StarStruck V First Prince Enzo Pineda answers gender issue

IMAGE 0


"Nararamdaman ko, sinisigaw ko talaga sa likod ng isip ko na sana ako ang maging Ultimate Survivor. Yung positive thinking kasi, kung na-picture mo naman ang sarili mo, mangyayari talaga. But for me, okay lang. Winner pa rin ako. Second Prince, First Prince... Wow, okey na yun!" says Enzo Pineda.


Madalas na nababanggit na isa si Enzo Pineda sa pinakamalakas na contender para sa titulong Ultimate Male Survivor ng StarStruck V. Pero sa ginanap na Final Judgment ng naturang reality-based artista search ng GMA-7 kagabi, February 21, sa Araneta Coliseum ay pumangalawa lamang si Enzo sa nanalong si Steven Silva.

Pero inamin ni Enzo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nang sila na lang ni Steven ang natira pagkatapos tawagin ni Rocco Nacino as Second Prince, ay umasa rin siyang siya ang manalo.

"Of course, nararamdaman ko, sinisigaw ko talaga sa likod ng isip ko na sana ako ang maging Ultimate Survivor. Yung positive thinking kasi, kung na-picture mo naman ang sarili mo, mangyayari talaga. But for me, okay lang. Winner pa rin ako. Second Prince, First Prince... Wow, okey na yun!" nakangiting sabi ni Enzo nang makausap namin siya at ng iba pang press sa press room ng Big Dome pagkatapos ng Final Judgment.

Pero in-expect ba niya na silang dalawa ni Steven ang maiiwan para maglaban sa titulong Ultimate Male Survivor?

"For me, hindi rin po," sagot niya. "Kasi, ang taas po talaga ng text votes ni Steven. So, malakas po si Steven. Kahit sobrang galingan sa talent namin, konti lang din po difference sa judging."

Pagdating sa text votes, si Enzo ang ine-expect na mangunguna sa aspetong ito dahil nakilala siya bilang anak-mayaman. Ano nga ba ang nangyari?

"Para sa akin, hindi. Of course, first, I came here not because of my parents. Pinatunayan ko sa mga tao na hindi ko ginagamit ang ano ng parents ko just for the sake of winning in StarStruck.

"Of course, sa grand finals, I can't help it na magte-text ang parents ko. Kahit po yung dad ko, nakikita ko, masakit na ang kamay niya na nagte-text. Pero yung nagbibigay ng load, hindi po. For me, sariling sikap ko 'to," sabi ni Enzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang mensahe niya para kay Steven?

"Steven, bro, ang galing ng performance mo kanina. Nabilib ako. Kahit kami kanina, sumasayaw kami sa likod ng stage. You truly deserve it. From the start of StarStruck, ang lakas ng hatak ng fans mo. Pantay-pantay tayo, lahat tayo winners. So, everything happens for a reason. I know you really need this also, kami ni Rocco, we need this also. Pero ibinigay ni God kay Steven, so, mas kailangan niya po. Pero okay lang, winners po lahat."

SARAH LAHBATI. Ang nali-link kay Enzo na si Sarah Lahbati ang itinanghal na Ultimate Female Survivor. Hindi kaya makaapekto ito sa tambalan nila gayong si Steven ang male counterpart ni Sarah at baka sila ang pagtambalin?

"Hindi po, magiging kami pa rin po!" natatawang sagot ni Enzo, na nagpapaka-positive lang daw.

Sa palagay ba niya ay puwede na niyang ligawan si Sarah ngayong tapos na ang StarStruck V?

"Hindi naman po. Step by step po. Siyempre po, maganda rin naman po na maging best friend muna," sagot ni Enzo.

Ano naman ang message niya kay Sarah?

"I'm very proud of you. Alam ko na malaki ang mararating mo at sana mas maging close pa tayo, super close, very close," sabi niya.

REAL CHALLENGE. Para sa lahat ng contestants ng StarStruck V, nanalo man o natalo, ngayon pa lang talaga magsisimula ang totoong challenge sa pagiging artista nila. Ano ang gagawin ni Enzo para ma-survive ang challenge ng isang pagiging ganap na artista?

"Of course, first, kailangan po talaga acting. Singing po, I'm getting there. Dancing, okay naman po, masaya naman po. I'm not saying na magaling ako dun, but there's so much to improve pa rin. Sa acting naman po, I really missed it. Kahit na sabihing baguhan pa lang ako, yung mga last few days na wala kaming acting, parang nabibitin ako, parang gusto ko pang mag-let out ng mga emotions sa acting. Feeling ko, I really have to go to workshops again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, gusto ko rin mag-workout at magpaganda ng katawan. Balak ko rin maging Bench model someday, sana!" natatawa niyang sabi.

Okey na rin daw sa parents niya na mag-aartista na siyang talaga.

"Happy sila sa akin, proud ako. Kanina, naiyak ako. First time na sinabi ng dad ko na I achieved something in my life. Sabi niya, I'm somebody now. I just have to be responsible. Keep my feet on the ground. I know as a performer, I put my heart on the stage. Ito talaga ang mahal ko."

Looking back, ano ang magagandang babaunin niya from StarStruck?

"Yung mga comments sa akin ng mga mentor na hindi masyadong maganda about me. Kasi, ito ang nagdadala sa akin to become better. Kumbaga, sinabi ni Ms. Gina Alajar, kailangan hugutin ko raw 'to dahil hindi raw ako naghihirap. O, may pagka-plastic daw ako. For me, yun ang mga pinagdadaanan ko lang sa buhay.

"Kung sinasabi ng mga tao na hindi ako naghihirap ngayon, itong buong journey ko sa StarStruck, ito ang paghihirap ko dahil papasok pa lang ako ng StarStruck, marami na ako agad na issue. So, in my case, kahit sinong tao, 19 pa lang ako, of course, masasaktan ka talaga nang todo dun. But for me, it helped me to become a better person," sabi ni Enzo.

GENDER ISSUE. Nasa StarStruck pa lang si Enzo ay may isyu na sa kanya tungkol sa kanyang pagkalalake. Ngayong magsisimula na siya ng kanyang showbiz career, paano sasagutin ang mga nagkukuwestiyon sa kanyang pagkalalake?

"Para sa akin, proud ako na lalake talaga ako," sagot niya. "Ang tagal na ng isyu na po 'yan. Pero of course, lahat naman ng artista, kahit si Rocco, nagkakaroon ng isyu na ganun. Kahit si Ian Batherson.

"It's a common thing in show business. You just have to be yourself. Ipinapakita ko naman kung ano talaga ako. And it shows, inaamin ko naman po na crush ko si Sarah. Nagka-girlfriend ako dati. It's no big deal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "And if you'll ask me, I respect gay people because they are really creative people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN