Manny Pacquiao threatens legal action to put a stop to gossip

IMAGE 0


The boxer came out swinging on Startalk yesterday, especially when it came to gossip about his wife (left): "Huwag namang ganun na maggawa sila ng sariling kuwento. Na parang manira ng pamilya. Tapos yung asawa ko, nili-link din sa ibang lalaki. Parang they are trying talaga na paghiwalayin kaming dalawa. What kind of people are they? Amazing!"


Finally, sinagot na ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang bagong intriga na naman sa kanila: na diumano'y nagkita sa Los Angeles sina Manny at Krista Ranillo, at bukod pa rito'y sa iisang apartment building na lang sila naninirahan.

Namataan pa daw na magkasama sila sa isang grocery store.

Pinalabas kahapon, February 6, ng Startalk, ang panayam kay Manny na kinuhanan sa training camp niya sa Hollywood. Nasa USA ngayon ang Pambansang Kamao para paghandaan ang laban niya sa Ghanaian na si Joshua Clottey na gaganapin sa March 13 sa Arlington, Texas.

Kung dati-rati'y matipid magbigay ng pahayag si Manny sa anumang may kinalaman kay Krista, sa panayam na ito'y nagpakita na ng disgusto ang boksingero, lalo na sa mga intriga tungkol sa asawang si Jinkee.

FED UP. "Alam mo, sa totoo lang, yung sinasabi nila na nakita kaming nag-dinner, nag-grocery, walang katotohanan yun."

Sabi pa ni Manny, "Hindi ako lumalabas. Palagi ko namang kausap si Jinkee at alam niya kung nasaan ako."

Lalong hindi nagustuhan ni Manny ang mga balitang inili-link si Jinkee kay Derek Ramsey. Bumisita kasi ang aktor sa General Santos at isa raw si Jinkee sa grupo na nag-asikaso sa kanya.

"Huwag namang ganun na maggawa sila ng sariling kuwento, na parang manira ng pamilya," sabi ni Manny. "Tapos yung asawa ko, nili-link din sa ibang lalaki. Parang they are trying talaga na paghiwalayin kaming dalawa. What kind of people are they? Amazing!"

LEGAL ACTION. Dahil sa mga intriga sa kanilang mag-asawa, tila pinag-iisipan na rin ni Manny to take legal action. Hangad lang daw niya na maprotektahan ang kanyang pamilya.

"Kailangan ko ng ebidensiya nila para patunayan nila. Kumbaga sa ano, ikonsulta ko sa abogado ko. Hindi bale na maggastos ako ng pera ko para linawin ang lahat kung totoo ang mga sinasabi. Kailangan nilang patunayan na yung mga akusasyon nila sa akin, e totoo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They are trying to ruin my name. They are trying to... with my family, it's not good for us."

Sa panayam naman ng Startalk kay Jinkee dito sa Pilipinas, sinabi ng misis ni Manny na tila hindi na raw siya naniniwala sa mga recent issues tungkol kay Manny at Krista.

Aniya, "Basta ang pinaniniwalaan ko, siyempre, yung asawa ko."

Sa mga nang-iintriga sa kanila, ang sabi ni Jinkee: "Sana kung may sasabihin sila, yung may ebidensiya. Para at least, hindi makapag-deny kung meron talagang ebidensiya. Pero kung wala, sana hindi na lang din isusulat or hindi na lang magsasalita yung iba."

"TAMA NA." Tungkol naman sa pagli-link sa kanya kay Derek, "Hindi naman kasi totoo. Siyempre, magagalit talaga kapag hindi totoo."

Dugtong pa niya, "I have four children. I have a husband. Bakit pa 'ko sinasali diyan sa mga balita? Kung magkaibigan, e, naging magkaibigan lang naman. Siyempre, kapag bumibista sa GenSan, ine-entertain ko. Pero hanggang dun lang yun...

"Dun sa mga nang-iintriga sa amin, gusto kaming paghiwalayin, tama na. Siyempre, maawa naman kayo sa pamilya ko. Sa pamilya namin. Tutal dati, sinagot na naman naming lahat yun. Tapos naging okey na kami. Tapos ngayon, hindi pa rin kami tinantanan. Sana tulungan na lang kami na maging happy yung aming family. Huwag na lang intrigahin or pag-awayin kaming muli kasi, hindi na yun nakakatulong, e."

Next week ay bibiyahe na si Jinkee patungong States para suportahan si Manny habang nagte-training. Aminado itong miss na miss na niya ang asawa.

"Siyempre, importante sa akin na magkasama kaming dalawa. Mas masarap yung parang every day na gumising ka, kasama mo siya. Kumain ka, kasama mo siya. Nag-uusap kami palagi. Kailangan yung communication talaga, hindi mawala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN