Aljur Abrenica takes inspiration from negative reports

IMAGE 0


"May nagsulat nga na maghubad na lang daw ako kasi iyon lang naman daw ang puhunan ko sa showbiz. Masakit iyon para sa akin na nagsusumikap na maging maayos at maganda ang arte ko sa show. [Pero] iniisip ko, kaya ako napipintasan kasi pinapanood ako ng taong ito. Inaabangan niya lahat ng mga kilos ko sa show. Imbes na mapikon ako, paghuhusayan ko na lang," is the young actor's noble reaction.


Masayang-masaya ang Starstruck Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica dahil sa magandang ratings na nakukuha ng pinabibidahang GMA-7 telefantasiya nila ni Kris Bernal na The Last Prince.

"Unang-una, nagpapasalamat kami sa Diyos kasi Siya naman ang may dahilan ng mga nangyayaring ito sa career namin ni Kris. Lagi naming pinagdarasal na maging successful ang The Last Prince tulad ng mga nauna naming soap dramas na Dapat Ka Bang Mahalin at All My Life.

"Kaya noong ipakita sa amin ang mga ratings, talagang natuwa kami ni Kris. Kumbaga, lahat ng efforts namin para sa show ay may magandang results.

"Pangalawa ay gusto naming magpasalamat sa mga fans na patuloy na nag-aabangan at nagtatanong kung ano na ba ang mangyayari sa love story nila Almiro at Lara? Lagi naman naming sinasabi na abangan lang nila mula Lunes hanggang Biyernes ang The Last Prince kasi malaking sorpresa parati ang mga eksena sa series namin.

"At pangatlo, maraming salamat sa GMA-7 dahil pinagkatiwala sa amin ang project na ito. Alam namin ni Kris na kung may positive feebacks, may negative din. Tinatanggap namin lahat iyon kasi iyon ang magpapalakas pa ng loob namin na ipagpatuloy ang trabahong ito. Kaya good or bad, nagpapasalamat pa rin kami."

INSPIRATION FROM CRITICISM. Inaamin ni Aljur na naaapektuhan pa rin siya kung di maganda ang nasusulat tungkol sa performance niya sa The Last Prince. Pero nginingitian na lang daw niya ito at ginagamit ang lahat para paghusayin pa ang pag-arte niya.

"Tao lang naman tayo na nasasaktan sa mga nababasa kong hindi maganda. May nagsulat nga na maghubad na lang daw ako kasi iyon lang naman daw ang puhunan ko sa showbiz. So masakit iyon para sa akin na nagsusumikap na maging maayos at maganda ang iarte ko sa show namin.

"Pero para sa akin, okey lang. Iniisip ko, kaya ako napipintasan kasi pinapanood ako ng taong ito. Inaabangan niya lahat ng mga kilos ko sa show. In a way, pinapanood niya ang show namin talaga. Kaya imbes na mapikon ako, paghuhusayan ko na lang," ngiti ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW HUNK IN TOWN. Ngayon nga ay hindi lang si Aljur ang matatawag na hunk sa The Last Prince dahil pumasok na sa cast ang Japanese-Brazilian model na si Daniel Matsunaga. Gumaganap si Daniel bilang si Prince Nicolai na nagiging isang mabangis na werewolf.

Wala raw maipipintas si Aljur sa bagong cast member.

"Okey si Daniel. Akala ko noong una baka suplado o mahirap katrabaho kasi nga foreigner na at modelo pa. Pero mabait siya. Naalala pa niya ako noong rumampa kami sa Cosmo Bachelor Party last year. Kaya doon pa lang, alam mong mabait na siya kasi siya pa ang nauunang bumati sa amin...

"Marami kaming gagawing mga big scenes kasi nga makakaagaw ko siya kay Lara. Tapos may kakaiba pa siyang powers kasi nga nagiging isang werewolf siya. So doon kami magkakaroon ng matinding confrontation na malapit na naming kunan."

Naikuwento ni Aljur na kinulit-kulit nga raw siya ni Kris na ipakilala siya kay Daniel noong Cosmo Bachelor Party. Kaso di siya napagbigyan ng ka-love team.

"E, doon ko lang nakilala yung tao at hindi naman kami nagkausap nang matagal. Kaya parang nakakahiyang ipakilala siya, di ba?

"'Tsaka tinanong ko siya kung bakit si Daniel ang hinahanap niya, e, nandoon naman ako? Natawa lang siya at sinabing naguwapuhan daw kasi siya kay Daniel talaga. Pero bumawi naman siya kasi guwapo rin daw ako! May daw pa, di ba?" sabay tawa pa ni Aljur.

STILL THE PRINCE FOR KRIS. Hindi itinago ni Aljur na nakaramdam din siya ng konting insecurity sa pagpasok ni Daniel sa The Last Prince. Kasi nga, kilalang commercial model si Daniel at kakaiba ang kaguwapuhan nito.

"Sa totoo lang naman, guwapo talaga siya. Iba ang dating, e. Lahat ng mga babaeng makakita sa kanya, napapatitig talaga. Tapos palangiti pa siya at madaling lapitan. Mabait talaga at enjoy sa ginagawa niya sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, si Kris, madalas kong mahuling nakatitig kay Daniel. E, tao lang naman tayo para makaramdam ng insecurity, di ba? Siyempre, ibang klase ang pumasok, e. Parang nanliit tuloy ako kasi yung attention kay Daniel, malakas talaga.

"Pero noong makausap ko na si Daniel, wala naman pala ako dapat na ika-insecure kasi mabait at marunong makisama. Kaya magkaibigan na kami ngayon. Sabi nga ni Kris sa akin na kahit na sinong modelong malaprinsipe pa ang ilagay nila sa show, ako pa rin daw ang kanyang last prince."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN