Ariel Rivera and family will migrate to Canada in 2015

IMAGE 0


"You know what, our decision comes with a heavy heart. We don't want to leave the Philippines because we love what we do, and at the same time, we love the Philippines. Filipino kami, e. Honestly, I grew up in Canada but I see myself living here and dying here. Kaya lang, you have to look on what's best for the kids. So, we are... sabihin na lang natin that we are sacrificing for our kids talaga," explains Ariel Rivera about their decision to migrate to Canada.


Kinumpirma ni Ariel Rivera na tuloy na ang pag-migrate nila ng asawang Gelli de Belen at ng kanilang dalawang anak na sina Joaqui at Julio sa Canada in 2015. Ito ang naging pahayag ni Ariel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? noong Martes, January 19.

"With career or not, we will all go to Canada in 2015. Siguro immediately after they finished college, we'll decide whether to come back to the Philippines or live there. Hindi pa namin alam. It's such a long way," sabi niya.

So, five years na lang ang pamamalagi nila sa Pilipinas?

"Yes, five years before we leave... matagal pa naman."

Ariel's parents and siblings are all Canadian citizens. No wonder na ito na ang ikalawang tahanan para sa kanila. Pero bakit nga ba mas gusto nilang dun lumaki ang mga anak nila ni Gelli?

"Well, for obvious advantages in graduating, in finishing school in North America. There are more doors for them. Yung benefit, that's for us basically. But somebody graduating in North America, there's enough reason for advantages in the future. And since we have the privilege, so why not use it?" paliwanag niya.

Ang mga anak daw niya ay mga Canadian citizen na. Tanging si Gelli na lang daw ang hindi so she would have to apply for immigrant status.

Maluwag ba sa loob ni Gelli ang pag-migrate nila sa Canada?

"You know what, our decision comes with a heavy heart. We don't want to leave the Philippines because we love what we do, and at the same time, we love the Philippines. Filipino kami, e. Honestly, I grew up in Canada but I see myself living here and dying here. Kaya lang, you have to look on what's best for the kids. So, we are... sabihin na lang natin that we are sacrificing for our kids talaga," saad ng singer-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero uuwi rin ba sila sa Pilipinas o doon na sila talaga maninirahan nang tuluyan sa Canada?

"Dire-diretso habang nag-aaral. But definitely, we have to come back. We also have our families here. Sila Janice, Mommy Susan [sister and mom of Gelli]... Same way we do. Reverse of what we're doing now na sa Canada kami dumadalaw."

Pagdating sa Canada, what are their plans?

"Hindi pa namin alam kasi hindi pa namin alam ang takbo ng mundo in five years. Hindi pa natin alam kung ano ang uso. We have to find out kung ano pa ang hilig naming dalawa in five years. Dun naman magbe-base yun, what we want to do. We're no longer there para lang kumita. That is why we are working so hard. We want to do something there. Whether it's volunteer, something that we want to do na magugustuhan namin."

GELLI'S SIS. Kinumusta rin ng PEP kay Ariel si Gelli ngayong wala na sa ere ang morning show nito with sister Janice de Belen and friend Carmina Villarroel, ang SiS.

"Actually, they felt it's a great run. Eight years is a great run. And they have to face also that they are going to the motion. Every day ba naman... Naka-adjust naman siya. Automatic siya ngayon. Pagdating ng Wednesday, Thursday, gigising nang maaga. Minsan nasa isip niya, 'Honey, ano ba ang gagamitin kong damit? Magsa-shopping kami. A, okey 'to... Ay, wala na nga palang SiS.' Parang ganun."

Pero may bagong show naman daw si Gelli sa GMA-7. Kasama ang misis ni Ariel sa Panday Kids kung saan gaganap siya bilang nanay ng child actor na si Buboy Villar.

HANDS-ON PARENTS. Ang isang katangian na nakakabilib sa pagsasama nina Ariel at Gelli ay ang pagiging hands-on parents nila sa kanilang dalawang anak na lalake. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon nila pareho ng trabaho at walang yaya ang kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayong pareho silang may regular TV series ni Gelli, ano ang usapan nila pagdating sa kanilang mga anak?

"Well, yun ang problema," nakangiting sabi ni Ariel. "Pero you know, we're blessed because my brother is here. Meron akong auntie ko, plus Mommy Susan, very supportive. So, we're very lucky na kapag kailangan namin sila, when we are both working, sila ang susundo.

"Ang nangyayari na lang, kami ang naghahatid. Yun, walang patid yun. Kami ang naghahatid. Kami palagi. Either me or her, mostly together. Pero ang pagsundo, nagiging problema when we have work. Buti na lang, may support team kami."

Malaki raw ang kaibahan kapag ang bata ay laki sa magulang as compared sa laki ito sa yaya.

"Very close to us. They have their own mind and they have better respect for you and they don't take anything for granted. Kasi, alam nila na ganun kami. They respect family. Ibang-iba sila.

"So, I totally advice parents to be real parents. You don't need yaya. You know, to each his own. Kanya-kanyang ano 'yan. Pero sa amin, if I'll reflect back, ang mga magulang ko, when we migrated, 1972, in Canada, kinaya niya na limang bata kami, walang yaya, working. So, siguro naman kaya namin ni Gelli na dalawang bata," sabi ni Ariel.

How does he feel na ang laki ng respeto sa kanila ng ibang showbiz couples dahil nagawa nilang maging intact ang pamilya nila at ang pagsasama nila bilang mag-asawa?

"You know, I'm one person who never played those things, e. Kasi when you start thinking about what other people think about you, it gets to your head. I'm happy of course that they have respect to us on how we live our lives. I'm very grateful that they do, but I don't let it get into my head. We don't let it get it to our head. We live a normal life lang," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MORE BABIES. Bagamat dalawa pa lang ang anak nila, ayon kay Ariel, si Gelli raw ang ayaw na magkaroon pa sila ng anak.

"Ayaw niya... ayaw niya. Mahirap magpalaki ng bata. We're okay with two kids. We're very happy with two and we're contented with two," sabi ni Ariel.

Ayaw ba nilang magkaroon ng anak na babae?

"Ayoko ng girl!" natatawang sabi ni Ariel. "When she's [Gelli] pregnant, nagdarasal lagi ako na sana boy. Mahirap magpalaki ng babae sa Pilipinas. Mas madali ang lalake. Mahirap talaga. Nakakatakot kapag babae.

"Hindi ako seloso. Pero, siyempre, I grew up with girls. Parang no matter how much you teach them about the world, there's always one guy who can fool them. Madaling maano, e... ilang beses mo na maririnig na napakatalinong babae, pero naloloko ng isang lalake!"

CHOOSY IN ACCEPTING ROLES. Kasama nga si Ariel sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, kung saan ginagampanan niya ang role ng totoong ama ni Jennica Garcia at "real love" ni Jean Garcia. In accepting roles, aminado si Ariel na nagiging choosy pa rin siya.

"Oh, yeah, definitely," sabi niya. "I have to. I will not be too old in this business just to accept anything. Nakakahiya naman sa manager ko. Ang tagal niyang pinangalagaan ang pangalan ko, tapos kung ano-ano lang ang gagawin niya."

Ano ang mga kinu-consider niya when accepting a role?

"I want a challenging role. That's why the last three years, people have seen me doing more kontrabida roles. Kasi, I find that challenging. I want to make it different. Ayoko naman nung puro boy-next-door."

Dito ba sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ay may pagka-kontrabida rin ang role niya?

"No, but the challenge here, aside from working with Jean... Kasi magaling talaga si Jean at ina-underplay nila ang galing ni Jennica, pero magaling si Jennica. But also my character, being a poor man na away from or being pushed away from my daughter, may lalim siya, e. And I never played that role before," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN