Chokoleit fuming mad over report that he's taking illegal drugs

IMAGE 0


"Bakit niya nasabing nagda-drugs ako? Parang alam na alam niya, huh! Ang source ba ng kuwento niya, e, yung kinukuhanan ko ng drugs? O baka naman pareho kami ng kinukuhanan at nagda-drugs din siya?" says Chokoleit about the writer who said that he is using illegal drugs.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang komedyanteng si Chokoleit kahapon, February 3, sa post-birthday celebration ng aktor na si Piolo Pascual sa CCP Bay Complex Terminal sa Roxas Blvd., Manila. Si Chokoleit ang nagsilbing host ng programa.

Nagpupuyos sa galit si Chokoleit dahil sa lumabas sa isang pahayagan na diumano'y gumagamit ulit siya ng drugs.

"Kung sino man yung nagsulat na yun, gusto ko siyang makilala," sabi niya. "At patunayan niya sa harapan ko na totoo yung isinulat niya. Ang dali-daling sabihin na nagda-drugs. Baka siya ang nagda-drugs kasi kung anu-ano ang nasa isip niya? E, kung sabihin ko sa kanya, kung mapapatunayan ko na hindi ako nagda-drugs at mapatunayan mo na nagda-drugs ako, ano ang puwedeng nating gawin sa isa't isa?

"Bakit niya nasabing nagda-drugs ako? Parang alam na alam niya, huh! Ang source ba ng kuwento niya, e, yung kinukuhanan ko ng drugs? O baka naman pareho kami ng kinukuhanan at nagda-drugs din siya? Alam ninyo yung ganoon?" naiiritang saad ni Chokoleit.

Ang nakababatang kapatid daw na babae ni Chokoleit ang nagparating sa kanya ng lumabas sa pahayagan na nagda-drugs daw siya.

"May nag-text kasi sa sister ko na nakabasa na gumagamit daw ako ng drugs. Apektado siyempre yung kapatid ko, di ba? Para sa akin, the moment na involved na ang family ko, nagre-react sila, doon ako mas naaapektuhan. Kung ako lang, dyusko, I've been through a lot. The most painful thing na nawalan ka ng ina, napagdaanan ko na. 'Yan pa ba ang inaaano ko?

"Ako, I respect a lot naman yung mga reporters. Alam ko naman na gusto nilang makuha yung interest ng readers nila. Kaya hangga't maaari, gusto nila talagang maganda at catchy yung headlines nila. Pero the way you present it, na para bang kino-conclude mo agad, aba teka! NBI [National Bureau of Investigation] ka ba? PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency] ka ba? Ba't agad-agad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana hinantay niya [writer] muna na may manifestation ako tulad ng natsitsismis na, 'Uy, nakikitang nagsusugal, nangungutang, namemerhuwisyo, nangmomolestiya, kung saan-saan nakikita, nagwawala... Naku, sana i-research kung anong klaseng pamumuhay meron ako. Kung gaano kasimple lang ako.

"Ang sabi pa, dahil nawawala ako sa sirkulasyon, wala raw akong trabaho kaya nagda-drugs na lang ako. Kung sakaling wala nga akong trabaho, sa tingin ninyo, magda-drugs pa ako? Ang mahal ng drugs, huh! E, saan ako kukuha ng ipambibili nun?

"At gusto ko lang sabihin sa nagsulat na marami pa rin akong trabaho. Semi-regular ako sa Sharon at may mga movie at indie akong ginagawa ngayon. Doon sa indie, kasama ko si Fanny Serrano at ang ganda ng role ko," sunud-sunod na litanya ni Chokoleit.

Aminado naman si Chokoleit na noon ay nasubukan niyang gumamit ng drugs. Pero ngayon ay talagang tinalikuran na raw niya ang masamang bisyong ito.

"That was 15 years ago. Noong nasa Men at Work [comedy bar] pa ako. Pero ngayon, never na akong gumamit talaga ng drugs. Tapos itsitsismis pa ako ng ganoon? Dyusko, ang baduy!" sabi niya.

Isa pang nilinaw ni Chocoliet ang tungkol sa sinasabing mahirap na raw siyang kausap ngayon pagdating sa mga shows. At mataas na rin daw masyado ang hinihingi niyang talent fee.

"Naniniwala naman ako na hindi lahat pera-pera. Yung mga taong mga nakatulong sa akin, hindi mo ako kakausapin ng magkano. 'Kelan ba yun? Sige, dali!' Ganoon ako sa kanila, e. Kumbaga, binabalik ko yun sa mga taong alam kong nakita rin naman kung paano akong nagsimula. Ang nakakasama ng loob, itong mga taong hindi naman ako kilala nang husto. Kung ano yung pinagmulan kong ka-cheapan...Napakalumang isyu!" saad niya.

VICE GANDA. Nagsimula si Chokoleit bilang isang stand-up comedian. Naunang sumikat si Chokoleit, pero ngayon ay mas sikat na ang kasamahan niya sa Punchline na si Vice Ganda kesa kanya. Ano ang masasabi ni Chokoleit tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman na itatanong ninyo 'yan sa akin, e," pauna niya. "May kuwento lang ako. May nagsabi kasi sa akin tungkol sa na-headline sa isang diyaryo. Nakalagay doon, 'Vice Ganda mas sikat na kina Pooh at Chokoleit.' Pinatulan ko yun. Sabi ko, 'Puwede nating i-rephrase para objective?' I know tabloids can be objective. Puwedeng ang dapat nakalagay doon, 'Vice Ganda sikat na rin tulad nina Chokoleit at Pooh.'

"Kumbaga, yes, it's his time to shine. Nauna lang kami. Panahon niya ngayon. Kasi right timing, maganda yung material na nabigay sa kanya. Bagay dun yung character niya. Hindi ako naiinggit sa kanya kung sikat na siya ngayon. Bakit naman ako magiging bitter o magiging malungkot? Maiinggit lang siguro ako kung hindi ko naranasan yung nararanasan niya ngayon.

"Mas maganda na rin yung nandiyan na si Vice, sikat na siya para hindi ako maging masyadong kumpiyansa sa sarili ko. Kailangang mas lalo ko pang galingan, kailangan may bago akong ipapakita sa mga tao, ma-reinvent ko yung sarili ko, di ba? Pero gusto ko lang din sabihin na may mga nagagawa naman ako na hindi rin naman kayang gawin ni Vice and vice versa," pahayag ni Chokoleit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN