Jennylyn Mercado says she will not stop her son from seeing his father in the future

IMAGE 0


"Kung gusto niyang makita, siyempre hindi naman natin puwedeng kontrolin yung emosyon ng bata. Hahayaan ko siya. Basta ako, sasabihin ko sa kanya ang lahat ng totoo. Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng totoo, hahayaan ko siyang mag-decide kung ano ang gusto niya," says Jennylyn Mercado when asked if she'll allow her son to see his father, Patrick Garcia, in the future.


During the presscon proper of GMA-7's upcoming afternoon soap Gumapang Ka Sa Lusak yesterday, February 4, may nagtanong sa buong cast kung sakaling may sasabihan sila ng "Gumapang ka sa lusak," sino ito?

Ang leading lady ng naturang Sine Novela na si Jennylyn Mercado ang namukod-tanging may isinagot dito. Aniya, "Kung may sasabihan ako ng gumapang ka sa lusak, siguro alam niyo na kung sino yun."

Kaya itinanong ulit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn nang ma-interview namin siya pagkatapos. Sino ba talaga ang pinapatungkulan niya?

"Hindi, joke lang naman yun, e. Nagbibiro lang naman ako. Tumatawa pa nga ako. Pero, di ba, wala akong sinabing pangalan kung sino? Bahala na silang mag-isip. Hayaan na natin yun, nagbibiro lang ako para masaya lang tayong lahat," paglilinaw ng 22-year-old actress.

PATRICK GARCIA. Dahil buwan ng mga puso ngayong Pebrero, may puwang ba sa puso ni Jennylyn na patawarin na ang mga taong "nagkasala" sa kanya?

"Matagal ko na silang napatawad," sabi ni Jennylyn. "At sa akin, nakalimutan ko na rin kaya kalimutan na rin natin sila. Naka-move on na ako. Yun nga, 2010 na, so wala na dapat balikan pa lalo na yung mga masasamang bagay na hindi na talaga dapat balikan pa."

Dahil sa mga sinabi ni Jen, kaagad din naming isiningit ang tanong kung napatawad na ba niya ang ama ng anak niya na si Patrick Garcia?

"E, ayaw ko na siyang pag-usapan. Kasi tapos na yun, e. Yun na yung mga pangit ko na past, so ngayon naka-move on na tayo," giit niya.

Patuloy pa rin kasing sinasabi ni Patrick na gusto niyang makita si AJ. Ano ang comment niya rito?

"Hayaan mo na siya."

Paano kung sa paglaki ni AJ ay gusto nitong makita si Patrick?

"Hahayaan ko siyang mag-decide," sagot ni Jennylyn. "Kung gusto niyang makita, siyempre hindi naman natin puwedeng kontrolin yung emosyon ng bata. Hahayaan ko siya. Basta ako, sasabihin ko sa kanya ang lahat ng totoo. Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng totoo, hahayaan ko siyang mag-decide kung ano ang gusto niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang kinukuha raw ni Patrick ang number ni Jen para magkaroon sila ng communication. Gaano ito katotoo?

"Naku wala, kasinungalingan naman 'yan!" diretso niyang sabi. "Baka hindi naman sa akin number yung kinukuha. Kasi, e, di sana noon pa. Huwag na natin siya...hayaan na natin siya. Kumbaga, 2010 na, meron na akong sarili kong buhay. Masaya ako, kuntento. Wala na akong hahanapin pa."

MEL PULMANO. Isa pang malapit kay Jennylyn na nagkaproblema siya ay ang dati niyang handler na si Mel Pulmano. Kumusta na ang kasong isinampa niya kontra rito?

"Sa ngayon, hindi pa ako naghi-hearing. Pero continuous pa rin yung kaso, nasa process pa rin. Yung mga lawyers ko, sila yung umaasikaso," banggit niya.

Willing ba siyang patawarin si Mel?

"Well, ako naman kasi, kung magso-sorry sa akin yung tao, kaya ko namang magpatawad, e. Pero wala, e. Paano mo mapapatawad ang isang tao kung hindi naman siya humihingi ng tawad sa iyo?" sabi ni Jennylyn.

Pero kung mag-sorry ba si Mel ay iuurong niya ang kaso?

"Kahit naman iurong ko ang kaso, tatayo siyang mag-isa, e. Kasi meron pang ibang case, e, marami pa. Kahit ako umatras at sasabihin ko pinapatawad ko na. Pero madami pang kaso yung nakatayo at talagang tumatakbo pa kahit wala ako. Wala sa kamay ko ang pagtigil ng mga kaso sa kanya," paliwanag niya.

Naaawa ba siya kay Mel?

"Oo naman," pag-amin ni Jennylyn. "Mahal ko si Tita Mel kasi para ko na siyang nanay-nanayan noon. Siya yung tumatayong second mom ko dahil siya yung nag-aalaga sa akin. Pumupunta siya sa bahay para ipagluto ako. Ganun talaga yung bond namin. Yun nga lang, tao lang din ako, nasaktan ako. Nagalit ako at nawalan din ako ng tiwala. So, may mga consequences na dapat nating harapin pagkatapos ng nangyari."

Nagkausap na ba silang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa kami nagkakausap. Gusto ko siyang makausap. Sana makausap ko siya. Hinihintay ko lang na may dumating sa akin, pasabi na gusto niya akong makausap. Kasi ngayon din naman, pinagbabawalan din ako ng mga lawyers ko. May mga limitations din na kailangan gawin."

RYZA CENON. Ano naman ang pakiramdam na katrabaho niya ngayon sa Gumapang Ka Sa Lusak si Ryza Cenon after nilang magkaroon ng issue noon dahil kay Mark Herras?

"Okay naman kami. Matagal na yun."

Pero nagpapansinan ba sila sa set?

"Oo naman. Kaya lang, hindi pa kami nagkakaeksena," sabi ni Jennylyn.

May lumabas kasing ayaw niya raw makipagtrabaho kay Ryza?

"Ay, wala akong sinasabing ganyan," tanggi niya. "At saka never naman akong namili ng kasama sa work. Wala akong karapatang mamili ng gusto ko at ayaw ko. Ako, nagtatrabaho lang ako kung ano yung ibinibigay sa akin ng GMA."

Bukod kina Jennylyn at Ryza, kasama rin sa Gumapang Ka Sa Lusak sina Dennis Trillo, Sandy Andolong, Al Tantay, Lotlot de Leon, Julio Diaz, Glydel Mercado, Mart Escudero, Vaness del Moral, Prince Stefan, Shaun Rodriguez, Ronnie Lazaro, Luz Valdez, Michael Sandico, at Patricia Ysmael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN