Jericho Rosales promises not to court any of his leading ladies

IMAGE 0


"Gusto kong isipin na kaya kong makipagtrabaho sa mga babae na hindi na kinakailangang ma-in love ka. Kahit sabihin mong light-light movie lang 'yan, it's still work, trabaho pa rin yun. Best thing is to be able to work na hindi mo pinepersonal ang trabaho mo. Yun ang challenge dun," says Jericho Rosales.


A few weeks ago ay nagkaroon ng fans' day sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, pero hindi nakasipot ang aktres kaya lumikha ito ng kontrobersiya. Ayon sa lumabas na balita, hindi raw sinipot ni Kristine ang fans' day nila ni Jericho dahil nagkaroon daw sila ng pagtatalo at samaan ng loob ng aktor.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Echo, palayaw ng aktor, ay pinalinaw namin sa kanya kung totoo nga bang nagkaroon sila ng pagtatalo o samaan ng loob ng kapareha niya sa defunct soap na Dahil May Isang Ikaw.

"Wala kaming away ni Kristine, wala kaming tampuhan," diin ni Echo. "I just don't know the reason why hindi siya nakarating. We weren't able to say goodbye properly but I texted her, I said, 'It was really nice working with you again.' Yun lang. Natapos kasi siya ng mas maaga sa amin."

According to Echo, he's still open to working with Kristine again, given the right project at the right time.

DAHIL MAY ISANG IKAW. Samantala, sinabi ni Echo na masaya siya dahil naging bahagi siya ng isang primetime soap katulad ng Dahil May Isang Ikaw.

"Happy ako about Dahil May Isang Ikaw, especially yung pinaka-last episodes namin. Not just because of ratings but yung story namin and response na nandun sa story namin, sobrang positive. We were able to help people. May nag-text sa akin na isang kaibigan ko, na-inspire daw siya na makakilos at makagalaw uli kasi ganun din siya, may sakit din siya. May mga ibang nag-e mail din sa amin, mga lawyers, giving their positive feedback. So, talagang nakatulong ang soap namin, naka-inspire kami ng mga tao and that's the best thing for me. Siyempre big, big bonus na yung ang dami-daming nanood ng last episodes ng Dahil May Isang Ikaw," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa ilang avid viewers ng Dahil May Isang Ikaw, Jericho should get an award dahil sa husay na ipinakita nito sa pagbibigay-buhay sa karakter niya bilang Miguel, isang public attorney.

Ano ang reaksiyon dito ni Echo?

"Thank you, pero bonus na lang yun," sambit niya. "Real award is yung mainit na suporta sa amin ng tao."

MOVIE WITH KC. Ibinalita ni Echo sa PEP na bagamat wala pa siyang kasunod na teleseryeng gagawin sa ABS-CBN ay gagawa naman siya ng pelikula sa Star Cinema at katambal niya rito si KC Concepcion.

"Malapit na, fun-fun lang," sabi ng aktor. "Nag-workshop na kami ni KC para maging comfortable kami. Excited ako more than kinakabahan. Masaya yung concept ng movie, light lang siya. Sa movie kasi, matagal na yung gumawa ako ng light ang tema. Movie pa namin ni Kristine yung mga light-light na ginawa ko. Ngayon na lang uli, so I'm excited.

"Ako naman, napanood ko na si KC, yung movie nila ni Richard [Gutierrez] and ang galing niya, ang cute! Cute naman talaga siya as an actress. To be honest, yun pa lang ang napanood ko sa kanya. Pero marami siyang ibang ginagawa bukod sa pagiging artista niya na hinahangaan ko, tulad ng pagtulong niya sa kapwa."

Hindi pa man nasisimulan ang shooting ng kanilang pelikula, marami na ang humuhula na habang ginagawa ang movie ay posibleng mahulog ang loob at ligawan ni Jericho si KC, lalo't aminado ang aktor na matagal na niyang crush ang singer-actress.

"Crush-crush lang naman yun," nakangiting sabi ni Echo. "Ako kasi, I promised to myself na hindi ako manliligaw ng leading lady ko... Sabagay, depende naman yun. Pero ako kasi, gusto kong isipin na kaya kong makipagtrabaho sa mga babae na hindi na kinakailangang ma-in love ka. Kahit sabihin mong light-light movie lang 'yan, it's still work, trabaho pa rin yun. Best thing is to be able to work na hindi mo pinepersonal ang trabaho mo. Yun ang challenge dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't want to play around with emotions, with feelings of people. I realized, instead of investing personal feelings, invest on your craft, on your work, on friendship. For me to be a friend, for us to be friends, siyempre respeto sa co-actor mo. Hindi tayo pinagtatagpo dito para magligawan, pinagtatagpo tayo para mag-work.

"Kung mayroon man akong gustong personalin, yun ay yung opportunity na puwede akong maging kaibigan sa mga co-actors ko, but not personal intentions. And I'm sure me and KC wil have fun doing this movie," sabi ni Echo.

Makakasama rin nina Echo at KC sa pelikula nila ang ama ng huli na si Gabby Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN