Pauleen Luna is happy that former Marina co-star Claudine Barretto is now a Kapuso

IMAGE 0


"Sa akin naman, nothing personal, it's a career move. Kung saan tayo aasenso, dun tayo. Not because you're ungrateful. You do it naman in a proper way, you talk to the person, hindi naman yung sisirain mo yung kontrata at bigla ka na lang magpapa-pirate, it's not that. I think there's always the right way of doing things. Kapag nagawa nang maayos, e, di okay," says Pauleen Luna about shifting to another network.


Noong nasa ABS-CBN pa si Pauleen Luna ay nakasama siya sa fantaseryeng Marina na pinagbidahan ni Claudine Barretto. Ngayon, pareho na silang Kapuso dahil pumirma na ng kontrata sa GMA-7 si Claudine.

Sa taping ng Ikaw Sana sa Subic ay hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Pauleen tungkol sa paglipat ni Claudine sa GMA-7.

"Nakakatuwa kasi she mentioned me pa nung Sunday [January 24] sa SOP. Kasi tinanong siya kung sino ang mga gusto niyang makasama, minention niya ako. And then naka-Blackberry ako tapos magka-BBm kami tapos nagsulat ako ng status. Sabi ko, 'On my way to taping.' Tapos, sumagot siya. Sabi niya 'Make good on the taping, we love you!'" kuwento ni Pauleen.

Magkakasama ba sila ni Claudine sa isang project?

"Hindi ko pa kasi alam, e. But that would be really nice and si Kuya Raymart [Santiago, Claudine's husband] pa is my cousin, so masaya yun. Marina pa lang yung project na pinagsamahan namin, pero naging sobrang close kami noon kasi 14 lang ako noon, so baby niya ako."

Isa si Pauleen sa mga nagulat nang lumipat si Claudine sa Siete. Hindi naman kasi kaila na isa sa pinakamalaking bituin ng Kapamilya network noon ang aktres.

"Oo naman, sobra!" bulalas ni Pauleen. "I'm happy na kasama na namin siya, mabait si Ate Clau."

Ano naman ang masasabi ni Pauleen sa isyu ng lipatan ng networks ng mga artista?

"Ako din naman lumipat din ako," paalala ni Pauleen. "Sa akin naman, nothing personal, it's a career move. Kung saan tayo aasenso, dun tayo. Not because you're ungrateful. You do it naman in a proper way, you talk to the person, hindi naman yung sisirain mo yung kontrata at bigla ka na lang magpapa-pirate, it's not that. I think there's always the right way of doing things. Kapag nagawa nang maayos, e, di okay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IKAW SANA FINALE. Sa pagtatapos ng Ikaw Sana sa Biyernes, February 5, kahit anong pilit ay ayaw i-reveal ni Pauleen ang magiging ending ng drama show nila nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, at kung ano ang kahihinatnan ng karakter niyang si Sofia.

"You have to watch it kasi maganda yung ending. I don't want to spoil it. Whatever she gets, she deserves it," sabi niya.

Paano kung kontrabida ulit ang ibigay sa kanyang role sa next project niya?

"I'm really not picky with roles. Ayokong magpahinga nang walang trabaho. Honestly, I don't mind just as long as may trabaho, ayoko kasing nababakante."

Kinagat nang husto ng mga manonood ang tandem nina Jennylyn at Pauleen bilang bida at kontrabida sa Ikaw Sana. Ano ang masasabi ni Pauleen dito?

"I honestly believe because we're good friends, nakikita yun sa TV kasi hindi ka naiilang umarte with the person. Tapos like kapag intense yung scenes, like sampalan, you're open to the person kung papano mo gagawin. Unlike kapag hindi mo ka-close or hindi mo kakilala, maghe-hesitate kang sampalin kasi baka sabihin niya namemersonal ka. But because we're friends, we both understand, we're honest to each other and I honestly believe na nakikita yun sa TV."

NOT OPEN TO SUITORS. Malapit na ang eleksiyon. Kinausap na ba siya ng ex-boyfriend niyang si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian para sa kampanya?

"Hindi. If ever, tutulong ako," sabi ni Pauleen.

Biro pa niya, "Hindi ko alam kay Nanay Lolit [Solis, her manager] kung sisingil ako ng mahal. Siya ang tanungin natin diyan."

Wala raw manliligaw ngayon si Pauleen.

"I'm not open to it. I don't think of it that way, kasi I'm not open to it. Hindi ka naman maliligawan kung hindi ka magpapaligaw."

Kailan siya ulit magiging ready na magka-boyfriend?

"Hindi ko alam. Alangan namang sabihin ko bukas ready na ako? Siguro I haven't met the guy who would make me pakilig, pero wala. I don't even go out, wala, trabaho-bahay lang talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Valentine's Day, mga kaibigan daw ang ka-date ni Pauleen.

"Ako, I'm very content with what I have right now. I'm always with my friends, yun lang. When I don't have work, I watch movies or stay at home or make my friends come over."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN