Dolphy signs non-exclusive contract with TV5

IMAGE 0


Joining Dolphy during the contract signing were the network's Chairman Manny V. Pangilinan (right) and President and Chief Executive Officer Ray C. Espinosa (left).


Kumpirmado na ang paglipat ng Comedy King na si Dolphy sa bakuran ng mas pinalakas na TV5, na ngayon ay pinamumunuan na ng multimedia mogul na si Manny V. Pangilinan.

Pumirma na ang Comedy King ng non-exclusive contract sa TV5 kamakailan para sa isang show na magsisimulang umere sa April ngayong taon. Actually, isa lamang si Mang Dolphy sa maraming showbiz personalities na umanib na sa "trendsetting network" na ito.

Ayon sa TV5, patuloy ang pag-offer nila ng "innovative new program concepts" sa mga celebrity bilang bahagi ng pagsisimula ng mas exciting na "three-way free-TV arena."

Bago nagdesisyong pumirma ng non-exclusive contract si Mang Dolphy sa TV5 ay naging identified siya sa ABS-CBN, kung saan ginawa niya ang mga comedy shows na Home Along Da Riles, Home Along Da Airport, Quizon Avenue, at John En Shirley.

Last year ay nagkaroon ng special guest appearance ang Comedy King sa primetime series na May Bukas Pa. Nabalita rin noon na may gagawin siyang teleserye, ang Utoy, kung saan makakasama niya ang child star na si Makisig Morales, pero wala nang balita tungkol dito.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay isa-isa nang ihahayag ang mga pangalan ng iba pang mga artista na pumirma na ng kontrata sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN