Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca

IMAGE 0


"Ang tawag nga niya sa akin is 'Nanay', dahil nanay niya ako sa Rubi. Kung magkakasama man kami ng gabing 'yon, kasama namin si Cherie [Gil]. 'Saka alam ko ang lovelife ng tao, so please! Nagse-share kami minsan," says Bing Loyzaga about the rumor linking her to Rubi co-star Jake Cuenca.


May lumabas na balita sa isang tabloid na nakita raw si Bing Loyzaga sa nakaraang Latin party ng Rubi na lasing at nagpipilit na magpahatid sa co-star nitong si Jake Cuenca pauwi. Ang report ay nanggaling diumano sa isang e-mail message mula sa nakakita raw ng mga pangyayari. Sa naturang e-mail message ay halatang binibigyan ng malisya ang closeness nina Bing at Jake na gumaganap bilang mag-ina sa Rubi.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bing Loyzaga sa grand presscon ng Rubi kagabi, February 8, sa Eastwood Tent sa Quezon City ay tinanong namin siya agad tungkol sa lumabas na balita sa kanila ni Jake. Mariin naman itong pinabulaanan ng aktres.

"Walang ganyan," nagtataka niyang sabi. "Nagulat ako na may ganyan palang balita. Hinatid ko was Cherie [Gil], yun na yun. May kotse ako and sabay kaming dumating ni Cherie. That party was what, a few days ago. May taping kami the day after at puro trabaho kami. Dyusko, walang ganun! Nag-uumpisa ng career yung bata [Jake], huwag lagyan ng ganun."

Dagdag niya, "To be honest, natatawa ako. Flattered kasi at my age, pero it's so unfair for Jake. It's so unfair for him. Huwag naman sana, ang bait-bait niyang bata."

Para kay Bing, nakakalungkot isipin na nabibigyang malisya ang magandang samahan nila ni Jake.

"Ang nakakalungkot dun is that, hindi ba puwedeng may happy times, na nagsasaya kayo na walang lalabas na ganyang mga isues? Sana huwag namang lagyan ng malisya.

"Ang tawag nga niya [Jake] sa akin is 'Nanay', dahil nanay niya ako sa Rubi. Kung magkakasama man kami ng gabing 'yon, kasama namin si Cherie. 'Saka alam ko ang lovelife ng tao, so please! Nagse-share kami minsan," saad ni Bing.

TWO PRIMETIME SHOWS. Bukod sa Rubi ay kasama rin si Bing sa cast ng Agua Bendita. Parehong nasa Primetime Bida ng ABS-CBN ang dalawang programa; nagsimula na kagabi, Feb. 8, ang Agua Bendita samantalang magsisimula naman sa Feb. 15 ang Rubi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm really honored and flattered that ABS-CBN gave me this trust," sambit niya. "Parang dalawang primetime...parang ang reaction ko, 'Ows'?

"In Rubi, ako yung nanay dito ni Jake Cuenca. Ang twist ng character ko, may Alzheimer's disease ako. So, yun ang paghihirap na daraanan ko while I'm sick. Imbes na malagay sa mabuting lovelife si Jake, inuuna niya ang pamilya niya."

JANNO GIBBS. Kinumusta rin ng PEP kay Bing ang asawa niyang si Janno Gibbs. Talaga bang nagkaayos na silang dalawa pagkatapos nilang maghiwalay before?

"We're okay, we're friends," maikling tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN