Toni Gonzaga takes a breather from hosting PBB to stage two-night concert

IMAGE 0


"Na-realize ko, kung mabibigyan ako ng opportunity sa industriya, ayoko ng isang bagay lang ang nagagawa ko. Dapat, kaya kong gawin lahat para hindi basta-basta masayang ang pagtitiwala sa akin ng network at ng mga taong nagtitiwala sa akin. Para naman may lagi silang nilu-look forward," says Toni Gonzaga.


Biro ni Toni Gonzaga sa mga entertainment press na dumalo sa launch ng kanyang two-night post-Valentine concert, "effort" talaga ang ginawang pag-iisip ng ASAP Concert sa magiging title ng kanyang solo concert—Love is Toni Gonzaga.

"Actually, 'yan ang title ng album ko, so talagang pinag-isipang mabuti!" tawa ni Toni. "Pero siyempre, kapag umaawit ka naman talaga, talagang ibinibigay mo naman ang puso mo sa mga awitin. Para naman ma-in love sila [audience] at ma-inspire sa mga awitin.

Ayon pa kay Toni, parang breather na rin daw sa kanya ang kanyang two-night concert pagkatapos ng araw-araw niyang paghu-host ng Pinoy Big Brother Double Up, na magtatapos na sa mismong Valentine's Day, Feb. 14. This time, balik naman siya sa pagkanta since last year pa ang huling concert niya sa Aliw Theater.

Gaganapin ang Love Is Toni Gonzaga on February 26 and 27 sa Music Museum.

GIVING GIFTS. Speaking of Valentine's, may plano na ba sila ng boyfriend niyang si Paul Soriano to celebrate this special day?

"Ang Valentine's Day, nasa PBB ako. Big Night ng PBB is February 13, tapos 14, merong something pa. Marami pa akong spiels. Pero siyempre, hindi ko alam kung ano mangyayari," sabi niya.

Nang madako ang usapan tungkol sa mga regalo, tinanong ni Toni kung nagbibigay ba ng gift ang babae kapag Valentine's.

Hindi ba siya nagbibigay?

"Parang hindi!" natatawa niyang sagot.

Noong birthday naman daw niya last January 20, niregaluhan siya ni Direk Paul ng Christian Louboutin shoes. At siya naman, niregaluhan niya ang sarili niya ng lote.

MOVIE WITH ROBIN. Bago ang concert ni Toni, posible raw na simulan na niya ang bagong movie niya under Star Cinema. Ito yung pagtatambalan nila ni Robin Padilla.

"Ang target shooting namin, February 20," banggit ni Toni. "Kapag natuloy yun, go! Kapag hindi, e, titingnan natin...it depends. Ang alam ko lang, hindi pa puwede habang nagpi-PBB."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "May istorya na, kakabasa ko lang sa bahay. Actually, ni-relay lang sa amin kung gusto namin. Ako, okey ako. So, titingnan natin."

Wala pang title ang pelikula nila ni Robin at hindi pa rin niya puwedeng i-reveal kung ano ang magiging role niya.

Excited na ba siya sa pelikula nila ni Robin?

"Oo siyempre," sagot ni Toni. "Pangarap naman ng lahat ng artista na makatrabaho ang magagaling sa industriya."

Natawa naman ang TV host-actress-singer when asked kung bakit tila wala siyang ganang gumawa ng mga teleserye.

"Me ganun?" sabi niya. "Hindi...wala, depende kasi 'yan sa schedule at saka kung anong show na ibibigay sa akin. So far, PBB ang naka-assign sa akin."

Para kay Toni, ang Pinoy Big Brother ang isang show na espesyal talaga para sa kanya. May nag-comment nga during the press conference na PBB will never be the same kapag nawala rito si Toni.

ULTIMATE MULTIMEDIA STAR. Isa si Toni sa iilang celebrities na nag-e-excel sa hosting, singing, acting, at maging sa dancing. Kaya naman hindi kataka-takang bansagan siya bilang "Ultimate Multimedia Star." Pero ano na lang ba ang hindi niya kayang gawin?

"Kumain ng apoy, tumulay sa alambre!" biro niya.

Patuloy niya sa seryosong tono, "E, kasi, di ba po, kapag nasa industriya ka... Na-realize ko na hindi naman po naging madali sa akin na makapasok sa showbiz. Dinaanan ko lahat—modelling, VTR, kumanta rin ako sa mga lounge.

"So, kumbaga, lahat pinagdaanan ko. So, na-realize ko, kung mabibigyan ako ng opportunity sa industriya, ayoko ng isang bagay lang ang nagagawa ko. Dapat, kaya kong gawin lahat para hindi basta-basta masayang ang pagtitiwala sa akin ng network at ng mga taong nagtitiwala sa akin. Para naman may lagi silang nilu-look forward.

"Like ngayon, after PBB, puwede kong sabihin sa mga sumusuporta sa akin na after PBB, may concert ako ng two days, sana makapanood sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya napapagod?

"Hindi po... hangga't may offer, go!" sambit niya.

OFFER FROM TV5. Balita ngayon ang paglipat ng ilang celebrities sa bakuran ng TV5, na nag-reorganize upang palakasin pang lalo ang kanilang presence sa TV industry. Naitanong tuloy kay Toni kung mananatili siyang Kapamilya sa kabila ng mga balitang ito?

"Ako po, masayang-masaya po ako. I've been a Kapamilya for almost five years," sagot niya.

Marami raw ino-offer-an na mga artista ngayon ang TV5 mula sa ABS-CBN at GMA-7. Sa kanya ba ay may offer din?

"E, nandun na ang kapatid ko, si Alex [Gonzaga]. Pero dati, merong offer na show... Nandun na ang kapatid ko, sa kanya na ang TV 5. At saka, marami pang season ang PBB. Sayang naman kung iiwan ko. E, favorite ko ang show na yun," nakangiting sabi ni Toni.

Bago napunta si Toni sa ABS-CBN ay nanggaling muna siya sa GMA-7. Sa palagay ni Toni, does loyalty to a network still prevail?

"I think, loyalty po in this business, it's something na talagang importante," sagot niya. "But when it comes to your personal development... Siyempre ang loyalty po talaga, nasa immediate family ko. Nasa magulang ko. Nasa kapatid ko. Kasi kung tutuusin, nandito naman po talaga tayo para i-fulfill ang mga pangarap natin. Basta walang natatapakan at alam mo sa sarili mo na gusto mo lang maabot ang mga parangap mo."

Kaugnay nito, nabanggit ni Toni na okey na sila ng dating kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon. Matatandaang nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa nang lumipat si Toni sa ABS-CBN.

"Okey na po kami. Pinadalhan pa nga po ako ng card ni Tito Joey noong birthday ko," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN