Francine Prieto: "Hindi naman dapat maging hadlang ang weight ng isang tao, dapat yung talent pa rin."

IMAGE 0


"Actually, yung weight ko ang nagiging dahilan kaya nahihirapan humawak ng work. Kasi, sinasabi nila, ang laki ko nga raw, nahihirapan silang bigyan ako ng work," says Francine Prieto.


Bagong Francine Prieto ang humarap sa "Gimme Mo" segment ng Showbiz Central last Sunday, January 17. Kung dati-rati ay ang katabaan ang madalas napapansin at ginagawang isyu sa kanya, this time, Francine appeared in her old self na seksing-seksi ulit.

Ayon sa sexy comedienne, 20 lbs. na raw ang nababawas niya sa kanyang weight.

Last year, lumabas ang tungkol sa pagkakaroon ng sakit ng mommy niya. At sa lahat ng ito, si Francine ang sumusuporta sa mommy at mga kapatid niya. Was it one of the reasons kung bakit lumaki siya?

"Ako kasi ang breadwinner ng family," umpisa ni Francine sa panayam sa kanya ni DJ Mo Twister. "So, siyempre, obligasyon ko yun, responsibilidad ko sa family ko na suportahan sila. Hindi naman nila ako inoobliga. Pero ako mismo, gusto ko. Kahit mag-sacrifice ako. Kahit hindi pa 'ko mag-asawa para sa kanila. So, hindi yun ang problema.

"Siguro ang naging problema, yung sa trabaho, parang hindi regular. Minsan may show ka. Minsan wala. Tapos kapag meron ka namang regular show, hindi naman palagi kang may taping, paminsan-minsan lang ang taping. So, dun lang ang bayad sa 'yo. So, yun lang ang problem ko."

Dagdag niya, "Kapag nai-stress ako... Siyempre, minsan may mga bayarin ka. So, parang alam mo yun... hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo. Ito lang naman ang bread and butter ko. Wala naman akong DOM [dirty old man] na sumusuporta sa akin or Papa Bear na, alam mo yun... na para makagaan. Hindi naman ganun."

SLIMMING CAPSULE. Francine lost about 20 lbs in two months. May mga nagsasabing may ginagawa siyang extreme measures like starvation. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Actually, 'yang starvation, ginagawa ko 'yan dati," pag-amin niya. "Pero ang nangyayari, nagko-collapse ako. Kapag okey ka na, napapakain ka ng mas marami pa. With liposuction naman, takot ako sa peklat kaya hindi ko masyadong iniisip yung liposuction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, last year, si Tita Fanny Serrano, naghahanap siya ng model sa isang slimming capsule para sa friend niya. So, ako ang naisip niya. Si Tita Fanny, sobrang ano ko 'yan, nanay-nanayan before pa sa modeling pa. So, ako ang naisip niya para rito. Ako naman, since reyna ng diet pills, ibinigay niya sa akin.

"Tapos summer yun, akala ko, kalagitnaan ng taon. So, parang ako, nagpapabaya. Sinasabi ko, next week na ako magpapapayat. Tapos, may ginawa pa akong pelikula na ang role ko, nanay. So, okey lang na mataba ako."

Pero pumayat si Francine during the holiday season na ang hirap magpapayat dahil sa dami ng handaan. Ano ba ang naging driving force niya para pumayat?

"Noong dumating na sa akin ang kontrata [for the slimming capsule]," sagot niya. "Siyempre, nandiyan na ang kontrata, pumirma ako. Ayoko yatang mademanda ako! Noong dumating na ang kontrata, 'Oh my God, seryoso na 'to! Totoo na 'to!' So, nagsimula na akong mag-workout."

SIZE DOES NOT MATTER. Was there a point na na-hurt siya kapag sinasabing "fat" or "baboy" siya? Did she ever have a breakdown?

"Hindi dahil dun," paglilinaw ni Francine. "Actually, yung weight ko ang nagiging dahilan kaya nahihirapan humawak ng work. Kasi, sinasabi nila, ang laki ko nga raw, nahihirapan silang bigyan ako ng work.

"Pero ang sa akin naman, hindi naman dapat maging hadlang ang weight ng isang tao, dapat yung talent pa rin. Hindi naman ako naghahangad na ako ang star, yung kasama ka lang sa cast. Meron kang work. Masaya ka sa ginagawa mo. Yun ang importante.

"At nagpapasalamat ako dahil may bagong manager ako last year, ipinaglalaban niya ako. Yun ang kulang sa akin before, walang nakikipaglaban para sa akin. Ako ang nakikipag-away, e," saad niya.

Sa huli, sinabi ni Francine na kahit nag-lose na siya ng 20 lbs, hindi pa rin daw yun ang gusto niyang weight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN