Awesome performances and surprises in MYX Music Awards 2010

IMAGE 0


"Congratulations!" An ecstatic Sarah Geronimo imitated April "Congrats" Gustilo's signature cheer in Wowowee after winning the MYX Favorite Artist award—one of her four awards—in last night's MYX Music Awards 2010 at the Music Museum in San Juan City. Joining her in celebrating on stage was presenter and Pilipinas Got Talent host Billy Crawford.


Kagabi, March 2, ginanap ang MYX Music Awards 2010 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City. Kasing-init ng gabi ang mainit ding pagrampa at performances ng mga imbitadong celebrity presenters at performers.

PERFORMANCES & PRESENTERS. Na-entertain agad ang mga fans at lalo na ang nominees nang i-perform nina Aldred Gatchalian, Sam Concepcion, Kaye Miranda, Cheska Ortega, Gian Magdangal, Karylle, Nina, La Divas, Rayver Cruz, at Iya Villania ang medley ng nominated MYX Favorite Songs sa taong ito. Habang mainit naman ang performance ng hip-hop coalition nina Knowa Lazarus, Kenjohns & Chelo Aestrid with DJ Flavamatikz sa MYX Favorite Urban Video nominated song nilang "Mainit."

Sa pagbibigay ng MYX ng Magna Award (sariling version nila ng Hall of Fame award) kay singer-songwriter Jose Mari Chan, naghandog ng medley ng mga hit songs niya sina Jay-R, Richard Poon, Yeng Constantino, Jayson Fernandez of Rivermaya, Rachel Ann Go, Kean Cipriano of Callalily, at Christian Bautista.

Dumagundong sa loob ng performance hall ng Music Museum nang tumutog na ang Cebu-based hard rock band na Urbandub, kasama sina Aia de Leon ng Imago, Kat Agarrado ng Sinosikat, at Paolo Valenciano ng Salamin.

Nanggulat naman si Rico Blanco nang biglang tugtugin ng nagpe-perform na Hilera—matapos nilang i-perform ang sarili nilang awitin na "Radical"—ang kanta niyang "Ayuz." Lalo pa siyang nangsurpresa dahil bukod sa bigla niyang pagsingit sa set ng Hilera, nagkaroon pa siya ng "dance break" kung saan ipinakita ng dating lead singer ng Rivermaya ang galing niya sa pagsayaw ng hip-hop sub-style na "pop-lock."

Kabilang sa mga presenters ng awards sina Paolo Valenciano, Robin Nievera, Carl Guevarra, Lauren Young, Mong Alcaraz of Chicosci, Bangs Garcia, Jet Pangan, Daiana Menezes, Mickey Perz, Amber Davis, Rafael Rosell, April "Congrats" Gustilo, Mark Escueta of Rivermaya, Jolina Magdangal, Matteo Guidicelli, Saab Magalona, Aiza Seguerra, Sitti, Amir Garcia of Slapshock, Kyla, Richard Poon, Tim Yap, Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, Ryan Eigenmann, Billy Crawford, Noel Cabangon, Aia de Leon of Imago, at Donita Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE SURPRISES. Nasurpresa rin nang gabing iyon si Christian Bautista nang bigyan siya ng special citation ng MYX "for proudly representing the Filipino artists in the international music scene." Nagkandabulul-bulol at hindi makapagsalita nang maayos si Christian sa kabiglaan sa pagkabigay sa kanya ng award. Hindi nga raw kasi siya preparado talaga.

Huling panggulat ng MYX nang gabing iyon ang pagpe-present ng MYX Favorite Music Video award ng dating MTV Asia VJ na si Donita Rose. Biro pa ni Donita, "Thank you for inviting me here at the 'enemy territory.'"

Sabi naman ni MYX Channel head André Allan Alvarez sa pakikipag-usap nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ilang minuto pagkatapos ng show, "It's a good time for us to invite Donita, kasi wala na rin namang MTV [Pilipinas], e. So, kunin na natin siya. Plus, we really want to show na in MYX, there really is no politics, as you can see we have artists from different [music] genres and different networks in one place and event."

THE WINNERS. Heto ang mga nagsipanalo sa MYX Music Awards 2010:

Favorite International Music Video: "Love Story" by Taylor Swift

Favorite Indie Artist: Archipelago

Favorite Media Soundtrack: "Record Breaker" for Sunsilk by Sarah Geronimo

Favorite Bandarito Performance: Roots of Nature

Favorite MYX Live Performance: Rico Blanco,

Favorite Urban Video: "Upuan" by Gloc9 featuring Jeazelle Grutas

Favorite Rock Video: "Diamond Shotgun" by Chicosci

Favorite Mellow Video: "Old Friend" by Kyla

Favorite New Artist: Young JV

Favorite Remake: "You Changed My Life" by Sarah Geronimo

Favorite Collaboration: "Higante" by Ely Buendia and Francis Magalona

Favorite Guest Appearance in a Music Video: Heart Evangelista in Hale's "Bahay Kubo

Favorite Celebrity MYX VJ: Billy Crawford

Favorite Group: Sponge Cola

Favorite Male Artist: Rico Blanco

Favorite Female Artist: Sarah Geronimo

Favorite Artist: Sarah Geronimo

Favorite Song: "Back In Time" by Jay-R and Kyla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Favorite Music Video: "Kasalanan" by 6CycleMind and Gloc9.

MYX Magna Award: Jose Mari Chan at Special Citation naman kay Christian Bautista.

Incidentally, naglabas last year ng Jose Mari Chan cover album si Christian bilang tribute sa master songwriter at nag-iisang Filipino triple Diamond Award recipient.

Ang MYX Music Awards 2010 na nasa panglimang taon na ay ipalalabas sa Sabado, March 6, 7:30 sa Skycable Channel 23. Magkakaroon ng replays sa March 15, Lunes, 1:30 pm at March 19, Biyernes, 7 a.m.

CLICK HERE to watch clip of the MYX Music Awards opening number.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN