Aiko Melendez refutes accusation that carnapping of her brother's SUV is only a publicity stunt

IMAGE 0


"Kasi hindi mo naman iri-risk ang isang bagay na pinaghirapan mong bilhin para lang mapag-usapan. Not for anything, modesty aside naman, may pangalan naman ako sa industriya. Everything that I do is magnified," says Aiko Melendez about accusation that the carnapping of her kid brother's SUV is only a publicity stunt to create buzz for her vice-mayoralty candidacy.


Naging malaking balita last weekend ang pagkaka-carnap sa 2007 Toyota Fortuner ng actress-politician na si Aiko Melendez. Nawala ang sasakyan sa mismong harap ng bahay nila Aiko pagkatapos niya itong ilabas para ipalinis sana noong Sabado ng hapon, February 20.

Pero hindi pala talaga si Aiko ang may-ari ng sasakyang kundi ang kapatid niyang si Angelo CastaƱeda. Pinabulaanan din ni Angelo ang kumakalat na balitang publicity stunt lamang daw ito ng kampo ni Aiko para mapag-usapan ang kapatid dahil sa kandidatura niya bilang vice mayor ng Quezon City.

Sa panayam ng Showbiz Central kay Angelo, sinabi nitong hindi nila iri-risk ang kanyang sasakyan para lang magkaroon ng publicity ang kanyang kapatid.

"Siyempre po, yung sasakyan na yun, hindi yun nakapangalan sa kapatid ko. Kotse ko po. Ako mismo ang nagsikap para mabili ko. So, siguro naman, hindi ko iri-risk ang sarili kong kotse para lang mabigyan ng publicity ang kapatid ko," saad ng kapatid ni Aiko.

Nakausap din ng Showbiz Central host na si Mo Twister si Aiko sa pamamagitan ng live phone-patch interview. Ayon kay Aiko, hindi pa rin daw natatagpuan ang sasakyan ng kanyang kapatid.

Nilinaw rin ni Aiko na ang plate number ng kanyang sasakyan ay ZEV 498 at hindi gaya ng unang napabalita.

May ideya ba siya kung sino ang responsable sa pagkawala ng kanyang sasakyan?

"Well, sa findings kasi ng Ancar [Anti-Carnapping Unit], wala pa silang makitang lead kung sino ang kumuha or nagnakaw ng kotse. But the sad part of it, it all happened in front of our house. Hindi namin alam kung sino ang puwedeng pagbintangin at this point in time. Kaya lang kasi, two weeks ago, tina-tackle ko ang issue ng carnapping dito sa Quezon City. E, ang sad lang na part sa akin, ako ang sinampulan ng mga carnapper," saad ni Aiko.

Sa isang speech kasi ni Aiko ay sinabi niyang babaguhin niya ang pagkakakilala sa Quezon City bilang "carnapping capital of the Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya inside job ang nangyari?

"As of now, we don't know if it's an inside job," sagot ni Aiko. "Kasi, two of the keys here, di ba, may spare keys ka saka yung key talaga, it's here, e. So, kung inside job siya, dapat mawawala yung mga susi namin. So, ang feeling ko talaga, pro na carnapper ang gumawa. Para mapaandar mo na wala ang susi, ibig sabihin, may gadget na pang-carnap talaga."

Tinanong din ni Mo si Aiko kung ano ang masasabi niya sa reaction ng ibang tao na tipong publicity stunt lang ang pagkaka-carnap ng sasakyan ng kanyang kapatid?

"Siyempre, nakakalungkot. Kasi hindi mo naman iri-risk ang isang bagay na pinaghirapan mong bilhin para lang mapag-usapan. Not for anything, modesty aside naman, may pangalan naman ako sa industriya. Everything that I do is magnified.

"Hindi ko naman kailangan mag-resort sa carnap thing para lang mapag-usapan. Kung gusto ko lang mapag-usapan, e, di pag-uusapan ko na lang yung mga nagawa ko sa District 1. Hindi ko naman iri-risk ang isang bagay na kailangang-kailangan kong gamitin ngayon.

"Alam n'yo naman na napakalaki ang cost namin ngayon, siyempre kailangan na kailangan namin to go around. Hindi ko naman sila masisisi kung isipin nila yun, pero kami, we stand by the truth. At hindi naman kami magpapagod ng effort na magpunta at magpapunta ng tao sa Ancar."

Kinuha na rin ni Aiko ang pagkakataon para makiusap.

"Sa mga nanonood, sana kung sinuman ang kumuha ng kotseng ito at kung sakali man na ibenta sa kanya ang SUV 498 or meron pong illegal activities na gagawin, wala na sa possession namin 'yan, so wala na kaming hold diyan. Kung makita man nila at maibalik sa akin ang kotseng 'yan, maraming salamat, well and good. Pero sana huwag naman nilang gamitin sa masama ang kotse. Kung ibebenta man nila at itsa-chop-chop nila, bahala na lang ang Diyos sa kanila na makarma," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN