Hindi naman siguro ganun katagal 'yan. Tingnan lang natin. Mahirap din kasing magsalita, [anything] can happen."

Wala ba siyang ibang dine-date or nililigawan? Kumbaga, exclusively na ba kay Sarah ang puso niya?

"Hindi ko naman sinasabing si Sarah all the way. Kasi, mahirap magbitiw ng salita. Sasabihin ko sa ngayon, Sarah 'ko, tapos, maraming puwedeng mangyari. Pero masasabi kong special talaga siya sa akin. Yun naman ang importante."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver doesn't seemed fazed that he may need to wait four more years to court Sarah. "E, ngayon nga lang nagugulat tayo, mam'ya, biglang Christmas na ulit. Hindi naman siguro ganun katagal 'yan," says the optimistic lad.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results