Lotlot de Leon believes reconciliation with Pilita Corrales is just a matter of time

IMAGE 0


Lotlot de Leon came back with a fresh outlook on life after meeting her biological father in the States. She's smoothed her relationship with Superstar mom Nora Aunor (bottom inset) and hopes to mend fences as well with former mother-in-law Pilita Corrales (upper inset).


Excited si Lotlot de Leon sa pagbabalikbayan ng kanyang inang si Nora Aunor.

Six months daw na magtatagal ang Superstar sa bansa, at isang malaking concert, pelikula at drama series ang mga pinaplano niyang gawin.

Ayon kay Lotlot, si German "Kuya Germs" Moreno ang punong-abala sa comeback ni Ate Guy.

"Sa kanya rin ako nakikibalita tungkol kay Mama. Siyempre, gusto ko ring ma-involve sa pagbalik ni Mama. Excited kaming lahat na magkakapatid sa pagbalik niya ulit sa ating bansa.

"Alam ko na maraming nakaka-miss kay Mama, kaya maghintay lang sila at malapit na siyang umuwi. Wish nga namin na maging warm ang welcome para kay Mama."

TOUCHING BASE WITH REAL DAD. Kinuwento rin ni Lotlot na patuloy ang communication niya sa kanyang biological father. Tuwang-tuwa siya na pati mga anak niya ay kilala na nito dahil parati raw silang nagtsa-chat sa Internet.

"Gusto rin niyang pumunta dito sa Pilipinas para makilala niya nang husto ang mga apo niya. Pero may family kasi siya roon kaya hindi madaling umalis siya. Naiintindihan ko naman siya. What's important is that magkakilala na kami at pati mga apo niya ay kilala niya," ngiti pa ni Lotlot.

Magmula nang bumalik si Lotlot mula sa kanyang bakasyon sa States ay gumanda na raw ang pananaw niya sa buhay. Kung noon ay parating may lungkot sa kanyang mga mata, ngayon ay maayos na raw ang lahat sa buhay niya.

"Siguro nga napunuan na ang mga kulang sa buhay ko noon. I met my real dad tapos nagkaayos pa kami ni Mama. Parang nagsabay-sabay ang mga magagandang pangyayari.

"Kaya pag-uwi ko nga, iba na ang pakiramdam ko. I've discovered so many things about myself and there are changes na nangyari na. Gusto ko positive na lahat sa buhay ko. Tanggalin na natin ang mga negative, di ba?"

LETTING BYGONES BE BYGONES. Natuto na nga raw si Lotlot na magpatawad at kalimutan na ang mga hindi magagandang pangyayari sa buhay niya. Mas magaan nga raw sa pakiramdam ang wala siyang mabigat na dinadala sa kanyang balikat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, kailangan mag-move on na tayo. Kung may mga hindi magagandang nangyari noon sa akin, hindi ko na siya dala ngayon. I've learned to forgive and, hopefully, forget. Mas maganda iyon talaga."

Kaya tinanong namin si Lotlot kung handa na rin siyang makipagbati sa dati niyang mother-in-law na si Pilita Corrales.

"It's been years since I've seen her, pero kung accidentally magkita kami ni Mamita, babatiin ko naman siya," paniniguro ni Lotlot.

"Matagal naman na yung nangyari sa amin. Past is past naman na. Kaya ko na siyang harapin at kausapin. Kung kami nga ni Monching [ex-husband Ramon Christopher] ay okey na, siguro naman puwede rin kaming maging okey ni Mamita," sabay ngiti pa ni Lotlot.

BACK TO WORK. Ngayon nga ay busy ulit si Lotlot sa paglabas sa TV drama. Gaganap siyang ina ni Jennylyn Mercado sa GMA Sinenovela Presents: Gumapang Ka Sa Lusak.

"Kailangan na nating magtrabaho, di ba? Maraming bayarin at mabawi ko man lang ang naging pamasahe ko noong magbakasyon ako!" tawa pa niya.

"Handa naman ako to work again. Matagal din akong nabakante kasi. The last TV show I did was Kambal sa Uma for ABS-CBN 2. Sa GMA-7 naman, yung Dyesebel. Natuwa naman ako nang bigyan ulit ako ng trabaho ng GMA-7.

"It's nice to be working again at si Direk Maryo J. delos Reyes pa ang director namin. The first time na nakatrabaho si Direk Maryo was in the movie Ibalik ang Suwerti [1981]. Ang bata ko pa noon, di ba?

"Then I worked with him again sa I Love You Mama, I Love You Papa. Tapos yung huli was in Joey Boy Munti. Kaya parang reunion namin ito ni Direk Maryo kasi bata pa ako magkakilala na kami because of my mom."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN