Ogie Alcasid says he and Regine Velasquez more likely to stay with GMA-7

IMAGE 0


"We're still studying things but I'm sure mahihirapan ako dahil GMA will not easily let me go. I know that for a fact and, you know, my heart belongs to GMA also. So, most probably, the most is I will be staying," says Ogie Alcasid about reports that he will be moving to TV5.


Hindi kasama ng singer-songwriter-TV host na si Ogie Alcasid ang girlfriend niyang si Regine Velasquez nang dumalo siya sa media launch ng Cory Aquino Limited Edition watch ng Phillip Stein last Thursday, February 18. Ayon kay Ogie, nagte-taping ang Asia's Songbird ng upcoming teleserye nito sa GMA-7, ang Diva.

Nangangahulugan ba ito na mananatili pa rin si Regine sa Kapuso network sa kabila ng mga balita na lilipat na sila sa TV5?

"Mukha naman. I think she's...mas maganda manggaling sa kanya. Pero sa tingin ko... Nagte-taping na siya, e," sabi ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

May balita na kasama pa rin sa dating contract ni Regine ang bago niyang show sa GMA-7 na magtatapos sa June this year.

"No, no, no... Pero ano, dapat siya ang tanungin ninyo kasi hindi ako nakikialam sa mga kontrata ni Regine. Yeah, may idea ako, but I'd rather not [talk about it]. Hindi kami nagpapakialaman sa mga ganyan," iwas ni Ogie.

Nabalita noon na pumirma na raw ng kontrata si Ogie sa TV5, pero wala namang nagkumpirma rito. Pero totoo bang may malaking offer sa kanya ang TV5?

"I'm very, very close to Manny Pangilinan because of...ninong ko kasi yun, e. Well, dati sa kasal, and ever since yung friendship namin has remained. Yes, it's true I was offered. We had talks. Kaya lang, hindi naman... Well, we'll have an official statement siguro in a few weeks," saad ni Ogie.

Bakit kailangang maglabas ng official statement?

"Hindi, kasi si...hindi pa ako pumipirma talaga, e. So, we're still studying things but I'm sure mahihirapan ako dahil GMA will not easily let me go. I know that for a fact and, you know, my heart belongs to GMA also. So, most probably, the most is I will be staying [with GMA-7]."

Mas malaki ba ang offer ng GMA-7 sa kanya for him stay sa Kapuso network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming dahilan, di ba? Ang pera, e, secondary yun, di ba?" sagot ni Ogie.

At dahil naawat nga raw siya sa pag-alis sa GMA-7 kaya mananatili na rin dito si Regine. Tama ba?

"I think so," pag-amin ni Ogie. "But, hindi naman talaga it follows. Magkaiba kami ng managers, and her career, I have nothing to do [with it]. Puwede naman siguro kami sa magkaibang networks. Wala kaming...we're not bound naman with any ano kundi pagmamahal!" tawa niya.

"But it looks like we're gonna stay," pahabol ni Ogie.

SOP. How true na dissatisfied na siya sa Sunday musical-variety show nila ni Regine, with Jaya and Ogie Alcasid, na SOP?

"No, no, no... It's not that. That's not true," tanggi ni Ogie. "We're still...isang buong pamilya kami. Hindi naman perfect lagi, di ba? Like for example, right now, we're trying to improve SOP. And kung anuman ang tsismis about the show, hindi totoo lahat yun. We're all trying to help each other."

Part daw ng offer sa kanya ng GMA-7 para mag-stay ay ang maging consultant ng SOP. Totoo ba ito?

"Well, it's one of those!" tawa niya. "So, siyempre pinag-araalan ko lahat kung ano ang pinakamaigi. Mahirap na maging consultant ka tapos hindi mo mabigyan ang lahat. So, I'm still talking to them with regards to the show kung ano yung pinakamagandang way na lahat tayo magkatulong-tulong."

Inaamin ba niya na may dapat talagang ayusin sa SOP?

"Yeah, lately, talagang ngkaroon ng problema," sabi ni Ogie. "Hindi naman lingid sa alam ng marami, merong nawala, merong ganito, merong ganyan. But sometimes when that happens, nagkakaroon ng communication problems, 'no? So, medyo naapektuhan yung show and then naramdaman ko rin yun. Pero imbes na daanin natin 'yan sa away-away, hindi tama yun. And you know, I'm very happy that we are all talking as a team."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

There was a time ba na naisip niyang umalis na sa SOP?

"Hindi naman. My main concern was how to improve the show. And those things take time. I mean, before, when our ratings were high, bago namin nagawa yun, it took six, seven years, di ba? Now, they're [ASAP] on top of us. So, ang sa akin, mapaganda ko lang yung show muna. Yung ratings will probably follow. I'm very, very realistic about things, di ba? I mean, they've [ASAP] done a very, very good job."

Hindi na raw kasi kilala ang ibang kasama nila sa SOP. Agree ba siya dito?

"Well, that's part of the process, di ba? ABS-CBN really has more artists, that's a given fact. So, you have to work with what you have, di ba? So, maraming bago sa amin na hopefully bigyan namin ng pagkakataon na sumikat din for them to shine.

"Hindi naman more push. Mahirap yung i-push nang i-push din, e. Kasi it takes time for young artists to have the confidence, yung mag-project nang tama sa TV, alam mo yun? It takes time and it also takes time for the audience to accept them. So, it's a long process and ganun yun, e," paliwanag ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN