Ryza Cenon will not join the sexy bandwagon just to push her career

IMAGE 0


"Kasi halos lahat ng babae na nandito sa showbiz, 'yan ang iniisip. So, ayokong makisama kasi dadami kami. Sa dami namin, di ba? Ako, hindi talaga. Kung ano ako, yun na lang," explains Ryza Cenon when asked if she has plans of going the sexy route to push her career.


Naging cover girl na ng FHM si LJ Reyes, kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ryza Cenon kung kailan niya gagawin ito. Magka-batch sina Ryza at LJ sa second season ng StarStruck; Ultimate Female Survivor si Ryza at First Princess niya si LJ.

"No! Promise, hindi ko kaya! Siguro hindi pa ako ready talaga. Hindi naman totally no, hindi ko din masasabi, di ba? Siguro pana-panahon lang 'yan. Siguro ngayon, hindi ko pa panahon, 'tsaka hindi ko pa talaga carry," sunud-sunod na sabi ni Ryza nang makausap namin siya sa presscon ng Gumapang Ka Sa Lusak kahapon, February 4.

Pero ayon kay Ryza, nakatanggap na siya ng offer upang maging cover girl ng FHM, pero tinanggihan niya ito dahil hindi pa nga raw siya ready. Kailan niya masasabing ready siya?

"Ewan ko, hindi ko alam," sagot ni Ryza, na 33-25-34 ang vital stats.

Dagdag niya, "Hindi ko carry na magsuot na mga ganun na two-piece... Magpo-pose ako sa FHM, tapos ayoko ng mga damit, so huwag na lang. Gusto ko nasa puso ko yung ginagawa ko, ayoko ng pinipilit ako. Magpo-pose ako, pero hindi ko gusto, parang ang hirap magtrabaho ng ganun."

Sina Katrina Halili, Cristine Reyes, at Iwa Moto ay galing din ng StarStruck at hindi nanalo, pero sumikat dahil napunta sa linya ng pagpapa-sexy. Gagawin ba ni Ryza na magpa-sexy rin para mas umangat ang kanyang career?

"Ayoko!" mabilis niyang tugon. "Kasi halos lahat ng babae na nandito sa showbiz, 'yan ang iniisip. So, ayokong makisama kasi dadami kami. Sa dami namin, di ba? Ako, hindi talaga. Kung ano ako, yun na lang."

NOT IN A HURRY. Naitanong din kay Ryza ang mga kapwa niya winners sa StarStruck na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Inaalagaan ngayon nang husto ng GMA-7 ang naturang loveteam, lalo pa nga't humahataw sa ratings ang fantaserye nilang The Last Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba naiinggit si Ryza sa tagumpay na tintamasa ngayon nina Kris at Aljur?

"Wala naman, hindi kasi ako ganun," sagot niya. "Siyempre, loveteam kasi sila kaya ganun, e. Ang loveteam kasi, patok na patok 'yan sa mga bagets. Kaya hindi ko kukuwestyunin si Kris at kahit sino, kasi sa akin, hindi ako nagmamadali.

"Kung ano yung ibinibigay sa akin, tinatanggap ko lang. Kumbaga, yun yung ibinigay, blessing na yun sa 'yo na may trabaho ka. Ang mahalaga kasi, trabaho, nakakaipon, kesa naman wala," saad niya.

Kaya nga blessing para kay Ryza ang pagkakasali niya sa bagong Sine Novela ng GMA-7 na Gumapang Ka Sa Lusak, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Mapapanood na ito simula sa Lunes, February 8, sa Dramarama sa Hapon.

May chance ba na lumipat si Ryza sa ibang istasyon tulad sa ABS-CBN o TV5, lalo na't uso ang lipatan ngayon?

"Wala," sagot niya. "Kasi natatakot ako. Kasi marami sila dun, maraming kalaban. Feeling ko, hindi ko kaya. Ayoko namang i-risk ko yung career ko dun tapos walang mangyayari. Tapos paglipat ko ulit dito, hindi na ako tatanggapin kasi lumipat na ako sa iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN