KC Concepcion says movie with her dad Gabby has go-signal from mom Sharon

IMAGE 0


KC Concepcion's third movie will co-star her with dad Gabby Concepcion. This time, she will have Jericho Rosales as leading man.


Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nagulat nang makita namin sa wedding nina Ciara Sotto at Jojo Oconer noong Linggo, January 17, si KC Concepcion. May mga nauna kasing report na wala sa bansa si KC kaya hindi siya makakarating sa kasal ng kanyang Tita Ciara, na ginawa sa Westfield Manila Polo Club. Si Ciara ay pinsang-buo, sa mother side, ng ina ni KC na si Sharon Cuneta.

Pero nilinaw naman ito ni KC sa PEP nang makausap namin siya.

"Naku, walang ganun!" bulalas niya. "Hindi ko nga alam kung bakit iniisip ng tao na hindi ako makakapunta. Hindi niya [Ciara] ikinuwento yung date until a week before. So, sabi ko, 'Yun naman pala. So, just let me know kung kailan eksakto.'

"Kasi, actually, meron akong appointment today na na-book ko six months ago pa. Out of the country yun. Pero noong sinabi niya yung date, wala nang tanong-tanong, dinilete ko siya sa schedule ko para lang makapunta ako dito."

"Guest" ang description ni KC sa papel niya sa wedding nina Ciara at Joe. Pero during the wedding ceremony, nakita namin si KC na siyang nagkabit at nagtanggal ng veil ng mga ikinasal.

Gano'n ba kaespesyal si Ciara sa kanya para kanselahin niya ang anumang engagement niya?

"Oo naman, of course!" mabilis niyang sagot. "Walang tanung-tanong yun. Sobrang isang sabi lang yun, nandito na ako."

Dagdag ni KC, "I can't believe that she's getting married. This is her day. Sabi ko nga sa kanya, 'Huwag kang masyadong mai-stress kasi alam mo yung minsan, nakikita ko na parang sobrang nagwo-worry siya. Gusto niya siyempre mag-enjoy yung mga guest. Gusto niya siyempre maganda ang susuutin ng lahat.

"Ma-arrange lang. Kasi, sila-sila lang din ang gumawa at yun ang isang ina-admire ko rin sa kanya. Hindi siya masyadong kumuha ng malalaking event organizers. Yung talagang mga loved ones niya ang nag-ayos for her. Very down-to-earth din kasi yun, e. So, maganda yung na-reflect dun sa big day niya. At yun nga, nandito tayong lahat and I'm so excited. They've been together for three, four years na. Matagal na silang magkasama, so it's about time na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang wish niya for Ciara and Jojo?

"As I always say, I know na solid yung relationship nila. Sobrang inaalagaan siya. And I pray na huwag mawala yung fun, yung pag-enjoy nila sa isa't isa, yung pag-enjoy nila sa life in general. Kasi, after nilang ikasal, yun na yun. Wala na."

Nakikita na rin ba niya ang sarili that one day, siya naman ang maglalakad sa altar?

"One day... one day... Bilang babae naman ako!" natatawang sabi ng 24-year-old actress-singer. "Someday. Pero, wala pa yun... wala pa yun. Since very young pa ako at marami pa akong gagawin siguro. Hayaan mo ng sila muna."

MOVIE WITH PAPA GABBY. Kinuha na rin namin ang pagkakataon upang tanungin si KC kung ano ba ang mga dapat abangan sa kanya ng fans ngayong 2010.

"Well, I'm making my second album already. Lalabas na siya very soon. Sobra akong excited and it's under Sony Music. I wrote three songs na matagal akong hindi nagsulat, then isang afternoon, bigla na lang pumasok lahat ng kanta. Bigla na lang akong nakasulat ulit.

"And then, I'm doing my next movie sa Star Cinema. Magsu-shoot na yata kami in two weeks. Pero ginagawa na namin lahat ng workshops, lahat ng pre-prod, ganun," sabi niya.

Ano ang difference ng third movie niya sa first two movies na ginawa niya—For The First Time sa Star Cinema at When I Met U sa GMA Films, with Richard Gutierrez as her leading man in both movies?

"Well, ibang leading man, siyempre. And it's gonna be light," ani KC.

Ang tinutukoy na movie ni KC ay ang pelikulang pagsasamahan nila for the first time ng kanyang ama na si Gabby Concepcion. Ang magiging leading man naman niya rito ay si Jericho Rosales.

Masaya si KC na may go-signal ng mama niyang si Sharon Cuneta na mauna silang magkasama ng dad niya sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, of course naman! Who wouldn't want to do a movie with your own father, di ba? And with Mama rin, sana... one day," asam niya.

"Peacemaker" ang tawag namin kay KC dahil pinanindigan niya talaga ang title na yun kahit sa kanyang mga magulang, na ngayon ay mas okay na ang relasyon sa isa't isa.

"Oo nga, talagang trinabaho ko yun na magkaayos-ayos na lahat. And sobrang happy ko that it happened naman," nakangiti niyang sabi.

Posible kayang silang tatlo naman ng mama at papa niya ang magsama sa susunod niyang project?

"Ay naku, kapag nangyari yun, sobrang saya ko! Pero who knows, di ba? Sana...sana nga."

PIOLO PASCUAL. Pagdating naman sa nauugnay sa kanya ngayong si Piolo Pascual, nakangiting nakiusap si KC na huwag na lang daw siyang tanungin kung ano nga ba ang naging Christmas gift niya sa aktor. Ito ay sa kabila ng inamin na ni Piolo na pang-scuba diving ang natanggap nitong regalo from KC.

Aminado naman si KC na kahit nagtapos na ang teleserye nilang Lovers in Paris, may strong bond pa rin sila ng heartthrob.

"Of course, of course naman... Hindi naman ako yung ganung type na parang seasonal lang. Ang pangit, di ba? Kaplastikan yung ganun. Hindi naman po," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN