Lorna Tolentino still not ready to accept suitors because "si Rudy pa rin ang nasa puso ko at isip ko"

IMAGE 0


"Happy ako being single and with my kids and with my friends. Doon na lang muna. Kasi parang pag pinag-isipan ko yun, parang nami-miss ko pa rin si Rudy, e. Magiging unfair pa rin for anybody kasi si Rudy pa rin ang nasa puso ko at isip ko," says Lorna Tolentino.


Isa si Lorna Tolentino sa mga artistang nakitang sumuporta sa kick-off campaign na ginawa ng Partido ng Masang Pilipino sa Plaza Miranda sa Manila kahapon, February 9. Si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ang standard bearer ng partido, habang ang anak naman nitong si Sen. Jinggoy Estrada, na matalik na kaibigan ni Lorna, ay tumatakbong muli sa pagka-senador sa May 2010 elections.

Isang araw bago magsimula ang official campaign period para sa mga kandidato sa national positions ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Lorna during the Grand Finals ng Picture Flawless search na ginanap last Monday, February 8, sa Eivissa Super Club sa Tomas Morato cor. Timog Ave., Quezon City.

Bilang celebrity endorser ng Flawless, special guest si Lorna sa naturang event at kasama sina Flawless CEO Rubby Sy, endorsers Butch Francisco at Tess Bomb, sila ang nagbigay ng awards sa mga nanalo sa Picture Flawless search na sina Robert de Claro at Julieanne Susie Arcenio.

ALL-OUT SUPPORT FOR THE ESTRADAS. Ayon kay Lorna, buong-buo ang suporta niya sa kampanya ng kanyang kaibigang si Jinggoy.

"Tutulong ako kay Senator Jinggoy sa campaign. May mga naka-block off na kaming dates para tutulong kami sa kanya," sambit ni Lorna.

Dagdag pa niya, itinutuloy niya lang daw ang dating ginagawang pagtulong ng yumao niyang asawang si Rudy Fernandez sa kaibigan nilang si Sen. Jinggoy tuwing tumatakbo ito sa eleksyon.

"Meron kaming naging usapan ni Sen. Jinggoy, medyo malungkot nga. Siyempre, sinasabi niya sa akin na, 'Paano 'yan, si Rudy sa lahat sinasamahan ako?' 'Sure, sure,' sabi ko. 'Wala naman akong trabaho ngayon. Sasamahan din kita sa lahat. Isipin mo na lang, ako si Rudy,'" natatawang wika ni Lorna.

Pati rin daw ang ama ni Jinggoy na si Erap ay suportado niya.

"Yes, kung ano talaga yung nasimulan na namin noon pa ni Rudy. Nandun naman talaga kami parati sa lahat ng kampanya nila, e. So, yun din ang gagawin ko ngayon," sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit pa raw sa suporta ng isang kaibigan ang ibibigay ni Lorna sa mag-amang Estrada.

"Actually, yung friendship kasi namin, parang pamilya na, e. Yung ginawang pagmamahal at pagmamalasakit nina Presidente Erap at ni Jinggoy kay Rudy before, sobra-sobrang patunay na yun na talagang naging parte kami ng pamilya nila."

Sa tingin niya ba magkakaroon ng conflict kung hihingan din siya ng suporta ng isa pa nilang kaibigan na tumatakbo ulit for senator na si Sen. Bong Revilla?

"Wala namang conflict siguro," sagot ni Lorna. "Pag kinailangan naman ako ni Senator Bong, at kung hindi rin naman makakaapekto sa kanila pareho, of course tutulong din ako kay Senator Bong. Okay naman kaming lahat, so I think walang problema."

NOT READY FOR ANOTHER LOVELIFE. Nalalapit na ang Valentine's Day, meron ba siyang ka-date sa araw na yun?

"Wala. Lahat kaming magkakaibigan, parang ang plano namin lalabas kaming lahat, pati mga anak namin. Sa isang place na lang and then doon na lang kami magse-celebrate ng Valentine's Day," banggit niya.

Wala pa bang nag-a-attempt na manligaw sa kanya?

"Huwag na muna nating isipin 'yan," nakangiti niyang sabi.

Paano kung may magpadala ng flowers?

"Okay lang kung magpadala sila ng flowers. Tama na yun."

Pero ready na ba siyang magpaligaw ulit?

"Ha?" natatawa niyang tanong. "Okay, happy pa ako. Happy ako being single and with my kids and with my friends. Doon na lang muna. Kasi parang pag pinag-isipan ko yun, parang nami-miss ko pa rin si Rudy, e. Magiging unfair pa rin for anybody kasi si Rudy pa rin ang nasa puso ko at isip ko."

Magdadalawang taon na mula nang sumakabilang-buhay si Rudy.

NEXT PROJECTS. Pagkatapos ng pinagbidahang teleserye ni Lorna sa ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw, wala pa raw siyang kasunod na teleserye. Pero may hinihintay daw siyang movie sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Movie ang alam ko. Makikipag-meeting din ako sa kanila [ABS-CBN executives] this month kung kelan mag-start yung movie and then siguro yung another soap."

Sino ang makakasama niya sa movie?

"Ang alam ko kasi ang magdidirek si Laurice Guillen, and it's a family picture. Pero hindi ko pa alam kung sino talaga yung iba pang makakasama ko sa cast."

Pero kung bibigyan siya ng chance na pumili ng makakasama niya, sino ang gusto niya?

"Kasi kung family picture naman siya, siguro ang gugustuhin kong makasama yung mga nakasama ko na rin dati. Lalo na yung mga nami-miss ko na rin for a long time like John Lloyd [Cruz] and Bea [Alonzo], yung ganun."

TURNING TO FARMING. Samantala, habang naghihintay pa ng susunod niyang projects ay nahihilig naman si Lorna ngayon sa pagtatanim at hangad niya nga na magkaroon ng sariling farm. Ang masaya pa raw nito ay kasama niya pa sa pagtatanim ang mga anak niyang sina Ralph at Renz.

"Bigla akong na-laid back, parang probinsiya kami ngayon. Farming ang pinagkakaabalahan ko now. Nag-aaral kami now ng mga anak ko. Bukod sa pagtatanim kung magkaroon ng puhunan, gusto rin naming mag-poultry," lahad niya.

Bakit naisip niyang pasukin ang pagtatanim?

"Na-inspire kami kay Isabel Rivas. Kasi ang tagal na niya, di ba? Ilan taon na siyang may farm. Kaya lang, gusto namin medyo mas malapit. Siguro around Cavite, Tagaytay, ganyan."

May nabili na ba silang lupa para pagtaniman?

"Meron kaming tinitingnan. Like a week ago, siguro twice akong nagpunta ng Cavite. So, tour of Cavite ang ginawa namin!" tawa niya.

Ito raw ang gustong pagkaabalahan ni Lorna ngayon bukod sa pag-aartista.

"Yun ang isa sa mga gusto kong gawin ngayon para pag walang work nandoon ka lang sa farm, nagtatanim. Tapos yung fresh na mga gulay from your garden to the kitchen, mga ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN