Joseph Estrada on Dolphy's endorsement of Manny Villar: "Our friendship is beyond politics."

IMAGE 0


Some of the candidates are getting an edge on exposure by letting their life stories told on TV. Erap (photo) says he wouldn't mind having his bio dramatized as well, but who would portray him? "Si Jinggoy, puwede ba? Kaya lang, mas guwapo ako sa kanya," the former president teased his senator son.


Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang entertainment press na muling makausap ang mag-amang Joseph Estrada at Jinggoy Estrada sa kanilang tanggapan sa San Juan City .

Bagamat ayon sa latest surveys ng Social Weather Stations at Pulse Asia ay wala sa leading position ang dating Pangulong Joseph Estrada sa mga naghahangad maging presidente, nananatiling positibo ang outlook ni Erap.

"Dahil sa kahit saan akong pumuntang probinsiya, napakainit ng salubong sa akin. Hindi naman nagbabago," sabi niya.

"Talagang nandun pa rin ang kanilang pagmamahal sa akin. Mas okey pa nga ngayon, nakakatuwa. Talagang mas intense pa nga ngayon. Parang naawa sila sa akin na nakulong ako ng walang kasalanan.

"Anim na taon akong nililitis, pero, walang napatunayan na si Erap, e nagnakaw," pahayag niya.

TV EXPOSURE A MUST. Hindi naman daw nawawala ang kaba ngayong mas papalapit na ang election.

"I'm not overconfident, I really fight. Palaging hindi ako nagkukumpiyansa at tuloy-tuloy ang aking kampanya."

Naniniwala daw siya sa mga survey results, "pero ang survey, unpredictable pa 'yan. Ang mga tao, hindi pa decided masyado. Puwede pang magpalit, e. Kapag mga one month before, hayan, settled na ang isipan ng tao...

"Number three nga lang ako, but I'm not bothered. Talagang ganun... kapag one month before, hayun, medyo delikado na."

Halos nakakaikot na rin daw siya sa iba't ibang lugar sa bansa. Pero naniniwala si Erap na malaking bagay talaga sa isang kandidato ang mga political ads na napapanood sa telebisyon.

"Wala akong budget sa TV ads, e, hindi ko kaya," pag-amin niya ng nakangiti. "Masyadong mahal, e. Alam niyo naman, nakulong ako ng anim na taon at anim na buwan, wala akong income. Tulong-tulong lang ng mga kaibigan, mga nagdo-donate sa akin.

"Pero siyempre, malaking factor ang tinatawag na electronic campaign. Mahal masyado. Per spot, e, daang libo. Sa ngayon, wala ako ngayon, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na nga natapos ng dating pangulo ang naturang press conference, na dinaluhan din ng kaibigang si Sen. Juan Ponce Enrile, dahil may meeting pa raw siya sa mga dating kaklase na magre-raise ng funds para magkaroon din siya ng TV ads.

DOLPHY'S ENDORSEMENT. Tinanong kay Erap ang saloobin niya tungkol sa pag-e-endorse ng matalik niyang kaibigan sa showbiz na si Dolphy sa kalaban niya sa pulitika na si Manny Villar?

"Alam mo, mahal ko naman si Pidol. Kaibigan natin 'yan. Matagal ko nang kaibigan 'yan. Kasi, trabaho ng mga artista 'yan. Kailangan maghanapbuhay, di ba?...

"Wala naman akong sama ng loob sa kanya. Hindi naman mawawala ang pagiging magkaibigan. Our friendship is beyond politics."

Original kay Erap ang pagsuot ng orange. Pero ito rin daw ang in-adopt na political color ni Sen. Villar. Hindi ba magkakaroon ng confusion sa bagay na ito?

"Noong tumakbo ako ng senator, orange na ang kulay ko. Noong tumakbo ako ng vice president, orange na ang kulay ko. Tumakbo ako ng presidente, orange rin. May history 'yan, e. Gusto kong magkaroon ng unity ang Filipino people dahil kung noong araw, red si Presidente Marcos at yellow naman si Presidente Cory, kapag pinagsama mo, orange. 'Yan ang history niyan. Kaya akin ang kulay na 'yan."

TV BIO FOR CAMPAIGN. Ang ilang kandidato ngayon ay hinahayaang maipalabas sa telebisyon ang kuwento ng buhay nila. Okey rin ba kay Erap na isalin sa telebisyon ang kanyang life story para mas makilala siya ng tao, lalo na ang mga napagdaanan niya?

"Bakit hindi? Pag-aralan natin," sagot ni Erap.

Dugtong pa niya, "Ako lang yata ang presidenteng nakulong. Mas magiging makulay yun."

Kung sakali, sino sa mga artista ngayon ang mapipisil niyang gumanap sa kanya?

"E, hindi ko pa alam... si Jinggoy, puwede ba? Kaya lang, mas guwapo ako sa kanya," pagbibiro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN