Columnist-talent manager Alfie Lorenzo can't promise to stop bad habits after heart seizure

IMAGE 0


"E, ngayon, napatunayan ko talaga na kulang na lang, isilang ko siya para maging tunay na nanay niya ako. Talagang worried siya na maluha-luha pa. Sabi ko, 'Ano ka ba, uma-akting lang ako para mailagay ako dun sa stretcher para itakbo at hindi ako maglakad!'" says Alfie Lorenzo about his ward Judy Ann Santos's concern for him. Lorenzo was recently confined at St. Luke's Medical Center after suffering a heart seizure.


Noong February 4 ay napabalitang inatake sa puso ang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo sa kanyang bahay sa Panay Avenue, Quezon City. Pero ayon sa mga doktor, heart seizure daw ang nangyari sa kanya. Hindi na rin sumailalim sa angioplasty ang manager ni Judy Ann Santos kundi angiogram na lang ang ginawa sa kanya upang lunasan ang kanyang sakit.

Sa Showbiz Central noong Linggo, February 7, ay nakausap nang live ni Pia Guanio si Alfie upang kumustahin ang kalagayan nito. Naka-confine pa noon si Alfie sa St. Luke's Hospital.

"Wala namang atake. Parang nagpa-executive check-up lang ako. Kaya lang, na-OA yung mga ano, yung mga eksena!" natatawang sabi niya.

Ipinaalala ni Pia ang mga naging paalala ng kanyang mga alaga—ang magkapatid na Judy Ann at Jeffrey Santos at maging ang mister ng aktres na si Ryan Agoncillo—na maging "wholesome" na ito, tigilan ang paninigarilyo at pagpupuyat na siya rin namang bilin ng mga doktor.

"Ewan ko kung magagawa ko yun, tigilan yung yosi, ganun!" tawa niya ulit. "Nagpapasalamat naman ako sa OA na reaction kasi napanood pala sa mga istasyon, nagkaroon ako ng connect sa mga relatives ko at long-lost friends.

"Sa San Francisco, yung Jaime Yalung, 25 years ko nang hindi nakikita, naka-contact dito sa St. Luke's. Ralatives ko sa Maryland. Mga cousins ko. And then from Jeddah, United Kingdom...lahat sila nagtawagan dito.

"Tapos yung dalawang phone ko, napuno na nga ng mga text message. Kaya sabi ko, in a way, nakabuti, nagkaroon ako ng connect sa ibang mga friends. At saka nalaman ko na ngayon kung sino ang mga nagmamahal sa akin. At kung sino yung patuloy kong hate, ganun!" tawa pa rin ni Alfie.

Pero paalala ni Pia na yung mga nagmamahal sa kanya would like to see him "longer and healthy."

"Kaya nga... Alam mo Pia, kung madaraan ka rito, itong kuwarto ko, suite na nga ito na pagkalaki-laki na bigay ni Juday, e, puwede ka nang magtayo ng fruit stand. Lahat ng fruits nandito, e. Lahat ng nagpunta rito, basket of fruits ang dala. E, hindi lang naman limampu ang nagpunta rito. So, ngayon alam ko na talaga kung sino ang mga friends ko at mga pulitiko na iboboto ko. Kasi, yun ang mga nakaalala, so maaalala ko rin sila pagdating ng election.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sa inyong lahat, nagpapasalamat ako sa mga kaibigan natin sa media, salamat po sa inyong lahat," saad pa niya.

Ano naman ang kompromiso niya kay Juday na nag-alala talaga sa kanya?

"E, ngayon, napatunayan ko talaga na kulang na lang, isilang ko siya para maging tunay na nanay niya ako. Talagang worried siya na maluha-luha pa. Sabi ko, 'Ano ka ba, uma-akting lang ako para mailagay ako dun sa stretcher para itakbo at hindi ako maglakad!'" sabi ng talent manager.

May message ba siya kay Juday?

"Si Juday, tumawag kanina. Nasa Clark siya. Ipinasyal naman niya si Yohan [adopted daughter of Juday and Ryan]. Pagdating daw niya mamaya, tutuloy siya rito. Tapos na lahat ng [medical] exams ko, pasado lahat. Sabi niya, bukas na lang daw ako para makatulog daw ako. Kasi raw, baka pag-uwi ko sa bahay, buksan na agad ang isang kaha [ng sigarilyo]."

Hirit ni Pia na tigilan na raw niya ang paninigarilyo.

"I'll try!" ang natatawang sagot naman ni Alfie.

Nabalitaan naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na noong Lunes, February 8, pagkalabas ng St. Luke's hospital ni Alfie ay dumiretso na siya agad sa press conference ng pulitikong si Gilbert Remulla noong tanghali at sa Picture Flawless grand finals kinagabihan. Kaya nagulat ang maraming entertainment press na nakakita sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN