John Lloyd Cruz insists he has nothing to do with the breakup of Shaina Magdayao and John Prats

IMAGE 0


"From my end, as far as I know and as far as I'm concerned, talagang wala po tayong kinalaman. And my being friends, gaya nga ng sinasabi ko, my being friends with Shaina now has nothing to do with their breakup. Alam ni Shaina yun, alam ni John yun," says John Lloyd Cruz about the breakup of Shaina Magdayao and John Prats (inset).


Last Saturday, February 6, ay umalis ang grupo ng pelikulang Miss You Like Crazy ng Star Cinema papuntang Malyasia para mag-shooting ng ilang mahahalagang eksena roon. Kasama siyempre ang mga bida ng movie na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Bago sila sumakay ng eroplano patungong Malaysia, nakapanayam ng The Buzz si John Lloyd at nahingan ng reaction tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Shaina Magdayao at John Prats.

"Kailangan na lang siguro nating irespeto yung naging relasyon nila," sabi ng aktor. "Hindi lang kasi fair para sa kanilang dalawa. Kasi kung ano ang naging problema nila as couple, kailangan nating hayaan yun sa kanilang dalawa kasi kanila yun, e. Hindi natin puwedeng panghimasukan yun."

Pinabulaanan din ni John Lloyd na may kinalaman siya sa naging breakup nina John at Shaina.

Aniya, "From my end, as far as I know and as far as I'm concerned, talagang wala po tayong kinalaman. And my being friends, gaya nga ng sinasabi ko, my being friends with Shaina now has nothing to do with their breakup. Alam ni Shaina yun, alam ni John yun.

"Huwag na sanang i-push pa yung isyu," pahabol pa ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN