Gelli de Belen still "slowly adjusting" to cancellation of SiS

SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg">

SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg">

IMAGE 0


Gelli de Belen returns to primetime television via GMA-7's upcoming telefantasya Panday Kids, where she plays the cruel mother of Buboy Villar.


Balik-primetime si Gelli de Belen. After doing All My Life with Aljur Abrenica and Kris Bernal, kasama naman ngayon si Gelli sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Panday Kids. Ginagampanan niya rito ang malupit na ina ni Buboy Villar.

Ayon kay Gelli, ito ang unang pagkakataon na makakasama niya sa isang project si Buboy.

"First time and he is really, truly a gifted child pagdating sa pagiging artista. He is truly a gifted child. Ngayon lang ako nakapagtrabaho sa ganitong bata na ganito ka-dedicated, ganito ka-focused. Siyempre bata, so you cannot blame them kung hindi pa sila focused. Pero Buboy is different. He is talented, he is focused, gusto niya ang ginagawa niya," papuri ni Gelli sa kanyang co-star.

Halos kasing-age daw ng mga anak ni Gelli na sina Joaqui at Julio si Buboy. Kaya natanong namin sa kanya kung hindi ba niya nai-imagine ang kanyang mga anak na katulad ni Buboy na nag-aartista na rin?

"Naiisip ko nga yun. Oh, my gosh, nai-imagine ko kung mga anak ko yun! Kaya lang, ang mga anak ko naman, wala diyan [pag-aartista] ang hilig nila, e. Si Buboy, dama niya talaga ang ginagawa niya," sabi niya.

Mas masaya ba siya na iba ang interes ng mga anak niya?

"Hindi naman sa masaya, kung yun naman ang gusto nila. Pero right now, hindi ko nakikita. Siguro kasi, parang feeling nila, ito ang trabaho ng nanay ko, ito ang trabaho ng daddy ko. So, it's something normal with them. Kasi, that's what they grew up din, being in the industry," paliwanag ni Gelli.

Dahil may pagka-bad ang role ni Gelli rito sa Panday Kids, papayagan ba niyang manood ang mga anak niya nito?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Alam naman nila na umaarte lang ako. Alam n'yo nga minsan, nag-aaral ako ng script, sabi ni Joaqui, 'O, mommy, do you want me to help you?' Help siya, naloloka siya sa mga lines. Parang, 'You're bad?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero alam naman nila na umaarte kami. Alam nila na artista kami. Si Ariel [Rivera, Gelli's husband] has done many kontrabida roles, so sanay na sila. Actually, naninibago lang sila na umaarte ulit ako. Hanggang dun lang ang paninibago nila. Pero ngayon, hindi na as bad. Unlike sa All My Life, 'Mom, what are you doing?'" natatawa niyang kuwento.

MISSES SIS. Nagiging aktibo muli ngayon si Gelli sa pag-arte, unlike before na puro hosting jobs lang ang kadalasan niyang tinatanggap. Okay lang ba sa kanya na after doing SiS, her early morning show with sister Janice de Belen and Carmina Villarroel, ay sa mga serye naman siya ngayon nalilinya?

"Actually, it's different. It's different from SiS, sobra! Pero masaya ako. Natsa-challenge ako sa role ko. Pero siyempre, mami-miss ko pa rin ang SiS. Although, I have another show, Zooperstars. Tungkol naman siya sa mga animals. I will be with Julian [Trono] and Sabrina [Man], it's all about animals. Infotainment siya, masaya siya. Merong palaro-palaro. We taped last week, so masaya siya." (Sina Julian at Sabrina ay kasama rin sa Panday Kids).

Nakapag-adjust na rin ba siya na wala na ang SiS, na tumagal sa ere sa loob halos ng walang taon?

"Slowly adjusting. Buti nga sa Zooperstars, ang mga staff na kasama ko, yung ibang staff ng SiS. So, okey, parang SiS lang. Kaya lang, kulang ako ng dalawang angel," natatawang sabi ni Gelli, na ang tinutukoy ay ang mga dati niyang co-hosts na sina Janice at Carmina.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Ariel ay ibinuko nito si Gelli na noong minsan daw nagsa-shopping daw sila ay parang nawala sa isip ng misis na wala na ang SiS at namili pa ito ng outfit para sa naturang show.

"Naku, binili ko si Janice ng sporty attire!" natatawa namang pagbabalik-tanaw ni Gelli. "Kasi tuwing pupunta kami ng Canada, nagpapabili si Janice ng sporty attire, kasi mahal dito ang sporty attire. Dun, mas mura. So, binilhan ko siya ng sporty attire. Naiuwi ko na, naibigay ko na kay Janice. Pero sabi ni Janice, 'Thanks for the sporty attire, ha, pero saan ko gagamitin?' So, ang tagal nag-sink in. Biro mo nakabalik na ako dito, January na yun. Ewan ko ba... Kasi naman, eight years din yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong January 1, 2010 umere ang last episode ng SiS.

Pero masaya naman daw si Gelli na kahit nawala man ang SIS ay hindi pa rin naman siya pinababayaan ng GMA-7.

"We are thankful. Siyempre, we are thankful. Siyempre, nararamdaman namin that they want to keep us around dito sa GMA. So siyempre, thankful ako," sabi niya.

NO EXCLUSIVE CONTRACT. Ang best friend ni Gelli at dating co-host niya sa SiS na si Carmina Villarroel ay kakapirma lang ng exclusive contract with GMA-7. Siya rin ba ay may ganoon ding kontrata sa Kapuso network?

"Wala lang!" natatawang sagot ni Gelli.

Mas gusto ba niyang parang walang nakataling kontrata?

"Alam n'yo, kahit naman hindi nila ako papirmahin, parang feeling ko, nandirito lang naman talaga 'ko. Hindi naman kailangan ng mga ganyan-ganyan. At saka ano pa ba naman ang gagawin ko, may pamilya ako, may mga anak naman ako," paliwanag niya.

So, hindi kailangan ng papel?

"Hindi naman, hindi naman," nakangiti niyang sagot.

SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg">


SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg"> SiS" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21354/gelli-de-belen-still-slowly-adjusting-to-cancellation-of-sis" data-desc="Gelli says Panday Kids co-star Buboy Revilla is a "gifted child."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/6a04eadd5.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN