Jackie Rice wants to maintain wholesome image despite FHM stint

IMAGE 0


"Gusto ko maging sexy ako sa paningin ng mga tao, kahit hindi naman talaga," laughs the men's mag cover girl who stars in GP-rated Panday Kids

.


May inspirasyon daw si Jackie Rice na hindi taga-showbiz.

"Nagbibigay siya ng flowers," kuwento ng dalaga. "Gusto ko rin naman siya. I'm sure alam niya yun, kasi madalas kaming lumalabas.

"Inspirasyon lang talaga, pero hindi ko pa siya boyfriend. Hindi naman sa nadala na ako sa pakikipagrelasyon sa taga-showbiz. Matagal na yung sa amin ni Biboy [Ramirez], 2008 pa yun," natatawa na lang ang dalaga nang maungkat ang nakaraan niyang relasyon.

HAPPY FOR BIBOY AND VANESS. Pag-ibig daw yun kaya kung may darating, hindi naman daw pupuwedeng masabing nadala siya.

"Kung ano lang ang itinitibok ng puso, sundin mo. Pero siyempre, with every breakup, dapat naman sigurong natututo ka," makahulugang sabi ni Jackie.

Wala na raw silang communication ni Biboy kaya hindi niya masasabing magkaibigan pa rin sila.

"Pero, hindi naman kami magkagalit. Wala lang commnication," paglilinaw ni Jackie.

May bago na raw na mahal si Biboy, si Vaness del Moral.

"Happy ako for them, kasi may lovelife na siya!" natawa lang si Jackie.

Two months lang daw ang itinagal ang relasyon nila ni Biboy.

"Hindi kami nagkakaintindihan," kuwento ng dalaga. "Ang layo, kasi 28 na siya, ako naman I just turned l9. Marami pa akong gustong gawin sa buhay."

STILL WHOLESOME. Kasama si Jackie sa cast ng Panday Kids, katambal si JC de Vera. Dahil lumabas ang sexy pictorial niya sa FHM, akala ng iba ay bold na ang image niya.

"Sa Darna, bad lang ang character ko, pero hindi pa ako nagpapa-sexy sa roles," sabi ni Jackie. "Gusto ko namang maging versatile. Happy ako na nabibigyan pa ako ng wholesome roles.

"Pero yung sinasabi nilang puwede raw akong maging number one among the sexiest, wow, flattered ako! Sana. Lahat naman hoping na maging number one sa FHM.

"Kung itatapat ako kay Cristine [Reyes]? Okey lang. Alam naman nating napaka-sexy niya. Gusto ko maging sexy ako sa paningin ng mga tao, kahit hindi naman talaga," natatawang sabi ni Jackie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN