Dingdong Dantes on whether relationship with Marian Rivera will last: "I sincerely hope so."

IMAGE 0


YES! Magazine's long feature on Dingdong Dantes and Marian Rivera only served to whet their fans' appetite for even more details on their relationship. Dong says they just have to read between the lines.


Sa mahabang feature sa February issue ng YES! Magazine, bagama't napakarami na ngang nai-share sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, mapapansing wala pa ring tahasang pag-amin na, "Yes, kami na nga," o, "Yes... sa ganitong date kami naging..."

Sa panayam ng Startalk kay Dingdong kahapon, January 30, sinabi nito kung bakit wala pa rin silang "literal" na pag-amin.

Aniya, "Ganun, e... ayaw naman naming diretsong sagutin. Mas malaman naman kung sagutin naman ang mga tanong na may laman din kesa sa yes or no lang. Ako, mas gusto ko na ganun. That's why yung YES! Magazineinterview was fun. Kumbaga, it was very candid and at the same time... sinagot lang namin ang mga itinanong sa amin."

STILL WRAPPED IN MYSTERY. Kung inaasahan ng mga mambabasa na ikukuwento ng dalawa ang naging ligawan nila, patuloy pa rin itong nababalot sa misteryo.

"Kung ano yung nandun... more or less, yun ang key points or balangkas ng pagsasama namin. So, you can read between the lines. Pero basically, yun ang mga key elements."

Pero kung may nakakaintriga man daw sa YES! interview, ito ay ang pagsabi nila na kapwa ayaw nilang pinag-uusapan ang kanilang nakaraan.

"Siyempre, kung anuman ang nangyari in the past, different experience yun. Kung anuman ngayon, it's a much different now. And siguro, much better, much better siguro."

Anuman ang meron sa kanila ni Marian ngayon, ito na nga ba ang pinakaseryoso niyang relasyon?

"As individual, I would say, yes..." sabi ni Dingdong.

Sa tanong naman kung tipong forever na ito, nakangiting sinagot ni Dingdong ng, "I sincerely hope so."

DIVINE DIVA DITCHES INTERVIEW? Kamakailan ay naging usap-usapan ang biglang pagtalikod daw ni Zsa Zsa Padilla nang tanungin siya tungkol kay Dingdong, ang dating boyfriend ng anak na si Karylle.

Sa umpisa ay isang nakangiting, "No comment," ang ibinigay ng binata nang hingan siya ng reaction tungkol sa gesture daw ng Divine Diva, pero sa huli ay sinabi niya, "Well, matagal na yun, e. As much as possible, I really don't want to talk about it. Let's get it straight, when we parted ways, tapos na lahat. So, it ended there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyang liwanag naman ni Zsa Zsa ang insidente sa Startalk.

"Hindi... hindi ako tumalikod," sabi ng singer. "Pumaharap paganun, um-exit lang ako, kasi hindi ko talaga alam na ini-address ang question para sa akin. Kapag Dingdong ang pinag-usapan, alam ko na para kay Karylle yung question. Yun pala, para sa akin.

"Kaya nga ano, actually, nagpa-interview ako ulit nun and ano, alam na ni Dong yun... siguro nakarating na sa kanya."

Pahayag pa niya, "Matagal na naman yun. Two years ago. Karylle is very, very intelligent and she has handled things very intelligently."

Sumang-ayon siya sa pinaabot ng Startalk na sinabi daw ni Dingdong na puwede silang maging friends ni Karylle, hindi pa nga lang siguro sa ngayon.

"Oo... naiintindihan ko yun," sabi ng ina ni Karylle. "Siyempre, hindi mo na maibabalik yung dati, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN