Pacquiao impersonator Pooh keeps hands off the boxer's personal issues

IMAGE 0


"Hindi ko alam ang bawat personalidad ng bawat isa sa kanila. Magkakakilala lang kami. May utang na loob lang ako sa kanila. Pero personal life, hindi ko sila ganun kaano... So, hindi ko rin sila masasagot," says Pooh when asked about the Manny Pacquiao-Krista Ranillo rumored affair.


Gusto raw imbitahan ng stand-up comedian na si Pooh ang sexy star na si Krista Ranillo na manood ng kanyang two-night concert na My Poohlish Heart sa Music Museum on February 19 and 20. Si Pooh ay kilalang impersonator ni Manny Pacquiao, na nali-link pa rin hanggang ngayon kay Krista.

Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pooh kung kaninong team ba siya—Team Jinkee o Team Krista—ito ang mabilis niyang sagot: "Siyempre dito ako kay Jinkee. Siyempre, the one and only, siyempre si BB!"

Kung meron siyang ibibigay na advice kay Manny sa isyu ng pagkaka-link nito kay Krista, ano yun?

"Kung wala namang katotohanan yun, manahimik na lang ang both kampo. Kasi, the more na may mga sumasagot, the more na sasabihing totoo," sabi niya.

Siya ba, bilang kilalang impersonator ni Pacquiao, ano ang paniniwala niya sa isyung ito?

"Personally? Hindi ko kasi sila nakikilala ng ganun ka-bonding, so hindi ko alam ang bawat personalidad ng bawat isa sa kanila. Magkakakilala lang kami. May utang na loob lang ako sa kanila. Pero personal life, hindi ko sila ganun kaano... So, hindi ko rin sila masasagot. Kung aamin ako para sa kanila, unfair for Krista. Kung aamin ako for Krista, unfair para kay Manny," paliwanag ni Pooh.

Papayuhan ba niya si Manny kung may bahid nga ng katotohanan ang isyu sa kanila ni Krista na itigil na nito anumang ugnayan meron sila ng sexy star?

"Alam mo, bilang tao, siguro may karapatan din ako na para sa akin," sabi niya. "Bawat isa naman sa atin may itinatagong baho. Para sa akin, okey lang sa akin. Kasi ako, may itinatago rin akong baho. Hindi naman ako malinis.

"E, sa mga lalake minsan, given na yun. Nagkataon lang na kilala tayo. At si Manny, sa kanya na yun. Sarili na niya ang magko-control. At saka nand'yan si Jinkee para mag-support."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POOH VS. VICE. Ayaw namang patulan ni Pooh ang isyung kesyo nasasapawan na raw siya ni Vice Ganda dahil sa tagumpay ng Showtime, kung saan resident judge ang huli. Si Pooh ay regular namang napapanood sa gag show na Banana Split. Parehong napapanood sa ABS-CBN ang Showtime at Banana Split.

"Naku, 'yang mga sapaw-sapaw na 'yan, hindi!" bulalas niya. "Wala namang ano sa sapaw na 'yan. Nagkataong yung show na yun [Showtime], para sa kanya talaga. Yung ginagawa namin sa sing-along, nailabas na namin ngayon. Nakakatawa pala siya at tanggap pala ng tao. Yun nga ang maganda dun, siya ang nagpatunay na hindi pang-comedy bar lang. Pero yung sapaw, hindi. Naging instrumento siya na, 'Ay, puwede pala!'"

Wala siyang kaba?

"Wala... kung wala siguro akong project!" tawa ni Pooh.

Pero sino sa tingin niya ang mas magaling sa kanilang dalawa ni Vice?

"May kanya-kanya. Kagaya nga ng sinabi ko, si Vice, magaling 'yan sa mga impromptu. Ako naman, pinag-aaralan ko pa. Kasi, mahilig ako sa mga skit. Sa impromptu, inaaral ko pa," sabi niya.

Kung si Vice magaling sa impromptu, saan naman siya magaling?

"Naku, napakaraming bagay!" sagot ni Pooh.

Tulad ng?

"Car wash!" biro niya. "Sa mga skits, masasabi ko na confident ako na gawin yun like mga spoof, magagandang material, bigyan lang ako ng time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN