Rich Asuncion has yet to get her cash prize as last year's Bb. Pilipinas 1st runner-up

IMAGE 0


"Sakit sa ulo! Lagi akong nagpa-follow-up, laging sinasabi, 'Sige next week...ganun-ganun, sige.' Hanggang umabot na ngayon," complains Rich Asuncion about her efforts to claim the cash prize she won as 1st runner-up in Binibing Pilipinas last year.


Last year ay naging first runner-up sa Binibining Pilipinas ang StarStruck alumna na si Rich Asuncion. Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sasali siya ulit para makakuha ng title ay lumabas ang mga hinaing niya.

"Hindi, hindi na ako sasali...stress! Hindi ko pa nakukuha ang premyo nila, hindi pa. As in wala pa," pagsisiwalat ni Rich nang makausap namin siya sa presscon ng Panday Kids kagabi, February 16, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Ayon kay Rich, P175,000 daw ang kabuuang premyo niya mula sa Bb. Pilipinas. Bilang first runner-up ay P75,000 ang cash prize na matatanggap niya at bilang Ms. Natasha, isang special award, ay makakakuha rin daw siya dapat ng P100,000. Pero wala pa raw nakukuha maski singko.

"Kaya nga, e, di ba? Pina-follow-up ko lagi. Tumatawag ako lagi, e. Sabi nga nila... Kasi may Boardwalk ako [endorsement], tapos Natasha yung napanalunan ko, yung 100 thousand cash kaya sinasabi nila... Sabi ko, 'Ayoko, hindi ako papayag.' Pinaglalaban ko. Dapat bukod yun.

"Tapos yung 75,000 naman, sinasabi nila na hindi daw ibibigay sa akin kasi hindi daw ako sumasali sa mga events nila. Well, in fact, hindi naman nila ako tinatawagan. At saka okay na rin kasi gusto ko ring magtrabaho, di ba, para makaipon naman ako. Kung nandun ako sa kanila, walang ano sa akin. Magpapaganda lang ako nang magpapaganda, pero wala naman akong pera," sunud-sunod na litanya ni Rich.

Sa March 7 ay may bago na namang batch ng candidates na makikipag-compete para sa tatlong titles ng Bb. Pilipinas—Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-World, at Bb. Pilipinas-International.

"Meron na silang mga bagong bibigyan ng prize, malapit na, di ba?," sabi ni Rich. "Pati si Bianca [Pamela Bianca Manalo, Bb. Pilipinas-Universe 2009] kakabigay lang... Pati yung Universe, yung Natasha niya, kakabigay lang last week. So, di ba? Sakit sa ulo! Lagi akong nagpa-follow-up, laging sinasabi, 'Sige next week...ganun-ganun, sige.' Hanggang umabot na ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe ba si Rich sa mga taga-Binibining Pilipinas Charities?

"Ang sasabihin ko lang sa kanila, I have to get my prize because I deserve it. Di ba?"

Umabot ba siya sa punto na inisip niyang magdemanda?

"Well, pumasok na rin 'yan sa isip ko, pero masyado nang mabigat. Parang hassle na naman, di ba? Pero one year na, e. Pero hopeful pa rin ako na sana ibigay na nila," sabi niya.

Kaugnay ng hinaing ni Rich, isang talent scout ng mga sumasali sa Bb. Pilipinas ang nakausap ng PEP. Ayon sa kanya, hindi raw talaga ibinibigay nang buo ang cash prize na napapanalunan ng winners at maging ng runners-up. Kailangan din daw talagang um-attend sila ng activities ng Bb. Pilipinas.

ALJUR ABRENICA. Dumako naman ang usapan namin sa hindi pa rin mamatay-matay na isyu sa kanila ng ka-batch niya sa StarStruck na si Aljur Abrenica. Diretsahang tinanong ng PEP si Rich kung totoong break na sila ni Aljur.

"Ako, ayoko na lang magsabit-sabit ng ibang tao. Basta ako po ngayon, single ako at okay na po akong makipag-date. Dati? Hindi, hindi ako nakikipag-date dati," sagot niya.

Kailan siya naging single at puwede nang makipag-date ulit?

"Pagpasok ng Bagong Taon."

Nagkaroon ba sila ng relasyon ni Aljur?

"Hindi!" bulalas niya.

So, walang dahilan para magkaselosan sila? May intriga kasing may selosan sa pagitan nila ng ka-love team ni Aljur na si Kris Bernal.

"Wala."

Bakit sila na-link ni Aljur?

"Ewan ko sa kanila!" tawa niya. "Ewan ko sa inyo. Hindi naging kami."

Hindi rin daw siya niligawan ni Aljur.

"Wala, as in wala."

So, hindi totoong kapag nagkikita sila ni Kris sa SOP ay nag-iisnaban sila?

"Nagbebeso kami, e. Dyusko!" sambit ni Rich.

Pero aminado si Rich na naapektuhan siya ng mga intriga sa kanilang tatlo nina Aljur at Kris. Inaakusahan kasi siyang naninira ng love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naapektuhan in a sense na ayokong nasasabit sa, alam ninyo yun, sa mga...yung pag-angat nila na parang yung feeling ko, ako yung nagpapababa o humihila. E, hindi naman, kasi ang bait-bait ko nga. Parang ganun, e. Wala naman akong ginagawa. Nasasaktan ako na dinadamay ang pangalan ko sa ganyan," saad niya.

Kasama si Rich sa upcoming telefantasya ng GMA-7 na Panday Kids, na magsisimula nang mapanood sa February 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN