PEP FORUM: Stars talk about their most memorable V-Day

IMAGE 0


Celebrities express love on Valentine's Day, and not just with dinner, chocolates and roses. Some of those who took part in the forum are: (top row, from left) Xian Lim, Angelica Panganiban, Diether Ocampo; (middle row) Ryza Cenon, Toni Gonzaga, Jake Cuenca; (bottom row) Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Shaina Magdayao.


Natural ka man na romantiko o hindi, naniniwala ka man o dedma lang sa Araw ng mga Puso, siguradong ang espesyal na araw ng Valentine's Day ay may hatid pa rin na kilig sa iyo at sa puso ng bawat isang tao.

Ilan sa mga celebrities na tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) gamely answered and remembered their most memorable V-Day. Pero meron ding ilan na nakiusap na huwag na silang isali sa Valentine's forum na ito.

May nagsabi na hindi naman daw kasi siya nagse-celebrate ng Valentine's Day. Another one said na hindi raw masaya ang V-Day na naaalala niya kaya gusto na niyang kalimutan. At ang isa nama'y nag-beg off dahil yung pinaka-memorable raw niya is with her ex-boyfriend and not with her present one...

TONI GONZAGA

"Siyempre yung unang-unang Valentine's ko. Nag-dinner kami sa Makati. Two years ago... Pero kapag Valentine's naman parang hindi naman kami nagbibigayan ng gift. E, everyday naman puwedeng maging Valentine's, di ba?"

JENNYLYN MERCADO

"Yung ginawa ni Mark [Herras] noong Valentine's Day. Nag-taping kami, pag-uwi ko sa bahay, puro roses. Yung puro petals mula sa pintuan paakyat ng hagdanan hanggang kuwarto."

SHAINA MAGDAYAO

"Most memorable?! Mukhang hindi yata ako ang tamang tanungin, ha ha ha! It seems, it has yet to happen... pero sige, siguro yung nag-celebrate kami with [former boyfriend John Prats'] family. Pero pagdating sa pag-ibig, parang maski siguro meron akong sagot, parang wala, hindi ko ma-recall."

XIAN LIM

"Wala akong memorable Valentine's Day, e... Baka sakali ngayon pa lang because I'm dating my mom in Tagaytay, we'll go there this Valentine's Day and I want to spend it with her."

ANGELICA PANGANIBAN

"Kung ano ang nangyari sa amin last year, nag-charity work lang kami ni Derek. Sinamahan namin ang mga special children sa may Alabang. Actually, biglaan lang yun last year, wala kaming mapuntahan kasi, sobrang busy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, yung available free day lang namin, yung Valentine's Day. Mas masarap pala yung feeling kasi, yung love, hindi lang para sa aming dalawa. This Valentine's Day, ganun pa rin, kasi nag-promise kami sa mga kids na babalik kami."

DENNIS TRILLO

"Ako kasi, yung Valentine's Day, hindi siya masyadong big deal sa akin. Feeling ko, mas big deal siya sa mga babae. Pero ako, pinapahalagahan ko ang mga birthdays, Christmases."

JAKE CUENCA

"Karamihan kasi ng Valentine's Day ko, malungkot. Pero siguro, isa sa pinaka-hindi ko makakalimutan, yung ex ko, birthday rin niya ng Valentine's kaya hindi ko makakalimutan yun."

DIETHER OCAMPO

"Well, hindi pa nangyayari. Ako kasi, I'm very optimistic. Gusto ko na every year, may maganda at bagong nangyayari. I don't know, pero, palaging nagkakataon kasi na tuwing merong ganitong okasyon tulad ng Valentine's Day, palaging natataon na meron akong trabaho.

"Pero siguro kung mabibigyan ng pagkakataon, bakit hindi. And this could be the most memorable Valentine's Day for me. Kaya kahit busy, bilang CaviteƱo at PampangueƱo, kung kinakailangan kong sungkitin ang bituin para mapaligaya ko ang taong mahal ko, bakit hindi? Wala namang imposible."

SHERILYN REYES

"I have a number of memorable Valentine's Day celebrations... one was at home lang, I cooked for the boys since I had taping then but finished in time for dinner. It was intimate and fun. Second was the time I surprised my husband Chris with candlelight dinner. Had food catered, hired a guitar player so we had live music background. Third, we traveled to Bangkok and spent Valentine's Day there."

RYZA CENON

"Siguro ang pinaka-most memorable Valentine's Day ko, noong nakasama ko ang pinaka-unang lalaki sa buhay ko, ang Daddy ko. Minsan ko lang siyang makasama kaya parang ang saya-saya ko na natapat pa yun sa mismong Valentine's Day."

JOROSS GAMBOA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yung pinaka-recent na ang naalala kong memorable, yung last year with my girlfriend Katz Saga. Simple lang naman yung naging celebration namin. Sa bahay lang, kumain kami. But what makes it more memorable, siya yung nag-prepare at nagluto ng dinner namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN