Regine Velasquez is excited to start musical dramedy Divas

IMAGE 0


"Nandiyan si Glaiza [de Castro]. Kontrabida siya, pero, natatawa ka sa kanya. Hindi siya kakainisan," Regine says about new primetime series on GMA-7.


Pagdating ni Regine Velasquez mula sa kanyang concert series sa Middle East ay sumabak kaagad ito sa isang pictorial para sa kanyang bagong primetime series sa GMA-7, ang Diva.

Nakausap ng Startalk kahapon ang Asia's Songbird at halata ang excitement niya sa gagawing musical dramedy.

"This is not like the usual musical na naglalakad ka sa kalye, you burst into your song," sabi niya. "Yung Diva e, umiikot sa world of show business.

"Siyempre, nandiyan si Glaiza [de Castro]. Kontrabida siya, pero, natatawa ka sa kanya. Pero hindi siya kakainisan."

Bukod kay Glaiza, excited din daw si Regine na makatrabaho ang iba pang Kapuso stars.

"I really ask for Jaya... Siyempre si Mark [Anthony Fernandez]. There are also other artists who are there to play as my brother, like Mark Herras. Baka mag-guest din si Ogie, so surprise yun."

Sa nabanggit na concert series, kasama ni Regine na nagpalabas sa Qatar at Dubai ang boyfriend na si Ogie Alcasid, at sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging matagumpay raw ang shows nila, ayon kay Regine.

"Parehong place puno. May isang lugar, like sa Doha [in Qatar], hindi namin ine-expect na napakaraming tao. You know, actually, ang lakas ng Pinoy TV dun...

"Kaya nga yung mga bata, ang tawag nila sa akin Elektra [role in Darna]. Tapos, inaabangan nila si Darna. Nakakatuwa."

SPECIAL ANNOUNCEMENT. May Valentine's gift na ba sila ni Ogie sa isa't isa?

"Secret pa yung Valentine's gift niya sa akin. Pero, tapos na yung gift ko sa kanya, naibigay ko na."

Paano nga ba nila ise-celebrate ang araw ng mga puso kung may show si Ogie?

"E, baka mag-[blank] na lang kami sa gabi," natatawang biro niya. "I'll just wait for him at home. It's Valentine's Day, so I'll ask a card from him. But of course, palagi namang may kasama yun na card. So, okey din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya, palaging song, kinakanta niya sa akin."

May mahalagang announcement daw na gagawin si Ogie. Alam niya ba yun?

"Hindi ko alam sa kanya," natatawa niyang sabi. "Kasali raw ba ako run? Miski ako hindi ko alam, e. Aabangan ko rin yun. Ha ha ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN