Mark Herras talks about parting ways with Jennylyn Mercado after Ikaw Sana

IMAGE 0

Mark Herras is glad that even if his real relationship with ex-girlfriend Jennylyn Mercado didn't work, their reel tandem is still solid.

He's also glad that he and Jen are close friends. In fact, he's one of the ninongs of baby Alex Jazz. Mark relates, "Minsan pag sinasama niya sa taping, pag malapit yung location, pag natutulog ako or nagpapahinga ako, nakikita ko dala-dala niya yung bata. Bababa ako sa sasakyan, kukunin ko yung bata."


Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Mark Herras sa napipintong pagtatapos ng teleserye nila ni Jennylyn Mercado sa GMA-7, ang Ikaw Sana.

Masaya siya kasi ang tagumpay ng recent project nila ng dating kasintahan ay patunay na nadiyan pa rin ang kanilang mga supporters.

Nung binista ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanilang set sa Subic, kung saan nag-tape para sa mga huling eksena, ang saad ng unang-unang StarStruck Ultimate Male Survivor, "In-expect ko lang naman kung andun pa rin yung suporta nung fans dun sa love team. Well nakita ko naman na nandun pa rin. And alam mo yun, parang masyado silang na-i-involve kapag pinapanood nila yung love team namin ni Jen."

May formula ba sila?

"Ewan ko kung ano talagang meron. Diba, parang may 'something' talaga na hindi ko makita. Pero kasi siguro, dahil before, lovers [kami] then naging very good friends. 'Tapos naging inaanak ko yung anak ni Jen. Siguro kasi maganda naman kasi yung pinagsamahan namin. Siguro yun yung nakikita ng tao," ang sabi pa ng binata.

Medyo nalulungkot siya kasi pagkatapos ng Ikaw Sana ay pansamanatala munang maghihiwalay ang landas ng Mark-Jen love team. Magiging busy sila sa magkahiwalay na primetime projects sa Kapuso network.

"Medyo maghihiwalay muna kami ng landas ni Jen. She's doing yung Gumapang Ka Sa Lusak with Dennnis Trillo. Ako naman, I'm doing Diva with Ynna Asistio. So medyo separate ways muna kami," kumpirma ni Mark.

At sa mga pagbabago, nananatiling positibo si Mark na magiging mainit pa rin ang pagtanggap ng mga fans.

Aniya, "Siguro para naman ma-excite din sila. Kasi for me, parang pag sunud-sunod yung ginawa naming project ni Jen, baka mamaya magsawa sila. 'Sila na naman?' So, try natin yung bago. And I'm sure naman someday or somehow, magkakaroon pa rin ng chance na magkatrabaho kami. Kung hindi man sa TV, malay mo sa movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEMORABLE TANDEM. Halos tatlong taon ang itinagal ng love team nina Mark at Jennylyn pagkatapos manalo ng dalawa sa reality TV star search ng GMA-7 na Starstruck. Ang kanilang reel tandem ay nauwi sa real. At noong naghiwalay ang dalawa, naapektuhan ang kanilang fan base, at sinubukan ng management na ipareha sila sa iba.

Pero among all his screen partners, ng kuwento ni Mark, "Actually, sa lahat, Jen lang ang feeling ko, e, pinaka. Kasi with Ryza [Cenon], hindi naman ganun katagal. Then siguro yung pinaka-nagkaroon ng maraming issue, siguro with Rhian. During the love team, dun nagsimula yung mga fans ni Rhian na nagagalit."

Matatandaang noong 2007, may ilang fans na nagpahayag ng hindi nila pagkagusto kay Rhian bilang bagong partner ni Mark, at siniraan ang dalaga sa mga internet forum.

"Feeling ko kasi, every time na magkaroon ka ng isang trabaho 'tapos meron kang love team for a very long time, talagang yung mga tao, medyo nahihirapan na tumanggap ng panibagong ka-love team mo. Pero feeling ko, kunyari isang show, iba [ang] love team, next show, iba love team. Pero kung ganun ang nangyari sa 'kin, hindi naman siguro ganun yung reactions ng tao," paliwanag ni Mark.

"Pero ayun nga, kasi with Jen, ever since Starstruck, then for the past three years kami yung magka-love team...'Tapos biglang kay Raiza, 'tapos they tried me with Rhian... Yun lang naman yung major love team. 'Tapos nag-Love to Love kami ni Pauleen. So, nahihirapan yung mga tao," pagtatapos ni Mark.

HOPING FOR GOLD. Sa kabilang banda, masaya namang ibinahagi ng Bad Boy ng Philippine Dance Floor sa PEP ang kasalukuyang status ng kanyang pangatlong dance album na Mark Herras: The Greatest Moves under Universal Records.

Ang balita ng Kapuso star, "So far, okay naman yung nagiging mall tour namin. Ilang malls na yung every time na nagsho-show kami or nagpo-promote ng album, laging sold out. We're doing fine, the album is doing fine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang dalwang naunang dance albums na Mark Herras: Dance Hits at Mark Herras: Dance Party ay nagawaran ng Double Platinum Record awards. Hiling ni Mark para sa pangatlong album:

"Hoping for another Gold. Kasi, I mean, ang sinasabi kasi nila yung two albums, Gold then Platinum then Double Platinum. So I was hoping na maging maganda din yung feedback for the third album."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN