Daiana Menezes laughs off pregnancy and lesbian rumors

IMAGE 0


"I was never in the hospital. Walang ganun... imposible! Tsismis lang yun, siguro excuse lang yun or imbento for something else. Wala, I haven't been sick for the longest time. Tsismis lang yun. Tsaka wala namang chance for me to get buntis kasi single ako," says Brazilian Daiana Menezes about the rumor that she is pregnant.


Nanlaki ang mga mata ni Daiana Menezes sa pagkagulat nang banggitin namin na may intrigang buntis siya at nagpa-check-up daw sa doktor.

"Ano? May balita bang ganun?" nagtatakang tanong ng Brazilian model-TV personality. "I was never in the hospital. Walang ganun... imposible! Tsismis lang yun, siguro excuse lang yun or imbento for something else. Wala, I haven't been sick for the longest time. Tsismis lang yun. Tsaka wala namang chance for me to get buntis kasi single ako."

Ang isa pang intriga kay Daiana ay tomboy raw siya kaya bihirang makipagrelasyon sa lalake.

"Lesbian ba ako? Wait lang... mukha ba akong tomboy? Sa tingin ninyo sa akin, sa hitsura kong ito, mukha ba akong tomboy?" natatawa niyang sabi.

CARL & SHIVAKER. Ayon pa kay Daiana, marami na raw siyang binasted na lalake mula noong dumating siya sa Pilipinas hanggang ngayon.

"Okay, let's put it this way, ha, di ba, some girls they are not malandi? And I think I fit in that role na it took me two years before I had my first boyfriend here. And you can see na wala namang intriga sa akin before tungkol sa mga guys. Wala namang nabalita na nanligaw sa akin, but then I don't entertain kasi wala... that's not my personality talaga. I don't wanna entertain until nakilala ko si Carlo."

Ang Carlo na tinutukoy ni Daiana ay ang Be Bench winner na si Carlo Guevarra, na ngayon ay kilala na sa pangalang Carl.

Break na sina Daiana at Carl at ngayon naman ay inili-link ang Brazilian beauty sa DJ na si Sam YG, o mas kilala bilang Shivaker. Marami ang nagsasabing if ever maging sila ni Shivaker, okay lang dahil bagay sila. Ano ang masasabi ni Daiana rito?

"Kayo ang makakapagsabi kung sino ang mas bagay sa akin," sabi niya. "I'm still getting to know Shivaker so I cannot say anything about that. I just enjoy my friendship with him and if ever something will turn out, okay lang... I call him Sam and amigo because he's my friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PINOY VS. BRAZILIAN. Isiniwalat din ni Daiana na hindi siya mahilig sa Brazilian guys.

"Hindi ko tipo Brazilian, e. Gusto ko Pilipino, e."

Bakit ayaw niya ng mga Brazilian na pagkaguguwapo tulad nina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga na pinasok na rin ang pag-arte via The Last Prince?

"Wala, para maiba," sagot ni Daiana. "I mean, galing na ako sa Brazil, puro Brazilian ang nakikita ko. Parang I'm here, so might as well Pilipino ang piliin ko."

Hindi ba't Indian si Shivaker?

"Pero he was born here," paglilinaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN