Kris Aquino on marriage with James Yap: "May commitment kaming dalawa to make it okay."

by Rose Garcia
Jan 24, 2010
Startalk reports that Kris Aquino seems to be in a lighter mood one week after the latest controversy in her life.

Noong nakaraang linggo, nang makausap siya ng Startalk, ay nasa kalagitnaan pa si Kris Aquino ng bagong kontrobersiya na dumating sa buhay niya bilang may-asawa. (CLICK HERE for related story.)

Nitong linggo ay mas maaliwalas na raw si Kris Aquino nang makausap siyang muli ng Startalk. Kaya ang tanong, nalagpasan na raw ba nila ni Kris at ng asawang James Yap ang bagong unos sa kanilang pagsasama?

"Hindi mo naman puwedeng sabihin na totally okay," ang sagot ni Kris. "But I think ang pinakaimportante dun is may commitment kaming dalawa to make it okay.

"Hindi naman kami ever tumigil sa pag-uusap. It's just that, I think, kinailangan lang niyang maunawaan nang husto kung saan nanggaling yung mga hinanakit ko," nakangiti nang pahayag ni Kris.

STILL UNDER ONE ROOF. Earlier this week, lumabas sa ilang tabloids na diumano'y naghahanap si James ng bagong condo na malilipatan, habang si Kris naman daw ay nag-alsa-balutan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman nang makausap ng Startalk si Kris sa taping ng Family Feud, kunsaan contestants ang mga kapatid nitong sina Ballsy at Pinky, pinabulaanan ni Kris ang balitang maghihiwalay na sila ng tirahan ni James.

"Ano lang, two nights lang kami sa sister ko na naki-stay run. Kasi, nakakahiya rin namang tumira. We have a very good family friend who lent us his unit sa The Fort for one month habang hindi ready yung unit namin.

"Kasama rin namin si James dun. Magkasama naman kami ngayon, kaya lang, pina-punish ko pa siya nang kaunti," natawa rin niyang sabi.

"Pero maayos naman na. Sinisikap namin na maging maayos ang pagsasama namin."

MESSAGE TO JAMES'S FANS. Hiningan ng Startalk si Kris ng mensahe para sa mga avid fans ni James.

Aniya, "Magaling na player ang asawa ko. Kahanga-hanga. Maganda ang katawan. Pang-MVP. So, it's up to James. He knows what he can lose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa naman daw si Kris na magkakaayos rin ang kanyang pamilya at pamilya ni Mayen Austria. Humingi na rin daw ng dispensa sa nangyari ang nakababatang kapatid ni Mayen.

"I think I've said everything I wanted to say. So, siguro, tapos na yun as far as I'm concerned. Unless of course, siyempre, kung may balak pang guluhin ang asawa ko, ibang usapan yun.

"Pero siguro naman, ipinaramdam sa akin ni James na mahalaga ako sa kanya. So, ang importante ngayon talaga, kung meron man mga ganyang sitwasyon na darating, alam na niya on how to react and it's really up to him to make the most of the situation."

"WE KEEP PRAYING." Habang nasa Family Feud pa sila ay hiningan ng Startalk ng pahayag ang mga kapatid ni Kris.

Ayon kay Pinky Aquino-Abellada, "We keep praying. We keep giving them our love and support. We love both of them wherever they will be happy. Ipinagdarasal talaga namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag naman ni Ballsy Aquino-Cruz, "Nakikinig naman siya. At saka, very creative person naman siya. Hindi naman kami nakikialam kung hindi manggagaling sa kanya, e. Pero siya mismo ang nagte-text or tatawag. Madali namang kausap."

Sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star noong Martes, January 19, naka-quote si James na nagsasabing, "I've never cheated on Kris. I have never been unfaithful. Ang ganda ng wife ko, bakit hahanap pa ako ng iba?"

Nahingan din ng komento tungkol kay James ang isa pang PBA player, si Don Allado, at ang misis nito, ang artistang si Maricar de Mesa. Ayon kay Maricar, hindi naman daw nila nakikitang nagwo-worry si James ngayon. Okey naman daw ito, very positive, mabait at very humble.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Startalk reports that Kris Aquino seems to be in a lighter mood one week after the latest controversy in her life.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results